14

102 3 1
                                    

Chapter 14

HERA'S POV

Our relationship was too perfect, both of us were understanding because we are teaching, finalizing their grades and such.

"No'ng tinawagan ko si Terrence ang sabi niya ako na raw ang maghatid sa inyo," tinig ni Sir Marques.

So, it wasn't a accident? Ginusto niya ba 'yon?

"Paaalisin niya raw muna si Cathleen," pagpapatuloy nito.

Ayon pala ang paaalisin? Nabago na ata.

"Bakit, dahil alam niyang masasaktan si Hera?" Tanong ni Sofia.

"Oo," tipid na sagot ni Sir Marques.

"Hera, ang tahimik mo," balin ni Sofia sa akin pero nanatili lang akong nakatingin sa bintana.

"I have the right to remain silent," sabi ko.

"Sabi ko nga," aniya.

Tahimik lang ako buong biyahe habang sina Sofia at Sir Marques ay patuloy na nag-uusap.

Hindi maalis sa isip ko ang nakita ko kanina, hindi ko maiwasang masaktan. Ang dami kong tanong pero wala akong lakas na pakinggan siya dahil sa nakita ko, hindi ko alam kung paniniwalaan ko 'yon.

"We're here," tinig ni Sir Marques at binuksan ko naman ang pinto't bumaba.

Nasa tabi ko si Sofia at nagpasalamat ito kay Sir Marques sa paghatid. Nauna ako kay Sofia na magtungo sa unit at kasunod ko lang ito.

Pumasok ako sa kuwarto ko at pinatong ko sa table ko ang gamit ko't agad nagpalit ng plain black t-shirt at black jogger. Kinuha ko ang phone ko at agad lumabas ng kuwarto.

"Espresso o Americano?" Tanong ni Megan sa akin at umupo naman ako sa sofa.

"Iced Americano," sagot ko at tumango naman ito.

"Anong nangyari?" Tanong ni Vivian pero hindi ako sumagot.

Nag-ring ang phone ko at tinignan ko kung sino ang caller, ini-end ko ito no'ng makita kong si Terrence ang tumatawag.

"Here," ani Megan at kinuha ko naman ang Iced Americano. "Anong nangyari?" Tanong nito pero hindi ako kumibo.

"Ako na magkukuwento," tinig ni Sofia at inumpisahang ikuwento ang pangyayari.

Nakatitig lang ako sa certificate na naka-display sa wall malapit sa television. Napangiti ako no'ng makita ko 'yon pero may halo pa ring sakit. Ayon ang certificate na ibinigay sa akin ni Terrence noong 4th year High School ako, naaalala ko pa ang sinabi niya matapos ibigay sa akin ang certificate na iyon.

Picture tayo...

"Am I too young?" Biglang tanong ko no'ng matapos ikuwento ni Sofia ang nangyari.

"Hera..." Tinig ni Megan at nag-umpisa ng tumulo ang luha ko.

"Tandang-tanda ko pa ang lahat, pero bakit gano'n?" Tanong ko.

"Napakinggan mo na ba siya?" Tanong naman ni Vivian.

"Not yet," sagot ko. "Hindi ko alam kung maniniwala ako," pagpapatuloy ko at tumingin kay Megan. "Alam mo kung bakit." Pilit akong ngumiti.

"Ito advice ko sa 'yo," sabi ni Vivian. "Pagkatapos mong pakinggan ang explanation niya, mag-quiz kayo."

"Sira ulo ka talaga!" Singhal ni Sofia.

Isang linggo na ang nakalipas at hindi ako lumalabas sa kuwarto ko. Hindi rin ang pumapasok sa trabaho dahil hindi ko kaya, baka maapektuhan lang ang pagtuturo ko sa mga estudiyante.

MY DREAMS AND GOALS (Goal Series #01)Where stories live. Discover now