Chapter 18: Outside the Palace

183 86 0
                                    

Chapter 18: Outside the Palace

Rhia's Point Of View

"Country Of Fairies and Mermaids Kamahalan?" tanong ko kay Prince Andrexsel na namamangha.

"Oo Rhia, at marami pa ang nilalang na mahiwaga dito." sagot ni Prince Andrexsel.

"Wow, dati sa Tv and Movie ko lang yun napapanood Kamahalan." kumikislap ang mata ko. "Di ako makapaniwala na magkakatotoo at mapupunta ko sa ganitong lugar."

"Ano yung TV at Movie Rhia?" tanong ni Prince Andrexsel sa akin.

"Panooran iyon ng mga palabas sa mundo namin Kamahalan, Yung TV ay maliit na panooran at yung movie ay malaking panooran hehe." explain ko.

"Ah ok." maigsing sagot ni Prince Andrexsel.

"Kuha mo ko ng Prutas sa loob ng Forest Rhia." sabi ni Prince Andrexsel at ngumisi.

Napasimangot ako sa kalokohan niya.
"Hahaha, binibiro lang kita." sabi niya.

Nagulat ako ng umakbay uli siya sa akin. "Kaya din kita isinakay sa kabayo ko nun para makalabas ka rin at makita mo yung ganda ng kaharian namin kahit papaano at ngayon gusto kong makita mo pa ulit ang ganda ng kaharian namin." sabi ni Prince Andrexsel.

Di ako makapaniwala sa kanyang sinasabi. "Akala ko Kamahalan ay gusto mo lang akong pakuhanin ng prutas mo." sabi ko.

"Isang linggo bago kayo pumunta rito nag-umpisa akong di lumalabas ng Palasyo. Napansin mo ba na lagi lang akong nasa loob ng palasyo at kwarto ko, lumalabas lang ako ng room ko twing kakain sa Damira Room, may pagpupulong sa Venriva Room at Ivatran Warriors Room, pag magsasanay ako." bumuntong hininga si Prince Andrexsel. "Dahil ayoko munang lumabas, lumabas lang ako nung sumakay tayo sa kabayo ko papuntang Forest ng Dell Ress Country. Dahil marami kong iniisip na problema na gusto ko na munang magkulong at magbasa ng libro." sumilay sa mukha niya ang lungkot.

Nakaramdam ako ng awa at pag-aalala sa kanya. Kahit napakasama at mapanlait na Prinsipe ang tingin ko sa kanya dati, hindi ko alam na nasasaktan din siya dahil meron din siyang mga pinagdadaanan. Ngayon nalaman ko ito ng lubusan. Ang tingin sa kanya ay nasa kanya na lahat dahil Prinsipe siya, ngunit hindi pala, may kakulangan pa rin at may pagsukbok ding pagdadaanan ang Prinsipeng tulad niya. Bilang Prinsipe pinapakita niyang malakas siya ngunit may kahinaan din.

"Lumabas uli tayo ngayon upang mapahinahon muna ang ating isip Rhia, masyado rin akong nahirapan sa pagkulong ko sa sarili ko sa Palasyo, imbes na mapayapa ang isip ko ay lalo kong nabalot ng kalungkutan dahil sa galit ng aking Ina sa akin at mga problema, at kahit sa palasyo na ay napasok pa tayo ng kalaban." sabi ni Prince Andrexsel. "At gusto ko rin makalabas ka rin at makapamasyal sa aming kaharian." ngumiti din siya sa akin. "Gusto kong lumabas kasama ka Rhia."

Nagulat ako at napangiti sa narinig. "Sa-Salamat Kamahalan, Tama iyon kailangan ay makapag-isip ka ng maayos at maging mahinahon." sabi ko.

Inalis niya ang akbay sa braso ko at hinawakan at hinaplos niya ang kamay ko na kinagulat ko.

Nagtitigan kami. "Alam mo ba kahit nilalait kita, natutuwa din ako sa tapang mo tuwing nag-aaway tayo" sabi ni Prince Andrexsel sa malambing na tinig. "Matapang ka ngunit malambot din at iyakin." tumawa siya."Pero pinakahumanga ako sa tapang mo Rhia nung sinampal mo ko, nung tinatakot kita na paparusahan kita sa mga Regaso dahil kinuha mo ang lagatena sa akin kahit alam mong kamatayan ang parusa nun, hahaha baliw ka nga eh."

Nagulat ako sa sinabi niya. Humanga siya sa akin? "Patawad kung naging sobrang sama ko sayo dati, bukod sa masama naman talaga ako haha, marami din akong iniisip na problema lalo na sa king Ina kaya lalong lumalabas ang pagiging masama ko, at masyadong mataas ang tingin ko sa sarili ko na nalait kita ng sobra at nahusgahan sa itsura mo at pinahirapan kita at inalila." sabi ni Prince Andrexsel at napayuko. Sumilay sa mukha niya ang lungkot.

KINGDOM OF IVATRA (Ongoing)Where stories live. Discover now