Chapter 30: Friends Questions

142 49 0
                                    

Chapter 30: Friends Questions

Rhia's Point of View

Napayakap kami ni Derick sa isat-isa ng lumabas ang kulay black na mabalahibong monster. Nabalutan kami ng sobrang takot.

"Lu-lumayo ka sa amin, halimaw ka!" sigaw ni Derick

"Nandito ko para patayin kayo" nakakakilabot ang boses na sabi ng halimaw.

Nawala rin ang takot ko at nakaramdam ng galit sa monster.

Kumalas ako sa yakap ni Derick. Binunot ko ang aking espada at puwesto na pagsugod sa halimaw. Tulad ito ng tinuro sa kin ni Prince Andrexsel.

"Ri-Rhia?" sabi ni Derick na magkahalong bigla at pagkamangha ang nadarama sa nakita niya sa akin.

Napatingin ako sa Bracelet na bigay ni Prince Andrexsel, lumiliwanag ito.

"Hoy Pangit ako kalabanin mo" isang pamilyar na tinig ang aking narinig.

Napalingon ang halimaw sa nagsalita pati kami ni Derick.

"Papatayin kita Prince Andrexsel" nanunuksong sabi ni monster.

Biglang lumundag ang puso ko ng madinig ko ang name niya at makita sya.

"Hahaha, ambisosyo to, hindi ako mapapatay ng pangit at mahinang tulad mo" sabi ni Prince Andrexsel at ngumisi.

"Prince Andrexsel!!!" napasigaw ako  ng todo ng sugurin siya ng monster.

Agad sinaksak ni Prince Andrexsel ang monster ng kanyang espada. Naglaho ang halimaw ng patay na ito.

"Mahina, di man lang ako pinagpawisan" sabi ng mayabang na Prinsipe.

Napatingin sa akin si Prince Andrexsel, pumapatak ang luha sa mata ko.

Tumakbo ako papalapit sa kanya. Hinawakan ko ang pisngi nya habang umiiyak. Hinawakan ni Prince Andrexsel ang kamay ko

"Rhia" sabi niya. Nagtitigan kami. Bakas sa mukha namin ang pag-aalala sa isat-isa.

Niyakap niya ko ng mahigpit na tinugunan ko ng mahigpit ding yakap.

"Rhia, huwag ka ng umiyak, ayokong nakikitang umiiyak ka" sabi niya sa malambing na tinig na nagpagulat sa akin.

Mas humigpit ang yakap namin sa isat-isa.

"Huwag kang matatakot, lagi akong nandito para ipagtanggol ka" sabi niya sa malambing na tinig.

"Salamat Kamahalan" sagot ko sa malambing ding tinig.

"Rhia!!" sigaw ni Derick. Napakalas ako sa yakap ni Prince Andrexsel at napalingon sa direksyon ni Derick. Kasama na niya si Yola at nakahawak ang kamay ni Yola sa braso ni Derick na tila kinakalma si Derick. Kahit bakas kay Yola ang pagkatakot at pagkabigla sa black monster.

Bakas kay Derick ang magkahalong lungkot, galit at selos.

"Rhia, puntahan mo na boyfriend mo nagagalit na hahaha" sabi ni Prince Andrexsel.

Napatingin ako kay Prince Andrexsel. Nginisian niya ko, napakunot ang noo ko at sumimangot sa kanya.

"Pu-pupuntahan ko lang sila Kamahalan" sabi ko.

"Ok lang aalis na din naman ako" sabi ni Prince Andrexsel.

"A-aalis ka na?" tanong ko na may lungkot.

"Oo may pag-uusapan pa kami ni Graceno, mamaya babalik ako" sabi ni Prince Andrexsel.

Hinawakan ko ang pisngi niya "Balik ka ha" malambing kong sambit.

KINGDOM OF IVATRA (Ongoing)Where stories live. Discover now