Chapter 9: Parusa

369 183 7
                                    

Chapter 9: Parusa
Dedicated to Heizel26

Rhia's Point of View

Kinabukasan ay pumunta kami ni Prince Andrexsel sa Kressel Garden, isang napakagandang Garden na nasa Dell Ress Country din. Ako ang pinagpitas niya ng mga bulaklak, namangha ako sa ganda ng Garden at mga bulaklak dito.

Muli akong nakarinig ng kaluskos at nakaramdam ng takot. Tumingin ako kay Prince Andrexsel at hinawakan niya agad ang kamay ko at nagteleport kami agad pabalik sa room niya.

Pagkabalik ay pumunta agad si Prince Andrexsel sa kwarto ng kanyang Inang Reyna na si Queen Imarra para ibigay ang mga bulaklak na kinuha namin. Naiwan naman akong kinakabahan at iniisip kung ano ang kaluskos na aking narinig kanina.

Pagbalik nya uli ng kwarto ay may dala syang lagatena o alak at umupo sa kanyang upuan.

"Nakakainis sya" galit na sigaw ni Prince habang umiinom ng lagatena.

Lumapit ako sa kanya. Nagulat siya ng bigla kong kinuha ang alak o lagatena na hawak nya at nagteleport ako sa Fedrena Room at tinapon sa basurahan ang lagatena saka bumalik ng kwarto nya.

"Mapangahas ka pangit ngayon din ay tatawagin ko ang mga Regaso o Tagaparusa para parusahan ka sa ginawa mo" galit na takot ni Prince Andrexsel sa akin.

Lumapit ako sa kinaroroonan nya. Nagulat sya ng husto ng sinampal ko sya.

"Da-dasre a-anong ginawa mo? alam mo ang parusa pag sinampal o sinaktan mo ko diba, sinabi sayo yun ni Graceno." sabi nya na gulat na gulat sa ginawa ko.

"Parusahan mo ko Kamahalan, puro ka takot, gawin mo" matapang na sagot ko.

Nagulat kami ng lumabas ang mga Regaso o Tagaparusa. Hinawakan ng dalawang Regaso ang braso ko para dalin ako sa Regaso Room o Room kung saan ginagawa ang pagpaparusa.

"Regaso huwag, huwag nyo syang dalin sa Regaso Room, huwag muna hahaha" utos ni Prince Andrexsel sa mga Regaso.

Tumingin ito sa akin at ngumisi. "Bigyan pa natin sya ng isang linggo para mabuhay" sabi ni Prince Andrexsel at naglaho ang mga Regaso.

Tumingin sa akin si Prinsipe Andrexsel at tumitig na kinagulat ko at kinakaba. Kakaiba kasi yung titig niya.

Ngumisi sya at pagkaraan ay tumawa.

"Nababaliw ka na ba Kamahalan?" tanong ko.

Tumawa uli sya.

"Hahaha, tanga ikaw ang baliw, kaya isang linggo na lang parurusahan ka na ng kamatayan Pangit dahil sa pagsampal mo sa akin." sagot ni Prince Andrexsel.

"Dahil tinatakot mo ko lagi diba, dapat gawin mo, puro ka kasi yabang,  duwag ka naman," sagot ko at sumimangot.

Lumapit sya sa akin at nilapit niya ang mukha nya sa aking mukha, konti lang ang pagitan. Kinabahan ako at namula ng husto ang aking mukha. Nagtitigan kami na lalong nagpalakas ng tibok ng puso ko.

"Hindi ako duwag Dasreng pangit, gagawin ko ang bawat sabihin ko kaya humanda ka na pangit kasi malapit ka ng mamatay hahaha" sabi ni Prince Andrexsel.

Tumulo ang luha sa mata ko at napahagulgol. Tumawa si Prince Andrexsel.

"O bakit ka umiiyak ha Pangit, kala ko ba matapang ka at handang harapin ang parusa" sabi ng Prinsipe.

"Wala kang pakialam, dapat ngayon mo na ko pinaparusahan, pinatagal mo pa ng isang linggo para lalo kong pahirapan "sabi ko habang lumuluha.

Umupo si Prince Andrexsel sa kama nya.

"Bakit mo ba kasi ko pinapakialaman ha Dasre, ang gawain mo ay maging Dasre ko. Ayan tuloy mapaparusahan ka ng Kamatayan hahaha" sabi ni Prince Andrexsel.

KINGDOM OF IVATRA (Ongoing)Where stories live. Discover now