Chapter 26: Pagsasanay

181 53 0
                                    

Chapter 26: Pagsasanay

Rhia's Point of View

Nagpalit ng damit si Prince Andrexsel sa banyo ng kanyang kwarto. Nakaitim na sando siya at pants.

He looks so hot and handsome, hindi na ko nagtataka kung bakit marami ang nagkakagusto at nababaliw sa kanya.

Nagkatinginan kami at nagtitigan, ang kaninang malungkot kong mukha ay namula.

Hinaplos niya ang kanyang buhok at ngumisi.

"Ang gwapo ko diba Rhia" sabi niya.

"Oo sobra" hahaha di ko napigilan ang bibig ko habang nakatitig pa rin sa kanya.

Natawa siya, nahawakan ko ang labi ko dahil sa hiyang nadarama nang maisip ko ang aking nasabi.

"Hawak mo ang malaki mong labi, aking Hivre hahaha" sabi ni Prince Andrexsel. Tinanggal ko ang hawak sa labi ko at napasimangot ako sa sinabi niya.

Kinuha niya ang kanyang espada at lumapit siya sa akin.

Kinurot nya ang pisngi ko "Handa ka na bang magsanay cute kong Hivre" sabi ni Prince Andrexsel.

"Ginagamit lang nila kayo, lalo na ikaw." Narinig kong muli ang tinig sa aking isipan.

"Parang ayoko ng magsanay Kamahalan" sabi ko na kinagulat ni Prinsipe Andrexsel.

"Bakit?" Tanong niya.

"Da-dahil,,," sabi ko.

"Nag-explain na ko sayo diba Rhia, sana maniwala ka naman" sabi niya.

"Di ko nga alam, kung bakit ako nag-eexplain sayo" sabi niya at nagtitigan uli kami.

Ano ba ang sinasabi niya? Ah yung kay Haresiya Seuneda kaya?

"Si-Sige Kamahalan, ma-magsasanay na ako" sabi ko.

"Mabuti" sabi niya at hinawakan niya ang kamay ko at nagteleport kami patungong room ng sanayan niya.

Pinaghalong blue at red ang room, simple at walang disenyo.

May dalawang upuang kulay black na cotton, at may lamesa ng mga sandata.

"Dito ko nagsasanay ng pag-eespada Rhia, minsan ako lang, minsan may kalaban ako." sabi ni Prinsipe Andrexsel.

"Ako ang Pinakamagaling sa lahat ng mga Ivatran Warriors at mga Warriors dito sa Kingdom of Ivatra"

"Gusto mo na bang makita ang tunay kong galing, lakas at kapangyarihan?" sabi ni Prince Andrexsel at ngumiti siya.

"O-Oo Kamahalan" sagot ko.

"Oo nga pala nalasing ako kagabi at inimon ko yung pinakamataas na uri ng lagatena, kaya feeling ko nalasing ako agad, ano pinaggagawa ko kagabi?" tanong niya.

Namula ang pisngi ko at kinabahan ako ng maalala yung mga ginawa niya kagabi at mga sinabi niya.

"Ah ma-magsanay na tayo Kamahalan" sabi ko na kinakabahan.

"Ok" nagulat ako ng mabilis siyang tumakbo patungo sa akin.

"Nagulat ka no" sabi niya na nakangisi.

Kahit nakangisi siya, napakagwapo pa rin niya.

"Masasaktan ka lang"

Naririnig ko na naman ang tinig na iyon sa isip ko. Umiling-iling na lang ang ulo ko, ano ba iyon at bakit ko iyon naririnig.

Nagulat ako ng mapabagsak agad ni Prince Andrexsel ang hawak kong espada na nasa baba ang matulis na dulo nito.

"Rhia concentrate, huwag kung anu-ano iniisip mo, kung meron kang kalaban, tiyak napatay ka na sa oras na ito" sabi ni Prince Andrexsel.

KINGDOM OF IVATRA (Ongoing)Where stories live. Discover now