11

104 4 0
                                    

Chapter 11

HERA'S POV

"Why are we going to the Amusement park?" Pangungulit ko kay Terrence habang abala ito sa pagmamaneho.

Kanina ko pa siya tinatanong pero wala naman siyang ibang tugon kung hindi ngiti at tango. Napaismid na lang ako at kinuha ko na lang ang phone ko't binuksan ko ang messenger ko.

Nag-reply ako sa mga nag-message sa akin ng 'Merry Christmas', galing ito sa mga estudiyante ko at ang ilan naman ay sa GC namin noong College.

Naka-receive ako ng message galing kay Sofia at sinabi nitong pupunta si Alexa sa Condo namin para mag-celebrate kasama kami.

Maya-maya nakarating na kami sa tapat ng Amusement park, nag-park si Terrence at agad na bumaba sa kotse at mabilis itong naglakad para pagbuksan ako ng pinto.

Nang makababa na ako hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at pumasok na kami sa loob.

"Alam mo ba kung bakit kita dinala rito?" Tanong niya at napailing naman ako.

"Kanina ko pa tinatanong," pagtataray ko at natawa naman ito.

"It's because I made you cry, and now I will make you smile." He winked.

Sinulit namin ang oras habang narito kami sa amusement park, may ilang booths dito at inisa-isa namin iyon. Maya-maya unti-unti ng dumidilim kaya't nagpasasyahan naming umuwi.

"New year's Eve, pupunta kami rito ni Ate Trixny," sabi ni Terrence at ngumiti naman ako.

"Sure," sagot ko. "Gusto mo bang umakyat muna?" Tanong ko.

"Huwag na, magpahinga ka na," nakangiting sabi niya. "Message mo 'ko kapag nakaakyat ka na, okay?" Sambit niya at tumango naman ako.

"Drive safely," I said and he kissed my forehead. "Thank you for this day, love,"

"You're always welcome, love," aniya at ngumiti naman ako. "Pasok ka na,"

"I love you," I said.

"I love you," he answered.

Kumaway ako sa kaniya at gano'n din ito, pumasok na ako sa loob ng Condo at agad dumiretso sa unit.

Nang makarating ako sa loob nakita ko roon sina Sofia, Vivian, Alexa, at Megan. Nag-celebrate kami, nagkuwentuhan patungkol sa naging ganap kanina habang wala ako, maging ang studies nilang tatlo.

Nabanggit ko rin sa kanila na hindi na ako Magdo-Doctor dahil masaya na ako sa pagtuturo ng mga estudiyante, kahit ilang buwan pa lang ang nakalipas mula no'ng makapagturo ako, alam ko na. Hindi ako nagsising nag-Teacher ako.

"Pero Hera, kunwari naging Doctor ka, tapos pasyente mo si Alexa," tinig ni Sofia at sumama na ang tingin ni Alexa kay Sofia. "Gagamitan mo pa ng anesthesia?"

"Hera, huwag na! Sanay namang masaktan 'yan!" Sabat ni Vivian at natawa naman kami.

Lumipas ang mga araw at kaming dalawa na lang ulit ni Megan ang narito sa unit, naglinis kaming dalawa at pinalitan na rin ang mga gamit na dapat ng palitan.

"Maayos pa 'to," sambit ni Megan at tumingin naman ako sa kaniya. "Benta natin online," aniya at tumango naman ako.

Kumuha ako ng box sa loob ng isang kuwarto kung saan puro certificates, at trophy lang ang laman. Maging ang ilang damit na hindi na namin ginagamit.

"Lagay mo rito," sabi ko at ngumiti naman ito.

Kinuha ko ang ilang certificates ko roon sa isang kuwarto at inilabas ito, pinunasan ko ito at inilagay ko sa wall, kung saan nakalagay ang certificates ni Megan at graduation pictures namin.

MY DREAMS AND GOALS (Goal Series #01)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu