07

127 3 0
                                    

Chapter 07

HERA'S POV

"Have you been in a relationship before?" Biglang tanong ni Terrence habang nagda-drive ito pauwi.

"Nope," sagot ko at sumulyap ito sa akin.

"Nanligaw?" Tanong niya ulit at natawa naman ako.

"Wala," tugon ko.

"Ako pala ang una," tila proud na aniya at tumango naman ako.

"Umamin, mayroon ba?"

"Mayroon," sagot ko at bigla itong napahinto sa pagmamaneho. "Hoy, mabangga naman tayo!" Sita ko at seryoso niya akong tinignan.

"Sino?" Seryosong tanong niya at kumunot naman ang noo ko.

"Anong sino?" Takang tanong ko tinanggal niya at seatbelt niya't inilapit ang sarili niya sa akin

Seryoso itong nakatingin sa akin habang nakatingin sa mata ko, at napalunok naman ako.

"Sinong umamin sa 'yo?" Tanong niya at nanlaki naman ang mata ko saka inilabas ang tawa ko. "What's funny?" Kunot noong tanong ni Terrence at inilayo ko naman ito.

Seriously?

"Si Zymon," sagot ko at tumingin kay Terrence. "Kilala mo?" Tanong ko at umiling ito.

"Kailan?" Tanong niya ulit at napailing naman ako.

"Graduation," tugon ko.

"College?" Umiling ako.

"High School," sagot ko at napaiwas ito ng tingin. "Bakit?" Natatawang tanong ko.

"W-Wala," sagot niya't muling ibinalik ang seatbelt at nag-drive.

"Pero sinabi ko ang totoo," sabi ko pero hindi ito sumagot. "Hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay ko sa kaniya at tinanggap niya naman 'yon," pagpapatuloy ko at tumingin kay Terrence. "Ikaw, may naging girlfriend ka?" Tanong ko sa kaniya at tumango ito bilang sagot. "Ilang taon kayo?"

"Almost three years ata," sagot niya.

"Bakit kayo naghiwalay?" Tanong ko ulit at sumulyap ito sa akin bago sumagot.

"She was cheating on me," tugon niya at tumango na lang ako't hindi na muling nagtanong.

Tahimik lang ang biyahe hanggang sa makarating kami sa parking lot. Bumaba na kami sa kotse at magkaharap kami ngayon.

"Sorry," aniya at kumunot naman ang noo ko.

"For what?" Tanong ko at bigla naman itong yumakap sa akin.

"For asking," bulong niya sa akin at ngumiti naman ako't yumakap sa kaniya pabalik. "I'm just afraid that I might lose you when the person who confess to you before... Might come and get you," sabi niya at hinarap naman ako.

"That won't happen," mahinang sabi ko at ngumiti sa kaniya.

"Gaano ka kasigurado?" Kunot noong tanong ni Terrence.

"I like you," I chuckled. "July 03, araw na pinag-recited mo 'ko gusto na kita, I don't know why pero... Alam ko roon nag-umpisa ang lahat." Pagpapatuloy ko tumingin ako kay Terrence na hanggang ngayon tulala pa rin sa akin. "Gagabihin ka na sa daan," sabi ko at kumaway sa harap niya.

"Ha?! Ah oo," sambit niya at natawa naman ako. "Sunduin kita bukas," sabi ni Terrence at tumango naman ako. "Pasok ka na, antayin muna kitang makapasok bago ako umalis," aniya at ngumiti naman ako.

"Sige, drive safely," sabi ko at nakangiti itong tumango. "Una na 'ko" paalam ko.

"Goodnight," sabi niya at tumango naman ako't tumalikod sa kaniya't pumasok na sa loob at nagtungo sa unit.

MY DREAMS AND GOALS (Goal Series #01)Where stories live. Discover now