02

243 8 5
                                    

Chapter 02

HERA'S POV

"Hello!" Bungad ni Ma'am Berzeluis nang makarating ito sa Condo.

"Ma'am, ito po pala si Megan," pagpakikilala ko at nakipagkamay naman si Megan kay Ma'am Berzeluis. "Meg, si Ma'am Berzeluis teacher ko no'ng 2nd year High School ako."

"Megan Hidalgo po, Ma'am, Mathematics Teacher," aniya at ngumiti.

"Nice to meet you," sabi ni Ma'am Berzeluis at gano'n din si Megan.

Lumapit sa akin si Vivian at tinuro sina Sir Pascual, Sofia, at Sir Marques. "Haba ng buhok, matapakan mo," natatawang aniya at napailing naman ako.

May alam ako patungkol sa kanila, pero ayaw ko na lang mag-talk.

"Ako na magdadala," tinig ni Sir Marques at lumabas ng unit.

"Kumusta pag-aaral, Rodriguez?" Tanong ni Ma'am Berzeluis kay Vivian.

Lumabas ng kami ng unit at inilock ni Megan ang pinto saka ito sumunod sa amin.

"Okay lang po, Ma'am," sagot ni Vivian. "Magkaroroon na po ako ng tutor ngayon," aniya at siniko naman ako.

"Sino?" Tanong ni Ma'am Berzeluis.

"Si Hera!" Sagot niya.

"Anong ako? Filipino Teacher ako, kay Megan ka," sabi ko sabay turo kay Megan.

"Ba't ako?" Naguguluhang tanong niya.

"Meg, kailan ka pa naging paniki?" Kunwaring tanong ko at hinampas ako nito.

"Ang corny mo,"

"Parang ikaw,"

Naglakad kami hanggang sa makarating sa parking lot, habang ang dalawa pinag-aagawan si Sofia. Sumunod kami kay Ma'am Berzeluis at huminto ito.

"Rodriguez, Megan right?" Sambit ni Ma'am Berzeluis kay Megan at tumango ito. "Sabay na kayo kay Sir Marques," sabi niya at tumango naman sila. "Hera, sa atin si Sofia," balin niya sa akin at tumango naman ako.

Lumapit kami sa kanila. "Hep, sa amin si Mafia," sabi ko at tumigil naman sila sa pag-aagawan.

"O sige, mag-isa na lang ako rito, 'wag kayong mag-alala sanay naman ako maiwan, ganito naman talaga, nagmahal, nasaktan at pinagpalit." Sabi ni Sir Pascual at napailing naman ako.

"Buhok mo," bulong ko kay Sofia at natawa ito. "Natatapakan na,"

"Ang hirap maging maganda," aniya.

"Fuentes, long time no see!" Tinig ni Sir Romero at nag-bow naman ako.

"Good Morning po Sir," bati ko at ngumiti naman ito.

"Co-Teacher na kita, proud kami sa 'yo," sabi niya at ngumiti naman ako.

"Thank you po," sagot ko.

"Kita-kita na lang tayo sa resort," aniya at sumakay na ito sa kotse ni Sir Pascual.

"Hera, Sofia!" Tawag sa amin ni Ma'am Berzeluis. "Dito tayo," sabi niya sabay turo sa kotse na nasa tapat namin.

Binuksan ko ang pinto at naunang sumakay, sumunod sa akin si Sofia at siya ang nagsarado ng pinto.

"Kapag successful na tayo punta tayo sa Korea," bulong ni Sofia sa akin. "Puntahan natin 'yong lugar kung saan nag-shoot 'yong mga Korean Actors at Actresses, tapos kain tayo ng Gimbap with Soju na rin!" Pagpapatuloy niya at tumango naman ako. "Tapos puntahan natin mga asawa ko!"

"Kilala ka ba?" Pangbabara ko at sinamaan ako ng tingin nito.

"E 'di magpapakilala!" Singhal niya at natawa naman ako. "Pero seryoso ako ah, gawin natin 'to,"

"Oo naman," sagot ko at pumalakpak ito na parang bata.

Maya-maya umandar na ang kotse at tumingin naman ako sa bintana, hindi na ako nag-abala pang tumingin kung sino ang driver.

Kinuha ko ang phone ko at nag-scroll sa newsfeed ko, wala akong ibang nakita, puro spoiler sa bagong episode. Tinago ko na ang phone ko dahil ayaw kong ma-spoil, kaya't kinuha ko na lang ang libro ko at nagbasa.

"Aral na aral na talaga si Fuentes," dinig kong sabi ni Ma'am Berzeluis at napailing naman ako. "Kailan mo balak mag-aral ulit?" Tanong niya at napatingin ako kay Ma'am.

"After 5 years po siguro o kaya mas mapaaga pa po. I'm not yet sure po e," sagot ko at tumango naman ito.

Tahimik lang ang biyahe pero maya-maya biglang nagtanong si Sofia patungkol kay Sir Pascual. Kinuwento ni Ma'am Berzeluis ang lahat ng tungkol kay Sir Pascual at nakita ko sa reaksyon ni Sofia ang pagkagulat, tila pinagpapawisan ito kahit malamig naman dito.

"Ang sabi pa nila, muntik na raw siyang matanggalan ng lisensya dahil do'n, pero good thing Ma'am Galvez came." Sambit ni Ma'am Berzeluis kay Sofia.

Naalala ko si Ma'am Galvez, ang isa sa close na Teacher kay Sir Ricohermoso at Sir Marques, sa pagkakaalam ko magkakasabay silang pumasok sa Cerium University. Sa loob ng school sila ang tinawag na love triangle 'kuno'.

"Remember her?" Sabat ko at napatingin sa akin si Sofia. "Ang pinagselosan mo dahil sa closeness nila ni Sir Marques?" Natatawang tanong ko at napanganga ito.

Kapag ito pinicturan ko.

Oo, pinagselosan ni Sofia si Ma'am Galvez dahil close si Sir Marques at Ma'am Galvez, kapag nakikita ni Sofia na magkasama silang dalawa may sinasabi ito.

'Where do brokenhearted go?'

Ayan ang madalas niyang sinasabi, ang sagot ni Vivian d'yan sa calculator, ewan ko ba kung bakit calculator? Ang sagot ko naman, sa America.

Wala lang, mahilig akong magbasa ng novels at karamihan sa America ang punta.

"At ang pinagselosan mo rin dahil sa closeness namin." Tinig ng isang lalake at natigilan ako.

It can't be...

Napatingin ako sa rearview mirror at nakita ko siya, halos hindi ko maalis ang tingin ko sa salamin.

Why my heart is fluttering?

I heard Sofia sang 'dying inside' and I glare at her. That song makes me remember... The way he dance.

"Kayo na lang kaya?" Gulat akong napatingin kay Ma'am Berzeluis at kinindatan ako.

Narinig ko ang pagtawa ni Sir Ricohermoso at nagtama ang mata namin sa pagtingin sa rearview mirror, kumindat ito sa akin kaya't umiwas na ako ng tingin.

Hindi mo 'ko madaraan sa pagkindat walking terrace, graduated na 'ko sa Marupok University!

"Soon, Ma'am," dinig kong sagot ni Sir Ricohermoso kay Ma'am Berzeluis.

Nagpatuloy sa pagkukuwento si Ma'am Berzeluis kay Sofia patungkol sa nangyari kay Sofia. May alam talaga ako, pero ayaw ko na lang mag-talk.

Pumikit na lang ako at nagkunwari na tulog, bigla kong naalala ang nga sinabi niya sa akin noon. Gagawin niya pa ba 'yon, o trip niya lang ako?

I even saw the status before, may girlfriend siya, I guess that post was around his College days, are they still together? I saw his friend commented on that post, saying that 'when kaya?'

MY DREAMS AND GOALS (Goal Series #01)Where stories live. Discover now