29

114 3 0
                                    

Chapter 29

HERA'S POV

"Uuwi na 'ko," paalam ko kay Terrence nang matapos ko siyang tulungan sa pag-aayos ng gamit niya.

"It's late," sabi nito't umupo sa kama niya. "Why don't you stay here for tonight?"

"Maaga ang duty ko," sagot ko't sumandal sa wall. Inayos ko ang coat ko't inilagay ko sa loob ng bulsa ang kamay ko. "Saka kailangan ko pa mag-aral."

"Ako naman pag-aralan mo," bulong niya at natawa ako. "Earlier, what do mean by you're not the twist of miscreant for nothing?" Tanong niya.

"Mahabang kuwento," tanging sagot ko.

"I'll listen," nakangiting sabi niya't lumapit ito sa akin.

"Tinatamad akong magkuwento." Tipid na sagot ko at yinakap niya naman ako sa likod. "Why do you want to know?" Tanong ko.

"Because I'm curious," he whispered.

"You might get annoyed if I tell you," I looked at him without breaking his hug. "It's about me and Zylu." I added.

"Still, I'll listen." Aniya't kumalas ako sa yakap niya.

"Kapag bukas na-late ako, ikaw sisisihin ko," banta ko at natawa ito.

"That's fine, as long as it's not break up. Hindi ko na kakayanin 'yon, hindi na ako papayag." Sambit niya.

"Alam mo naman siguro ang miscreant 'no?" Tanong ko at tumango naman ito. "Sa tuwing may cases si Zylu no'ng nasa America pa kami nagtratrabaho, tinutulungan ko siya sa pagso-solve no'n." Panimula ko at lumakad papunta sa kama niya't umupo ako roon saka kumuha ng unan at inilagay ko ito sa lap ko. "Si Zymon 'yong tipong handa niyang labagin ang batas manaig lang ang tama, mabigyan lang ng hustisya ang ang biktima. Mayroon siyang case noon, nakalimutan ko lang kung patungkol saan pero masyadong magaling ang Abogado no'ng accused. Day off ko no'n kaya napanood ko ang hearing niya." Pagkukuwento ko at tumabi naman ito sa akin.

"Tatlong oras bago ipagpatuloy ang hearing kaya nakaisip agad ako ng plano para sa case na 'yon, kung paano mapaamin ang accused sa crime na ginawa niya-"

"Hindi ko gets," aniya at napailing ako.

"Kaya nga sabi ko sa 'yo mahabang kuwento," sagot ko't ngumiwi. "Sa madaling salita, sa tuwing nahihirapan si Zylu sa case niya ako ang madalas nag-iisip ng twist para mabigyan ng hustisya ang biktima. That's why they called me as the twist of miscreant."

"Miscreant is similar to lawbreaker, right?" He asked and I nodded.

"It is. That's why I always find a way to avoid it. I don't want him to be a lawbreaker that's why I always have a twist." I smiled. "In that way, he could bring justice to those victims without commiting a violence against the law."

"Terrence!"

Agad akong napatayo sa narinig kong tumawag kay Terrence, inayos ko pa ang coat ko at ipinasok ko ang kamay ko sa magkabilang bulsa.

"Hera, ikaw na ba 'yan?" Tanong ng Mama ni Terrence at ngumiti naman ako.

"Long time no see po," tugon ko at lamapit ito sa akin.

"Aba'y Doctor ka na," natutuwang sabi niya't agad akong yinakap.

Natigilan ako sa pagyakap nito sa akin pero yinakap ko naman ito pabalik. Maya-maya kumalas ito at hinawakan ang kamay ko.

"Kayo na ba ulit?" Tanong niya sa akin at napatingin ako kay Terrence bago sumagot.

"Opo, Tita." Sagot ko't ngumiti naman ito.

MY DREAMS AND GOALS (Goal Series #01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon