Chapter 15: Yakap

232 109 1
                                    

Chapter 15: Yakap

Rhia's Point Of View

"I-Ivatran Warrior? A-ako magiging Ivatran Warrior na Kamahalan?" Tanong ko kay Prince Andrexsel na naguguluhan pa rin.

Kinuha ni Prince Andrexsel ang panyo sa aking bulsa at pinunasan ang mga luha ko at nagtitigan kami. Pagkaraan ay inabot niya uli sa akin ang panyo.

"Oo tulad ng iyong mga kaibigan na sina Derick at Yola" sabi ni Prince Andrexsel.

Hindi ko alam kung anong mararamdam sa sinasabi ni Prince Andrexsel. Naguguluhan talaga ako.

"Kamahalan, hindi na talaga ko magiging Personal na Dasre mo?" Tanong ko.

"Oo nga, pauulit-ulitin mo ba ko ha Rhia" sabi ni Prince Andrexsel at sumimangot.

Hindi na ko Dasre? Nakaramdam ako ng tuwa. Bigla ko ring naalala ang sinabi ni Graceno.

"Sa-Sabi ni Graceno kailangan kong magawa ang pagiging Dasre mo Kamahalan para makabalik kami sa mundo namin, Pero ngayon ay gagawin mo akong Ivatran Warrior, Bakit Kamahalan?" Tanong ko na kinakabahan.

Nagulat si Prince Andrexsel sa sinabi ko. Pagkaraan ay tumawa siya. Nagulat din ako sa aking sinabi.

Napatitig ako kay PrinceAndrexsel. Unti-unting bumalot ang lungkot sa akin.

"Hahaha Rhia oo nga pala sinabi yun ni Graceno. Gusto mo na bang bumalik sa inyong mundo?" Tanong ni Prince Andrexsel.

Hindi ako makasagot. Hindi ko alam kung anong gagawin at magiging desisyon. Pero kusang bumukas ang aking bibig.

"O-Oo gu-gusto kong bu-bumalik sa aming mundo Kamahalan" sabi ko na wala sa sarili.

Tumawa uli si Prince Andrexsel. Pero nakita kong nagkuyom ang kamao niya na kinagulat ko.

"Si-Sige Ri-Rhia kakausapin ko si Graceno para itigil na ang mga pinagagawa niya sa inyo at tulungan kayong makabalik sa mundo nyo" sabi ni Prince Andrexsel.

Nakaramdam ako ng tuwa sa sinabi ni Prince Andrexsel na makakabalik na kami sa mundo namin. Makakabalik na kami sa mundo namin at hindi na ako Dasre, Makakapiling na namin ang aming pamilya. Pero may halong lungkot ang nararamdaman kong saya.

"Sadyang Misteryoso si Graceno hahaha, pero alam ko na kung ano man yung mga ginagawa niya ay laging tama, Dahil malaki ang tiwala ko sa kanya, maliit pa lang ako ay kilala at kasama ko na si Graceno" sabi ni Prince Andrexsel.

"Kaya hindi ako tumutol na gawin ka niyang Personal na Dasre ko, lalo na at gusto kitang asarin at kawawain hahaha" sabi ni Prince Andrexsel na kinainis ko at nagpasimangot sa akin.

"Talagang sobrang napangitan ako sayo nung na pa lang kitang makjta hahaha" sabi ni Prince Andrexsel.

Napakamapanlait nya talaga. Kainis!!!

"Ang sarap mong asarin at insultuhin, lalo kang pumapangit pag inaasar at iniinsulto kita hahaha" sabi ni Prince Andrexsel.

Ang sama niya talaga. Ang sarap niyang hambalusin.

"Pero cute ka at kakaiba, kahit nung una pa lang nating paghaharap" sabi ni Prince Andrexsel at kinurot ang pisngi ko at ngumiti. Nagulat ako sa sinabi niya.

"Sabi mo nung una nating paghaharap na gwapo ko diba?" sabi ni Prince Andrexsel at ngumisi siya.

Nanlaki ang mata ko sa gulat at napatakip ako ng mukha.

Sinabi ko nga yun at nadinig pala niya, sabi ko pa nga "Oh My God, Ang Gwapo" hahaha.

"Gwapung-gwapo ka sa akin, Pinagpala talaga ko ng sobrang kagwapuhan eh. At ako ang Pinakagwapong nilalang sa buong Kingdom of Ivatra. Ako ang Prinsipe ng Kagwapuhan" sabi ni Prince Andrexsel.

KINGDOM OF IVATRA (Ongoing)Where stories live. Discover now