08

123 3 0
                                    

Chapter 08

HERA'S POV

"Ma'am Fuentes," tawag ni Ma'am Chancourtois sa akin. "Tawag ka ni Sir Ricohermoso, nasa room 120 siya." Aniya at tumango naman ako.

Kinuha ko ang gamit ko at agad nagtungo sa room 120, nakapagtataka lang dahil wala na ang mga estudiyante sa room na ito samantalang hindi pa naman uwian ng morning shift. Ang ibang room ay may mga estudiyante pa o baka naman nasa science lab.

Huminga ako nang malalim bago ko buksan ang pinto, nang makapasok ako nakita ko roon si Terrence at lumapit ito sa harapan ko't hinawakan niya ang kamay ko saka tuluyang pumasok sa loob.

"Upo ka muna," aniya at kinuha ang gamit na dala ko't inilapag iyon sa Teacher's table at pinaupo ako sa upuan na nasa gitna.

Kinuha niya ang phone niya't maya-maya biglang tumugtog ang dying inside, akala ko kakanta ito pero nanlaki ang mata ko nang sumayaw ito!

Gulat pa rin ako at hindi ko alam ang ire-react ko sa pagsayaw niya, bigla kong naalala ang pagsayaw niya noon, no'ng 4th year High School ako.

"-And I was dying inside to hold you
I couldn't believe what I felt for you
Dying inside, I was dying inside
But I couldn't bring myself to touch you-"

Bigla nitong sinabayan ang kanta at lumapit ito sa akin, inabot niya sa akin ang isang white tulip kaya't kinuha ko naman ito. Inilahad niya ang isang kamay niya at inabot ko naman ito't tumayo, ngumiti siya sa akin saka tumingin sa mga mata ko.

"Gaya ng sinabi ko noon, simula no'ng makita kita hindi maalis sa isipan ko ang pangalan at hitsura mo," panimula niya at ngumiti naman ako bilang sagot. "Ikaw rin ang naging motivation ko sa bawat araw," pagpapatuloy niya. "Naipagmalaki ko na ang iyong tapang at dedikas'yon no'ng sumali ka sa tula, ngayon maaari ba kitang maipagmalaki bilang akin?" Nakangiting tanong niya at natigilan naman ako.

Hindi ko maipaliwanag ang bilis ng tibok ng puso ko, tila biglang bumagal ang ikot ng paligid, kaming dalawa lang ni Terrence ang tao rito pero patuloy pa rin ang pagtugtog ng kanta.

"Hindi ko na pahahabain pa ang sasabihin ko dahil kung babalikan ko pa ang panahon na lihim kitang minamahal simula pa no'ng una hindi sapat ang maikling kuwento, dahil ang kinakailangan ko ay isang nobela at nilalaman ng maraming kabanata." Mahabang sabi niya at napalunok naman ako. "Hera..."

"Terrence..."

"Will you be my girlfriend?" Nakangiting aniya at dahan-dahan naman akong tumango.

"Yes," nakangiting tugon ko at yumakap naman ito sa akin.

"I love you," bulong niya at biglang bumilis ang tibok ng puso ko. "I love you forever in your arms." Aniya.

"I love you too,"

Mabilis lumipas ang oras at ngayon ay huling klase ko na, hindi maalis sa labi ko ang ngiti dahil... Kami na ni Terrence!

Nang makarating ako sa tapat ng huli kong klase at iyon ay ang advisory ko, natanaw ko si Terrence na nasa loob, lumapit ako at nakinig sa kinukuwento niya.

"Ang room na ito ay room din ang advisory ko 3 years ago," aniya at ngumiti ito. "Kauumpisa ko lang no'n sa pagiging guro rito sa Cerium University, iyon din ang una kong maranasan na magkaroon ng advisory class." Pagpapatuloy ni Terrence. "Marami akong masasayang alaala rito, at tila mas sumaya pa ngayon," dagdag nito.

"Bakit po, Ginoo?" Tanong ng isa kong estudiyante.

"Mayroon akong estudiyante noon, nasa kabilang room ito ang room 120." Sabi ni Terrence at nanlaki ang mata ko.

MY DREAMS AND GOALS (Goal Series #01)Where stories live. Discover now