Chapter 31: Picture

154 44 0
                                    

Chapter 31: Picture

Rhia's Point of View

Tila pamilyar ang babaeng kaharap namin.

"Haresiya Fresca nandito na po sila." sabi ni Yekesha.

Tama nga ako pamilyar nga siya. Siya si Haresiya Fresca na nakita ko sa pagpupulong nina Prince Andrexsel at mga Haresiya at Haresiyo.

Siya ang pinuno ng Maviya Mava Country o Magical Country.

"Salamat aking Hivre, Yekesha" sabi ni Haresiya Fresca.

Hivre pala ni Haresiya Fresca si Yekesha.

"Maupo na kayo" sabi ni Haresiya Fresca. Umupo na kami. Masasarap na pagkain ang nakahain sa lamesa.

Maganda si Haresiya Fresca. Maganda ang kulay pink niyang hair na hanggang paa na nakatirintas. May sombrero syang kulay blue na tulad ng sa magician na may halong gold  na guhit. Kulay blue ang kanyang gown na may kwelyo at may mga lace na gold.

"Ang aking kapatid na si Graceno ang nakiusap sa akin na patirahin kayo dito sa aking Haren o Palasyo" sabi ni Haresiya Fresca.

"Ka-kapatid nyo po si Graceno?" tanong ko na nagulat sa narinig ko.

"Oo, Kuya ko siya" sagot ni Fresca.

Binulungan ko si Yola "Siya si Haresiya Fresca, isa sa pinuno ng 6 country ng Kingdom of Ivatra" nagulat si Yola sa narinig. Binulong niya din ito kay Derick.

"Hindi ko na tatanungin kung saan kayong lugar galing dahil may tiwala naman ako sa aking kapatid" sabi ni Haresiya Fresca na nagpagulat sa amin.

"Sige kumain na kayo" sabi ni Fresca.

Nag-aalinlangan man ay kumain na din kami. Ang sasarap ng mga pagkain.

"Nabalitaan ko kay Yekesha ang pag-atake sa inyo ng halimaw mula sa Black Kingdom of Griya, talagang tuloy tuloy lalo ang pag-atake nila sa Kingdom of Ivatra" sabi ni Haresiya Fresca.

"Oo nga Haresiya, natakot po kami, buti dumating si Prince Andrexsel at napatay ang monster" sabi ko.

Nagulat at napatingin si Derick sa akin dahil sa sinabi ko. Nakaramdam na naman siya ng lungkot at selos.

"Lalo na ang Isren Gena Country, lagi nilang inaatake.Kaya sang-ayon din ako sa pag-iisang dibdib ni Prince Andrexsel at Haresiya Arviena. Malakas din si Haresiya Arviena at lalo niyang mapapalakas ang Prinsipe sa pagsasama ng kanilang lakas." sabi ni Haresiya Fresca.

Kumirot ang puso ko sa sinabi ni Haresiya Fresca at sobrang nalungkot. Napatingin sa akin sina Derick at Yola. Nakita nila ang kalungkutan sa mukha ko.

"Teka tila pamilyar ka sa akin, ikaw ang Hivre na pinakilala sa amin ni Prince Andrexsel diba?" Tanong ni Haresiya Fresca.

"Ah, O-Oo ako yun Haresiya" sagot ko.

"Ngayon lang nagkaroon ng Hivre si Prince Andrexsel. Bakit kaya itinalaga ka niyang Hivre niya?" tanong ni Haresiya Fresca.

Nagulat ako sa tanong niya "Di-di ko rin alam Haresiya" sabi ko na namumula ang pisngi.

"Wala kang pakelam dun Haresiya Fresca" Isang pamilyar na tinig ang nadinig namin.

Tumayo si Haresiya Fresca na tila pilit at yumuko. "Magandang araw Kamahalan, Prince Andrexsel" sabi nya.

"Tumayo kayo at magbigay pugay sa Prinsipe" sabi ni Haresiya Fresca sa amin.

Tumayo kami at yumuko ni Yola.
"Magandang araw Kamahalan" sabi naming tatlo, Si Derick ay tumayo lang at hindi yumuko.

Hindi ko napigilang mapangiti ng makita ko si Prince Andrexsel. Nakatingin siya sa akin. Nakatingin naman sa kanya ng masama si Derick.

KINGDOM OF IVATRA (Ongoing)Where stories live. Discover now