Chapter 28: Friends

163 51 3
                                    

Chapter 28: Friends
        Dedicated to tml_mimay

Vire's Point of View

Pumunta kami ni Friyan sa kanilang tahanan na nasa Dell Ress Country, napakalaki ng bahay nila, Isang Irveriz si Friyan o Royal, isa ang pamilya nila sa mga pinakamayayaman at pinakaginagalang sa Kingdom of Ivatra bukod sa pagiging Ikalawang Pinuno ng mga Ivatran Warrior.

Nasa sala kami at hinintay ang pagbaba ng Ama at Ina ni Friyan.

"Ina at Ama, Magkakaanak na kami ng aking Nobya na si Vire at magpapakasal" sabi ni Friyan at tumingin ito sa akin, imbis na nakangiti ay may lungkot sa mukha ni Friyan. At alam kong dahil yun kay Yola landi.

"Masaya ako para sayo anak, napakaganda ng iyong magiging asawa" sabi ng nanay ni Friyan na si Fremesa.

"Balita ko ay ikakasal na din ang iyong pinsan at pamangkin ko na si Prince Andrexsel kay Haresiya Arviena" sabi ni Armano ang tatay ni Friyan.

"Oo ama, bagay naman si Prince Andrexsel at Haresiya Arviena, Kaya tama lang ang desisyon ng Reyna na ipakasal sila, walang mas karapat-dapat na ikasal kay Prince Andrexsel kundi si Haresiya Arviena lamang" sabi ni Friyan.

"Kailan ninyo balak gawin ang kasal Anak?" Tanong ng tatay ni Friyan na nagpaexcite sa akin.

"Pla-plaplanuhin pa lang namin iyon Ama at Ina" sagot ni Friyan.

"Maswerte ka Iha na si Friyan ang iyong magiging asawa" sabi ng tatay ni Friyan na at ngumisi.

Hinawakan ko ang braso ni Friyan "Opo sobrang swerte ko po sa inyong Anak" sabi ko.

Kumain muna kami sa kusina bago dumiretso sa kwarto ni Friyan.

Nakaupo si Friyan sa kanyang kama at hinahaplos nito ang kanyang espada.

"Balak mo pa rin ba kong patayin Friyan, ako ang kasintahan mo, ngayon mo lang nakita ang Yola landi na yan para ibigay mo sa kanya ang pagmamahal na dapat ay sa akin lamang" sabi ko na hindi na napigil ang pagluha.

"Huwag kang mag-alala hindi kita papatayin Vire, lalo na at magkakaanak na tayo" sabi ni Friyan.

"Mabuti naman Friyan" Lumapit ako sa kanya at umupo sa kama katabi niya.

Hinawakan ko siya sa kanyang braso pero tinanggal niya agad iyon at tumayo na kinagulat ko.

Mas lalo akong nagulat ng itutok niya ang espada sa akin.

"Fri-Friyan A-anong ginagawa mo?" Tanong ko na kinakabahan.

"Mahal mo ba talaga ako Vire, o ang pinsan kong Prinsipe?" Tanong niya na ngumisi. Gulat na gulat ako sa tanong niya.

"Nasasaktan ako na kailangan kitang pakasalan dahil sa batang iyan sa tiyan mo, pero ikaw naman nasasaktan ka rin dahil ikakasal na ang mahal mong Prinsipe kay Haresiya Arviena" sabi ni Friyan.

"Friyan ano ba yang sinasabi mo? Wa-wala akong pagtingin kay Prince Andrexsel" sabi ko.

"Hahaha, akala mo hindi ko nahahalata na may gusto ka sa kanya, yung lagkit ng tingin mo, yung kilig mo sa twing nakikita mo siya, may gusto ka sa kanya Vire" sabi ni Friyan.

"Pero hindi ka niya pansin, buti pa si Haresiya Seuneda napapansin niya dahil napakaganda nito at lagi niyang sinasabihang napakaganda ni Haresiya Seuneda" sabi ni Friyan.

"O-Oo may gusto ako kay Prince Andrexsel, Pero ikaw ang mahal ko Friyan ikaw lang" sabi ko.

Sinampal niya ako.

"Si Yola ang mahal ko, si Yola lang" sabi ni Friyan.

Matapang ako pero hindi ko napigilan ang humagulgol.

KINGDOM OF IVATRA (Ongoing)Where stories live. Discover now