05

167 5 0
                                    

Chapter 05

HERA'S POV

Habang naglalakad ako patungo sa faculty biglang may humablot sa kamay ko't napaharap ako sa kaniya.

It's Sir Ricohermoso.

"Bakit pa ako mag hahanap ng kausap, kung nandito ka naman?" Nakangiting tanong niya at napatingin ako.

Wala pa ring pinagbago, kung ano siya three years ago gano'n pa rin siya ngayon. Makapal na kilay, katamtamang laki ng mata, hindi siya singkit at hindi rin malaki ang mata, sakto lang. Black eyes, at may nunal malapit sa eye bags niya, matangos ang ilong at medyo pinkish ang lips niya.

"Are you done?" Biglang tanong niya at napalayo naman ako ng tingin.

"K-Kamay ko," sabi ko at binitawan niya naman ito.

"May pupuntahan tayo mamaya, antayin kita sa faculty. Huling klase ko na 'to," aniya at umalis na ito.

"PAALAM SA INYONG LAHAT AT INGAT SA PAG-UWI."

"Paalam na rin po, Binibining Fuentes,"

Natapos na ang huli kong klase kaya't lumabas na ang mga estudiyante at nagsiuwian na. Ini-lock ko ang pinto saka nagtungo sa faculty.

Nang makarating ako ro'n nakita kong nakaupo si Sir Ricohermoso at nakatingin sa akin, umiwas ako ng tingin at pumasok ako sa loob ng faculty.

Magkatabi lang ang table namin at ramdam kong nakatingin siya sa akin, pinilit kong huwag pansinin at ibalin ang atensyon ko sa pag-aayos ng gamit ko. Nang matapos akong mag-ayos kinuha ko ang phone ko at tinignan kung may message si Megan pero wala pa.

Siguro may klase pa siya.

"Ma'am Fuentes," tawag ni Ma'am Chancourtois sa akin.

"Po?"

"Uuwi ka na?" Tanong nito at umiling naman ako.

"Inaantay ko pa po kaibigan ko," sagot ko at ngumiti naman ito.

"Same old days," aniya at ngumiti naman ako.

"Hera-I mean Ma'am Fuentes pala," tinig ni Megan at kinuha ko naman ang bag ko.

"Una na po ako, Magandang Gabi po," sabi ko at ngumiti naman ang co-Teachers ko.

Lumapit ako kay Megan at nag-umpisa na kaming maglakad, nagkuwentuhan lang kami patungkol sa naging unang araw ng pagtuturo namin.

Nang makalabas kami nag-antay kami ng taxi, saktong pagkahinto ng taxi sa tapat namin biglang may umakbay sa akin.

"Ang sabi ko may pupuntahan tayo," sabi ni Sir Ricohermoso.

"Hindi naman ako pumayag ah," sabi ko at ginulo niya ang buhok ko.

"Kailan ka pa hindi sumunod sa akin?" Tanong niya at hindi naman ako kumibo.

"Sige Hera, una na 'ko, antayin na lang kita!" Sabi ni Megan at sumakay na ito't umalis.

Did she just...

"Now, get in." Seryosong sabi ni Sir Ricohermoso at hinila ako nito papunta sa kotse niya't binuksan ang pinto.

Tumingin ako sa kaniya at ngumiti naman ito't sinenyasan ako na sumakay. Wala na akong ibang magawa kundi ang sumakay sa kotse at isinara niya naman ang pinto't mabilis itong nagtungo sa driver's seat.

Nag-umpisa na itong mag-drive at ibinalin ko naman sa bintana ang tingin ko. Tahimik lang ang biyahe namin hanggang sa makarating kami sa isang restaurant, nag-park ito sa parking lot at bumaba naman kami't pumasok sa loob.

Nang makapasok kami, bigla niya akong inakbayan at sinabi nito sa waiter ang reservation niya. Sinamahan kami ng waiter hanggang sa makarating kami sa table namin.

"Ise-serve na po namin ang pagkain niyo, Ma'am, Sir," anito at tumango naman si Sir Ricohermoso.

"Hera," tawag ni Sir Ricohermoso sa akin at tumingin naman ako sa kaniya.

"Sir-"

"Huwag mo 'kong tawaging 'Sir'," he cut me off. "Tawaging mo 'ko sa pangalan ko," nakangiting sabi nito. "Come on, Hera,"

"Bakit?"

"Gawin mo na lang!" Naiinip na sabi nito at napailing naman ako.

Hindi ko ito ginawa at yumuko na lang ako, maya-maya rumating na ang order ni Sir Ricohermoso, at ipinatong ito sa mesa.

"Do you want to know the truth?" Tanong niya sa akin at kumunot naman ang noo ko.

"Anong totoo?" Naguguluhang tanong ko at ngumiti naman ito.

"Kung bakit ako nangako sa iyo noon," sagot niya at tumango naman ako. "Simple lang," sambit niya at hinawakan niya naman ang kamay ko nang mahigpit.

"Lihim kitang minamahal simula pa no'ng una tayong magkita, hindi ko makalimutan ang pangalan mo, maging ang hitsura mo, sa bawat pagpikit ng mata ko ikaw ang nakikita ko." Seryosong sabi niya at nakikinig naman ako. "Ikaw ang isa sa naging lakas ko sa bawat araw, 'yong sinabi ko na ipagmamalaki kita dahil sa iyong tapang at dedikasyon, totoo 'yon. Ipinagmalaki kita, at ngayon gusto ko naman ipagmalaki na ikaw ang itinitibok ng puso ko. Please, Hera, let me court you and prove to you that how much I love you." Dagdag nito at tumango na lang ako bilang sagot.

Hindi ko alam kung ano sa sasabihin ko sa kaniya, marami akong gustong sabihin pero hindi ko alam kung paano ko uumpisahan. Oo, gusto ko si Terrence noon pa man, noong panahon na mangako siya sa akin ang saya ko na, pero hindi ko akalain na ganito kabilis. Isa rin siya sa dahilan kung bakit ako nag-Teacher, bukod sa kagustuhan ko ring magturo dahil ang pagharap sa maraming tao ang weakness ko, at alam kong sa paraang ito malalaban ko ang weakness ko.

Lumipas ang oras at natapos na kaming kumain, lumabas na kami ng restaurant at bigla niya namang ipinatong sa akin ang coat niya.

"Malamig," aniya.

Sumakay na kami sa kotse at tahimik lang ang biyahe, maya-maya may naisip akong itanong sa kaniya.

"Terrence," tawag ko at ngumiti naman ito.

"Yes?"

"Iyong sa 100 tula, ano ang dahilan mo bakit... Bakit mo 'ko tinulungan doon?" Tanong ko at tumango naman ito.

"Dahil gusto kong mapalapit sa 'yo, gusto kitang masuportahan sa isang bagay at maipakita ko sa 'yo na proud ako. Para maipaglaki kita, maging ang iyong tapang at dedikas'yon." Sagot niya at napangiti naman ako.

"Thank you," nakangiting sabi ko

"For what?"

"For supporting me, kahit na hindi napili ang tula ko, tinanggap mo pa rin 'yong pagtapos ko ng tula, ah wait," sabi ko at kinuha ko sa bag ang isang libro. "Para sa iyo," sambit ko't inilapag sa tapat niya ang isang libro. "Ipina-book ko 'yong tula, huwag kang mag-alala na-edit ko na rin 'yan, ibibigay ko sana 'yan sa 'yo no'ng Teacher's day pero naging abala rin ako." Sabi ko at inalis niya ang isang kamay sa manibela niya't hinawakan ang kamay ko't hinalikan ito.

"I know, that's College," aniya at ngumiti naman ako. "Mabuti at hindi ka na naiilang," sambit niya't akmang bibitawan ko na ang kamay niya pero mas humigpit pa ang pagkahawak niya sa kamay ko. "Don't. Let me hold you,"

"But I'm afraid," sabi ko at tumingin ako sa kaniya, at focus ang tingin niya sa kalsada.

"Of what?"

"Sa oras na mas humigpit pa ang pagkakahawak mo sa kamay ko, hindi na ako makabitaw pa... Sa oras na kailangan ko muli mag-aral para sa pangarap ko, hindi ko na mabitawan pa ang kamay mo." I said with a serious tone and he kissed my hand.

"Don't be, I'll support you no matter what," malambing na sabi ni Terrence. "Kung kailangan mong umalis para sa pangarap mo, hindi mo na kailangang magdalawang isip pa dahil kahit saan ka magpunta, sasamahan kita para suportahan at ipagmalaki ka."

MY DREAMS AND GOALS (Goal Series #01)Where stories live. Discover now