Chapter 19: Magical Flower

180 81 1
                                    

Chapter 19 : Magical Flower

Rhia's Point Of View

"Sa-sa akin ito Kamahalan?" Tanong ko kay Prince Andrexsel.

"Hindi, Para yan sa puno" sagot niya.

Nagulat ako hahaha.

"Tanga ka ba Rhia, ikaw lang ang kasama ko, siyempre sayo yan.' sabi ni Prince Andrexsel at sumimangot. Natawa ko sa sinabi niya.

Inamoy ko ang bulaklak, ang bango. Hindi ko napigilang mapangiti ng todo, napakagandang Magical Flower. Para itong Rose, kulay pink siya na ang gitna ay kulay violet, at may nakapalibot na white petal. Kumikislap ang mga maliliit na bilog na kulay white sa paligid nito. Ang tangkay nito ay kulay yellow na kumikislap.

"Ang ganda Kamahalan, Thankyou" sabi ko.

"Na-Nakita ko kasi kaya binigay ko sayo, nakita ko kasing para kang batang tuwang-tuwa sa Magical flowers." sabi ni Prince Andrexsel at tumawa.

Awts!!! Parang batang tuwang tuwa sa Magical Flowers hahaha, Grabe ka talaga Kamahalan at nagawa pa kong pagtawanan.

"Pero salamat pa rin Kamahalan" sabi ko na nakangiti at namumula ang pisngi.

Si Prince Andrexsel ang unang lalaking nagbigay sa kin ng flowers.
Yun nga lang sabi niya nakita niya na para kong batang tuwang-tuwa sa magical flowers kaya niya ito ibinigay haha. Ewan ko kung yan talaga dahilan

Nagulat ako ng lumiwanag ang Magical flower. Pati ako ay lumiwanag din. Nagkaron ako ng parang headband ng mga Magical flowers sa buhok ko tulad ng hawak ko pero maliit lang sila.

Lalo kong nagulat ng maiba ang aking kasuotan. Nakagown na ako na kakulay at kadisenyo ng Magical flowers na hawak ko.

Para kong fairy.

Lumapit sa akin si Prince Andrexsel. Nagulat ako ng hawakan niya ang mukha ko. Tumitig siya sa akin at hinaplos ang kanang bahagi ng mukha ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko.

"Bagay sayo Rhia, mukha kang Fairy" malambing na sabi ni Prince Andrexsel habang nakatitig sa akin at hinahaplos ang mukha ko.

Inilapit pa niya lalo ang mukha niya na lalong nagpabalis ng tibok ng puso ko.

"Fairy na pangit" sabi niya sabay tawa.

"Nakakainis ka Kamahalan, akala ko ay nagbago ka na at hindi mo na ko lalaitin. Tapos ano sasabihin mo na binibiro mo lang ako, hindi na ako maniniwala sayo" sabi ko na galit na galit.

Nagbalik ang kasuotan ko sa Ivatran Warrior Armor at nawala ang headband na Magical flowers sa aking buhok.

"Hahaha Sorry Rhia, hindi na mauulit Promise" sabi ni Prince Andrexsel. Hinaplos niya uli ang mukha ko.

Nagulat ako sa sinabi niya. May promise pa ah hehe.

"Sana nga hindi na" sabi ko na at sumimangot.

"Pagmasdan mo pa yung mga flowers Rhia" sabi ni Prince Andrexsel.

Tapos sasabihin na naman niya para kong batang tuwang-tuwa sa magical flowers. Pero pinagmasdan ko pa rin ang mga flowers. Ang gaganda at magical kasi talaga nila.

Hinawakan uli ni Prince Andrexsel ang kamay ko at pumunta naman kami sa mga prutas. Napakarami at masasarap na prutas ang aming nakita.

"Umupo ka muna at sumandal sa puno Rhia kukuha lang ako ng mga prutas natin" sabi ni Prince Andrexsel.

Wow siya na ang kukuha ng prutas at hindi na ako hahaha.

Pagkakuha niya ng prutas ay umupo siya sa tabi ko. Sabay kaming kumain ng prutas. Pagkatapos kumain ay isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko na kinagulat ko.

KINGDOM OF IVATRA (Ongoing)Where stories live. Discover now