04

170 5 0
                                    

Chapter 04

HERA'S POV

Lumipas ang mga araw at may pasok na ulit kami pero hindi bilang estudiyante kundi bilang isang Guro. Pareho kami ni Megan ng schedule ng tinuturuan kaya sabay kaming papasok at uuwi.

Suot-suot ko na ngayon ang uniform ko at nagsuot din ako ng black flat shoes. Nag-apply rin ako ng powder at lip gloss para hindi naman masyadong haggard.

Kinuha ko ang bag ko at ipinasok ko roon ang laptop ko, maging ang lesson plan at ilang signpens.

Lumabas ako ng kuwarto ko at nakita kong nakahain na pagkain namin ni Megan, nagpunta ako sa ref at binuksan ko ito't kumuha ng fruits at hinugasan ito saka inihain sa mesa.

"Anong room advisory mo?" Tanong ni Megan.

"Room 121, ikaw ba?" Tanong ko pabalik.

"Room 100," sagot niya at tumango naman ako.

"Ready ka na ba?"

"Saan?"

"Sa lahat," aniya sabay ngiti. "Magturo, magsaway sa ilan, ang ma-prank," natawa kami. "Handa ka na ba?" Tanong niya at ngumiti naman ako.

"Sa ngayon masasabi kong handa na ako, pero baka mamaya kapag harap ko roon hindi pala," sagot ko at uminom muna ng apple juice. "Pero lahat naman kakayanin, magtiwala lang sa sarili." Sagot ko pa at napangiti naman ito.

"Tama!" Pagsang-ayon niya at ngumiti naman ako.

Tinapos namin ang pagkain at ako na ang naghugas ng pinagkainan namin, habang siya naman inihahanda ang babaunin namin. Nang matapos akong maghugas kumuha ako ng fruits at isinama iyon sa baon namin.

"Tara na," aya niya at ngumiti naman ako.

Kinuha ko ang baon ko at inilagay ko iyon sa bag ko, isuot ko ang bag ko at pinatay ang lahat ng ilaw maging ang aircon sa kuwarto at electric fan. Lumabas na si Megan ng unit at ini-lock ko naman ang pinto saka kami sumakay sa elevator at lumabas sa Condo.

Nag-antay kami ng taxi sa labas at maya-maya may huminto naman sa tapat namin kaya't sumakay na kami ni Megan sa backseat.

"Cerium University," sabi ko at agad nagmaneho ang driver.

Habang nasa biyahe tahimik lang kaming dalawa ni Megan at tanging 'yong radio lang ang nagsisilbing ingay rito.

"Nagkausap na kayo ni Sir Ricohermoso?" Biglang tanong ni Megan at umiling naman ako.

"No'ng nasa Baguio tayo, nagkausap kami pero saglit lang," sagot ko at tumango naman ito.

"Anong sabi?" Tanong niya.

"Tutuparin niya raw ang pangako niya sa akin," sagot ko sabay ngiwi.

"Ayon lang?" Tanong niya ulit at tumango naman ako. "E, through chat? Wala?"

"Wala, ang huling chat niya pa sa akin no'ng tinanong niya kung na sa akin pa ba 'yong mga test papers ko sa subject niya, tapos sabi ko 'opo,' tapos no'n seen." Sagot ko pa.

"Ah," tanging sabi niya at tumingin ako sa bintana. "Madalas mo siyang ikuwento sa akin noong College pa tayo, at base sa kuwento mo parang sobrang close niyo. Bakit no'ng nagkita kayo parang ang cold?" Puna niya.

"Sumali lang ako sa contest no'n, sa 100 tula. Doon lang kami naging malapit tapos no'n, wala na." Sagot ko at napabuntong hininga.

Ang contest na 'yon ang naging dahilan kung bakit mas nahulog pa ako sa kaniya, napadalas ang pag-uusap namin noon through chat at kung minsan pa ay ipinapatawag niya ako para mapag-usapan lang ang tula.

MY DREAMS AND GOALS (Goal Series #01)Where stories live. Discover now