13

95 2 0
                                    

Chapter 13

HERA'S POV

Nandito ako ngayon sa Coffee shop at inaantay ko si Terrence. Nauna ng umuwi sina Megan, Sofia, Vivian at Alexa.

"Love," bungad ni Terrence ng makarating ito.

"Naka-order na ako," sambit ko at ngumiti naman ito. "Ano nga pala 'yong sasabihin mo?" Tanong ko sa kaniya at hinawakan niya kamay ko.

"You trust me, right?" Aniya at tumango naman ako.

"Of course," sagot ko at huminga ito ng malalim bago sumagot.

"Cathleen called me," panimula niya. "She told me that she still love me-"

"Do you still love her?" I cut him off.

"No. I told her that I'm in a relationship with you," hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko. "Alam mo ba kung anong sinabi niya?" Tanong niya at umiling ako.

"Ano?"

"Hindi siya makapaniwala, sinabi niya pang maghihiganti siya," tugon niya at natigilan ako.

Tama ako. Si Cathleen nga ang narinig namin kanina.

"But why?" Hindi ko mapigilan magtanong. "You told me that she cheated on you,"

"I don't know either," sagot niya. "But I won't let that happen. I will protect you, as well as our relationship."

"May tanong ako," sabi ko. "Bakit sinabi mo 'to sa akin?"

"Because I wanted to be honest with you," he smiled. "Ayaw kong dumating na ikaw pa mismo ang makatuklas nito." Aniya at napangiti ako.

Hindi ko ito maitatanggi, ang suwerte ko kay Terrence.

"ANG AGA MO NAMAN," bungad ko kay Sofia ng makarating ako sa faculty kasama si Terrence.

"Excited lang," she giggled.

"Magturo o isa sa magtuturo?" Tanong ko at natawa ito.

"Puwede both?" Tanong niya at napailing ako.

Nagtungo ako sa table ko at inasikaso ko ang master list na hawak kong mga estudiyante ngayon. Napangiti ako ng makita ko ang mga ito.

Inayos ko ang mga ito at bigla akong napahinto sa pagsigaw ni Terrence kaya't napatingin ako sa kaniya.

"How many times do I have to tell you?! May Girlfriend na ako. Anong parte ang hindi mo maintindihan? Kung ang bawat topic nga nauunawaan mo, pero bakit hindi mo maunawaan ang sinasabi ko? Guro ka niyan?!" Tinig niya. "You're so immature."

Nakita kong tinago niya ang phone niya kaya't lumapit ako sa kaniya. Tumingin ito sa akin at ngumiti.

"She called," aniya at tumango naman ako.

"Gusto mo ako kumausap?" Tanong ko at umiling naman ito.

"She won't bother us," mahinang sabi niya at ngumiti naman ako.

Isang linggo ang lumipas at hindi na muling tumawag pa si Cathleen kay Terrence, abala na rin kami sa pagtuturo ng mga estudiyante.

"Ngayon, para sa iyong gawain, gagawa kayo ng isang mitolohiya. Nabasa niyo naman ang Cupid at Psyche, hindi ba?" Tanong ko.

"Opo," sagot nila.

Talaga ba?

"Gawin niyo itong inspirasiyon para makabuo kayo ng mitolohiya. Kahit maikli lang at ayaw kong mag-uumpisa ito sa 'Noong unang panahon' o 'Isang araw' hindi na kaya Elementary, at wala ring magde-describe sa tauhan ng napakahaba, hindi 'to auto-biography." Panimula ko at nakikinig naman sila. "Kung mag-uumpisa kayo ng isang kuwento maari kayong gumamit ng mga lugar, halimbawa. 'Naglalakad si Aphrodite sa kaharihan, subalit napahinto ito nang makita niya si Eros, ang kaniyang anak.' Maaari 'yan,  simpleng description lang sa tauhan. Kilala niyo ba si Eros?" Ani ko at sumagot sila.

MY DREAMS AND GOALS (Goal Series #01)Where stories live. Discover now