Chapter 47: Happiness and Love

154 13 3
                                    

Chapter 47: Happiness and Love

           Dedicated to Bright__Star

Rhia's Point of View

Tumingin si Friyan kay Yola, bakas sa mukha ng bestfriend ko ang pagkagulat.

"Ah tinanong ko si Haresiya Fresca kung san pumunta si Yola para personal kong masabi na dalawang  araw na lang ay pagsasanay uli sa Ivatran Warriors Room, at sabi ng Haresiya ay dito raw siya pumunta kasama nyo Kamahalan at Haresiyo Venido" sabi ni Friyan na kinagulat namin lalo na ni Yola.

Napangisi naman si Prince Andrexsel habang nakayakap pa rin sa akin.

Tiningnan ng masama ni Venido si Friyan. "Di na siya babalik sa Ivatran Warriors Room Friyan, Kung gusto ni Yola ay dito na siya magsasanay sa Dorse Arren Country, o Warrior Country" sabi ni Venido at ngumisi. Nagulat kami sa sinabi niya.

Tila parang alam niyang nagkagusto si Friyan kay Yola.

Nainis si Friyan pero tumawa ito. "Ah ganun po ba, Mahal na Haresiyo, kung anuman ang maging desisyon ni Yola ay ayos lang po" tumingin ito ng seryoso kay Yola."Ngunit sana ay makasama muli namin siya sa Ivatran Warriors Room" sabi ni Friyan at ngumiti.

Suddenly the heart of Yola seemed to be broken. She is confused.

Tumingin si Friyan kay Prince Andrexsel. "Sige po Kamahalan" sabi ni Friyan at malungkot na nagteleport paalis ng Haren ni Haresiyo Venido.

I looked at Yola. She seemed confused by how she was feeling.

Seryosong tumingin si Prince Andrexsel kay Haresiyo Venido "Seryoso ka Venido? Dito mo talaga gustong pagsanayin si Yola?" tanong ng Prinsipe.

"Oo kung gusto ni Yola" sabi ni Venido at tumingin ito ng seryoso kay Yola.

Biglang pumatak ang luha sa mata ni Yola na kinagulat namin. Venido grabbed Yola's arm which suprised her.

"Don't cry Yola, ayokong nababasa ng luha ang maganda mong mukha" sabi ni Venido at pinunasan ng kamay niya ang luha ni Yola.

Prince Andrexsel laughed "Sweet din si Venido Yola kahit masama ugali niya hahaha, iba talaga pag first love" sabi ng Prinsipe at tumawa uli.

Natawa rin si Venido na namumula rin ang mukha. "Ikaw First love mo rin si Rhia Kamahalaan, kaya sweet kayo lalo" sabi ni Venido at ngumiti sa aming dalawa ng Prinsipe.

Prince Andrexsel tightened her hug on me ."Yes Rhia, My First and Only Love" he said in a soft voice.

Nakita kong ngumiti si Haresiyo Venido at pati si Yola, tila masaya din si Yola para sa akin. Ngumiti ako sa kanya, i pray that my friend will not be sad anymore.

Pinapasok uli kami ni Haresiyo Venido sa kanyang Haren at nakita namin ang iba nitong rooms, maayos naman ang iba pero kakaiba nga lang  at pinakamaganda nga lang ang sala niya at bedroom haha, kaya pala inaasar siya ni Prince Andrexsel.

Pagkatapos ay bumalik na sina Yola at Venido ng Haren ni Haresiya Fresca. Hindi kami bumalik ni Prince Andrexsel dahil meron daw kaming pupuntahan.

Tinawag ni Prince Andrexsel ang kabayo niyang si Henires at pumunta ito sa kinaroroonan namin. Hinaplos ng Prinsipe ang ulo ng kabayo niya.

"Henires Masayang masaya ako Girlfriend ko na si Rhia" sabi ng Prinsipe sa malambing na tinig.

Binuhat niya uli ako at sinakay sa kabayo niya. Hinaplos niya ang kamay ko at hinalikan ang pisngi ko.

"I love you Ganda" sabi ni Prince  Andrexsel.

Iniharap niya ang mukha ko sa mukha niya at inilapat ang labi niya sa labi ko. We shared warm kiss on top of his horse.

KINGDOM OF IVATRA (Ongoing)Where stories live. Discover now