24

121 1 0
                                    

Chapter 24

HERA'S POV

"Thank you for your help, Hera!" Masayang sabi ni Megan at ini-lock ko naman ang Café.

"Walang anoman, masaya rin ako kasi natulungan kita ngayon. Alam mo namang College pa lang nagplaplano na tayo patungkol rito," nakangiting sabi ko at sumakay naman kami sa kotse ko.

"Dinner tayo, sa restaurant naman natin." Aniya at nag-drive ako patungo sa Margarellia's Restaurant.

Hindi masyadong traffic ngayon kaya mabilis kaming nakarating ni Megan sa restaurant, agad akong nag-park sa parking lot at bumaba kami sa kotse. Pumasok kami ni Megan sa loob ng restaurant at sinalubong naman kami ng staffs, bumati sila't bumati rin kami pabalik.

Nagtungo kami ni Megan sa table namin at inihain na sa amin ang pina-reserved namin. Kinuwentuhan ako ni Megan patungkol rito sa restaurant habang kumakain kami, pinagawa niya kasi itong restaurant namin isang buwan mula no'ng nagpunta ako sa America at habang lumilipas noon ang panahon ipinabago niya rin ang design nito.

Noon kasi simple lang ito pero ngayon ang malaki na ang pinagbago. Nakita ko lang ito sa ini-email niyang pictures sa akin at kahit nag-aaral ako sa ibang bansa, tinutulungan ko pa rin siya sa pagdi-design nito. Mabuti na lang marunong rin akong mag-sketch ng mga designs. Napagsabihan pa ako ni Megan noon na sana nag-Architect na lang ako.

Maya-maya natapos na kaming kumain ni Megan, nag-stay muna kami rito sa restaurant at inasikaso ang mga costumers.

"Kapag may pasok ka na, sinong mag-aasikaso rito?" Tanong ko habang nagpupunas ng mesa.

"Ako pa rin. Morning shift naman klase ko sa pasukan," sagot niya at tumango naman ako.

Pinagpatuloy namin ang paglilinis ng mesa at maya-maya natapos na kami, ang ilang sobrang pagkain na nailuto ay pinamigay namin ni Megan sa staffs. 11:00 pm na kaya nagsiuwian na sila, mong makalabas lahat ng staffs lumabas na rin kami ni Megan matapos patayin ang mga ilaw at ini-lock ang pinto nito.

"Makakapagpahinga na rin!" Sigaw ni Megan no'ng makarating kami sa unit.

"Nandito na pala kayo," nakangiting sabi ni Sofia at ngumiti naman kami. "Kumain na kayo?"

"Oo," sagot ni Megan at agad akong umupo sa sofa. "May dala rin kaming pizza at chocolate frappe." Pagpapatuloy ni Megan saka inilapag ito sa table.

"May duty na ulit bukas," biglang sabi ko at humikab.

"Sabi ko kasi sa 'yo magpahinga ka na lang," sabi ni Megan at inabot sa akin ang frappe.

"Ang boring kaya, anong gagawin ko? Matutulog maghapon?" I sip my chocolate frappe. "Sobra na ako sa pahinga, iyong makatulog lang pagkauwi tapos gigising ng maaga ayos na sa akin 'yon," pagpapatuloy ko.

"Nood na lang tayo!" Sabat ni Sofia.

"Anong panonoorin?" Tanong ni Megan.

"Anime?" Patanong na sagot ko.

"Kdrama! The Heirs," sabi ni Sofia at kinuha ang remote. "Panoorin natin asawa ko!"

"Sino roon?" Tanong ni Megan at natawa ako.

"Si Lee Min Ho," nakangiting sabi ni Sofia at nai-play niya na ang episode 01.

"Asawa niya 'raw' pero hindi siya kilala," pangbabara ko at natawa si Megan saka sumigaw si Sofia.

"Mapanakit ka talaga!"

"THERE'S A DYING MUSCLE ON THE LEFT VENTRICLE, IT ALSO AFFECTS THE AORTIC VALVE AND THE MITRAL VALVE." Dr. Enrique said and point the dying muscle on the screen.

MY DREAMS AND GOALS (Goal Series #01)Where stories live. Discover now