Chapter 39: First

163 28 4
                                    

Chapter 39: First

Author's Note: Happy 7k Reads to Kingdom of Ivatra❤
Yehey hehe
And Happy 39 Chapter hahaha
Thankyou po sa mga nagbabasa at sumusubaybay sa kwentong ito.
Sana ay suportahan nyo po ito at basahin hanggang ending hehe ❤
God bless you all.❤
Mabuhay ang Kingdom of Ivatra ❤❤❤

Third Person's Point of View

Pumunta si Prince Andrexsel sa Maraseris Room, ang room ng mga mga Maraseris ng Palasyo at ng 5 Pinuno ng mga Maraseris na ang pinuno ay si Graceno, ang Punong Maraseris ng Kingdom of Ivatra.

Sa Maraseris Room pinag-aaralan at isinasagawa ng mga Maraseris ang kanilang mga magic.

Pumunta si Prince Andrexsel sa room na kung saan nagpupulong ang 5 na Pinuno ng mga Maraseris.

Nakaupo ang apat na Pinuno ng mga Maraseris at nasa gitna nila ay isang bilog na lamesa.

Umupo si Prince Andrexsel sa upuan ni Graceno na bakas ang kalungkutan dahil nawawala ang isang matalik na kaibigan at tapat na tagapaglingkod.

Si Graceno ang Punong Maraseris na ang kasuotan ay white, Si Temivo ang Ikalawang Punong Maraseris ay Blue , Si Malira, Ikatlong Punong Maraseris ay red, ang nag-iisang babae sa lima. Balamirr, ang Ikaapat na Punong Maraseris na nakasuot ng Gold, at Hrinade na pinakabata at ikalimang Punong Maraseris na kasuotan ay brown.

"May ideya na ba kayo kung nasan si Graceno?" seryosong tanong ni Prince Andrexsel.

"Wa-wala pa rin Kamahalan" malungkot na sagot ni Temivo.

"Alamin nyo pa rin kung nasan siya, pero sa-sana ay di siya kinuha ng Black Kingdom of Griya" sabi ng Prinsipe na kinakabahan.

"At patuloy ko pa rin siyang pahahanap, ngunit sana ay hindi muna ito makarating sa Ina kong Reyna" sabi ng Prinsipe.

"Bakit po ba? Bakit ayaw nyong iparating sa Reyna ang nangyari kay Graceno?" nakataas ang kilay na tanong ni Malira.

Ngumisi si Prince Andrexsel.

"Maraseris ka ba talaga? bakit ganyan ang utak mo, o may utak ka ba. Tangang Maraseris, Mahika lang kasi alam mo" sabi ni Prince Andrexsel at ngumisi uli.

Nainis si Malira "Paumanhin Kamahalan, nais ko lang naman na malaman kung nasan ang kaibigan kong si Graceno." sabi niya at ngumiti ng pilit.

"Kung nais mo ay mas nais ko na mahanap siya, kaya wag niyo kong pakealaman sa mga nais kong gawin" sabi ng Prinsipe na naiinis.

"Sa tingin ko ay ang Black Kingdom of Griya talaga ang may sanhi ng pagkawala ni Graceno" sabi ni Balamirr.

"Kailangan talaga nating mapuksa ang Black Kingdom of Griya na yan Kamahalan" sabi ni Hrinade.

"Oo, gagawin ko ang makakaya ko para tuluyan ng matalo ang Black Kingdom of Griya at mapigil ang patuloy na paggawa nila ng kasamaan" sabi ng Prinsipe.

"Para sa kaligtasan ni Graceno, at mga mamamayan ng Kingdom of Ivatra. "

"Lalo na para sa kaligtasan ng dalawang babaeng espesyal at mahalaga sa akin" sabi ni Prince Andrexsel sa malambing na tinig.

"Alam ko kung sino ang dalawang babaeng yun Kamahalan, Si Queen Imarra at magiging asawa mong si Haresiya Arviena" sabi ni Malira at ngumiti ng todo.

"Hahaha, Tanga hindi si Arviena" sagot ng Prinsipe.

"Ah si Haresiya Seuneda, na sinasabihan mong pinakamagandang babae sa Kingdom of Ivatra" sabi naman ni Hrinade at ngumisi.

KINGDOM OF IVATRA (Ongoing)Where stories live. Discover now