Chapter 27: Favorite Song

158 52 8
                                    

Chapter 27: Favorite Song

Rhia's Point of View

Nagising kami ni Prince Andrexsel sa pagkatulog sa upuan ng sanayan niya. Kumalas kami sa aming yakap at nagtitigan.

Bigla naming narinig ang tawag mula sa labas, Tumayo si Prince Andrexsel at sinagot ang tawag ni Argo mula sa labas.

"Ano ang kailangan mo Argo?" Tanong ni Prince Andrexsel.

"Si Haresiya Seuneda ay nasa sala po Kamahalan at nais kayong makausap" sabi ni Argo.

"Sabihin mo bukas ko na lang siya kakausapin" sabi ni Prince Andrexsel.

Nagulat ako at kumirot ang puso ko sa sagot niya. Mag-uusap sila ni Seuneda?

Humarap siya sa akin. Seryoso siyang nakatingin sa akin.

"Magsasanay uli tayo Rhia" sabi niya.

Malungkot ang mukha na tumayo ako sa upuan. Natawa siya at hinaplos niya ang mukha ko.

"Bakit ka na naman malungkot Cute kong Hivre?" tanong niya.

Tinanggal ko ang kamay niya sa mukha ko.

"Huwag mo kong hawakan" sabi ko na nakasimangot at lumayo sa kanya. Ngumisi siya.

"Maglalaban uli tayo sa pag-eespada, dun mo ibuhos ang galit mo hahaha" sabi niya.

Humarap ako sa kanya "Hindi ako galit Kamahalan" sabi ko.

"Hawakan mo na uli ang espada mo" sabi niya.

Hinawakan ko ang espada ko, tulad ng sabi niya ibubuhos ko ang galit ko sa pag-eespada, yun ay kung hindi niya mapapatalsik ang espada ko.

Hinawakan na uli ni Prince Andrexsel ang espada niya. Hinaplos muna niya ang buhok niya at ngumisi.

"Handa ka nabang patalsikin kong muli ang espada mo Rhia" sabi niya.

Nakakainis, inaaasar na naman niya ako.

Puwesto na kami, ako uli ang unang sumugod. Imbis na tumalsik ang espada ko ay tumama na ito ng diretso sa espada ni Prince Andrexsel.

Pinatama ko uli ang espada ko at nilabanan ito ni Prince Andrexsel.
Medyo nakakalaban na ito sa espada niya, pero syempre lamang pa rin siya.

Patuloy kami sa aming laban.Kapwa kami hiningal at pinagpawisan.

Nagulat ako at nanlaki ang mata ng biglang hubarin ni Prince Andrexsel ang sando niya at makita ko ang matipuno niyang katawan.

Tinakpan ko ang mata ko. Tumawa ng tumawa si Prince Andrexsel at tinanggal ang kamay na nakatakip sa mata ko.

"Huwag kang magtakip ng mata Rhia" sabi ni Prince Andrexsel.

"Kamahalan kasi eh" sabi ko na pulang pula ang mukha.

Tumawa uli siya "Mainit eh, pinagpawisan na ko kaya hinubad ko na sando ko" sabi niya.

Nakatingin lang ako sa mukha niya na kinakabahan. Sa mukha lang niya.

"Laban na uli tayo Rhia, Concentrate ha hahaha" sabi niya.

Pano ko makakaconcentrate nito?

Nanginginig kong itinaas uli ang espada ko, sa mukha lang niya ako nakatingin.

Sumugod uli ako. Naglaban uli kami. Nagtataka pa rin ako kung bakit nalalabanan ko siya ngayon, at napapagod siya ngayon, ganung kanina napapatalsik nya agad ang espada ko.

Patuloy kami sa labanan ng napatalsik niya uli ang espada ko. Pagkatalsik ng espada ko ay mabilis siyang pumunta sa likuran ko at niyakap niya ko ng isa niyang kamay habang ang isa niyang kamay ay hawak ang espada niya na nakatutok sa leeg ko.

KINGDOM OF IVATRA (Ongoing)Where stories live. Discover now