Chapter 45: Black Griyan Warrior

148 19 0
                                    

Chapter 45: Black Griyan Warrior

Yekesha's Point of View

Dumating na ang mga bisita ni Haresiya Fresca na sina Haresiya Seuneda, Haresiyo Eridelo at Haresiyo Venido para kumain at mag-usap usap sa Dining Room ng Haren.

Pinaghatak ng upuan ni Eridelo si Seuneda pero hindi ito umupo bagkus ay pumuwesto ito sa kabilang upuan.

"Kung ang Mahal kong Prinsipe ang naghatak ng upuan ay uupo ako, kaso ang nakakadiri kong manliligaw ang gumawa kaya di ako uupo" sabi ni Seuneda na iritable.

"Hahaha, buti nga ako pinaghatak ka ng upuan Seuneda, yung Mahal mong Prinsipe ay kahit kailan di ginawa yun sayo. Ang ginawa lang niya ay sabihing napakaganda mo at makipagbiruan sayo. Di ka pa ba nakakamoveon sa kanya, may Girlfriend na siya Seuneda" sabi ni Eridelo at ngumisi.

"Gusto niya ako, marami lang siyang problema, sa aming tatlong Haresiya ako lang ang kinakausap niya lagi at nagbibiruan kami, sa akin siya pinakaclose, ay hindi pala sa akin lang siya close, nang tinanong ko nga siya kung meron na siyang nahalikang babae ang sabi niya ay wala pa at tinanong niya ko kung bakit ko naitanong at ngumisi siya hahaha, siguro ay gusto niya kong halikan kung sasabihin kong gusto ko, Dahil Gusto nga nya ako." sabi ni Seuneda na kinikilig.

"Hahaha kaya pala hinalikan ng Prinsipe si Rhia sa pisngi, sa harapan mo pa Seuneda, baka ngayon nga eh nagkikiss na sila ni Rhia sa lips, edi may nahalikan na siyang babae" sabi ni Eridelo at ngumisi.

Di ko napigilang matawa. Alam ko ay magkadate si Prinsipe Andrexsel at Rhia ngayon kaya sigurado ko na magkikiss sila hehe. Kung alam lang to ni Seuneda siguradong lalong magngingit siya hahaha.

"Tumigil ka na sa ganyan Eridelo, Di niya gusto ang pangit na yun at ako ang gusto niya. Nahihirapan lang siya sa sitwasyon niya sa kanyang Inang Reyna at pagkakasundo sa kanila ni Bruhang Arviena, kaya kunwari ay gusto niya ang babaeng pangit na yun. Di niya hahalikan ang babaeng pangit na yun sa lips" sabi ni Seuneda na galit na galit.

"Tigilan niyo na ang pagtatalo lalo na tungkol sa Prinsipe at kay Rhia, nandito tayo para kumain at pag-usapan ang mga problema sa ating kaharian at sa Black Kingdom of Griya" sabi ni Haresiya Fresca.

"Pasensya na Fresca, di ko lang matanggap na gusto ng aking Prinsipe ang Rhiang yun, alam ko ay ako ang gusto niya, at masakit na di ko nasabi agad sa kanya ang nadarama ko para sa kanya, baka sakali ako na ang Girlfriend niya" sabi ni Seuneda na di na napigil ang umiyak.

"Huwag ka ng umiyak Seuneda, di gusto ng Prinsipe si pangit, ginagamit lang niya yun" sabi ni Venido.

Naku Venido lagot ka kay Yola pag narinig niya ang panlalait mo sa bestfriend niya.

"Venido tumigil ka sa panlalait kay Rhia, baka pagsisihan mo yan hahaha" sabi ni Haresiya Fresca. Oo nga bad ka Venido.

"Pinakakalma ko lang si Seuneda, saka sa tingin nyo ba magkakagusto si Prinsipe Andrexsel sa isang mukhang halimaw, kalokohan " sabi ni Venido.

Tiningnan siya ng masama ni Haresiya Fresca pero pinilit ikalma ng Haresiya ang sarili.

"Sige kumain na kayo" sabi ni Fresca.

Pagkatapos nilang kumain ay pinag-usapan na nila ang mga problema ng Kingdom of Ivatra at mga hakbang na kailangang gawin upang matalo ang Black Kingdom of Griya.

Yola's Point of View

Nagising kami ni Derick sa mahimbing na pagkakatulog.

Nagulat kami na si Princess Kenna ang nakahiga sa kama ni Rhia at wala si Rhia.

Tumayo si Derick at dinabog ang paa nito.

"Bakit? " sigaw ni Derick "Lagi itong ginagawa ni Rhia sa atin, alam ko mahal nya yung Boyfriend niyang mayabang Yola pero sana ay di niya ginagawa lagi to na nandun lagi siya habang tayo ay nag-aalala sa kanya at hindi man lang siya nagsasabi" sabi ni Derick na galit at masama ang loob.

KINGDOM OF IVATRA (Ongoing)Where stories live. Discover now