09

109 4 0
                                    

Chapter 09

HERA'S POV

"Again, welcome to the family, Hera!" Masayang sabi ni Ate Trixny at ngumiti naman ako. "Bonding tayo next time ah,"

"Thank you, and sure po," sagot ko at mahina naman itong natawa.

"Ang bait mo naman," she chuckled.

"Hija," tinig ni Tita. "Dalhin mo na 'to, balita ko mahilig ka sa pasta." Sabi nito at inabot naman sa akin ang isang paper bag.

"Thank you po," sabi ko at ngumiti naman ito.

"Una na po kami," tinig ni Terrence at lumapit ito sa akin.

"Sige, ingat kayo," habilin ni Tita.

"Opo," sagot namin ni Terrence.

Pinagbuksan ako ng pinto ni Terrence at agad naman akong pumasok sa loob, kumaway ako sa kanila at gano'n din sila. Maya-maya sumakay na si Terrence sa kotse't nagsimula itong magmaneho papunta sa Condo.

"I told you, they'll love you," nakangiting sabi niya at ngumiti naman ako.

"Thank you," mahinang sabi ko.

"Hindi na ako tumatanggap ng 'thank you' sa isang Hera Margareth Fuentes simula ngayon," aniya at napatingin ako sa kaniya.

"E 'di don't!" Sarkastikong sabi ko at bumalin ng tingin sa bintana.

"Ano ba 'yan, sira pick-up line ko," bulong niya at lihim naman akong tumawa.

"Walking terrace," tawag ko at bumalin ng tingin sa kaniya.

"Walking what?!" Gulat na tanong niya at natawa naman ako.

"Walking terrace," natatawang sambit ko. "Tugma naman ang Terrence saka terrace e, buti nga hindi terrible e," ngumiwi ako.

"Ako 'yon?"

"Ang alin?" Kunwaring tanong ko.

"Ang walking terrace?" Tanong niya at tumango naman ako.

"Code ko lang sa 'yo no'n kapag pinag-uusapan ka namin, hello! July 03 crush na kita," natatawang sabi ko at ngumiti naman ito.

"At ngayon, August 09 naging tayo na," aniya at ngumiti naman ako.

"You know what," panimula ko at huminto naman ito sa pag-drive dahil nag-red ang stoplight. "I already saved you a seat three years ago," pagpapatuloy ko at kumunot naman ang noo niya.

"What?"

"I am saving you a seat in my future, just in case you want to be part of the journey." I said and give him a sweet smile.

"I want to be part of your journey, so thank you for saving me a seat," nakangiting tugon nito.

Maya-maya nag-green na ang stoplight kaya't muli itong magmaneho, tahimik lang kaming dalawa at tanging 'yong radio lang ang ingay rito.

Hanggang sa makarating kami sa parking lot tahimik lang kami, bumaba ito sa sasakyan at agad akong pinagbuksan ng pinto kaya't agad akong bumaba at humarap sa kaniya.

"Thanks for the ride," nakangiting sabi ko at tumango naman ito.

"Anytime," tugon niya. "Sunduin kita bukas,"

"Sure," sagot ko. "Gusto mo bang umakyat muna sa unit?" Aya ko at umiling naman ito.

"No thanks," aniya at tumango naman ako. "Hera,"

"Bakit?"

"Alam mo ba-"

"Hindi." I cut him off and he glare at me, I gave him a peace sign. "Sige, ano 'yon?"

"It takes millions people to make the world," seryosong sabi niya at hinawakan niya ang dalawang kamay ko.

"So?" Curious na sambit ko't ngumiti naman ito.

"But mine is completed with one, and its you," nakangiting aniya.

"Terrence..."

"Even if I close my eyes, it's you Hera, I only see you," he kissed my forehead and I froze. "I love you forever in your arms." He whispered and I gave him a sweet smile.

"I love you more and more every day."

"MA'AM FUENTES!" Tawag ng estudiyante ko sa akin nang makarating ito sa faculty.

"Bakit 'nak?" Tanong ko.

"May nagsuntukan!" Aniya at tumayo naman ako't sumunod naman ako.

Mabilis akong naglakad hanggang sa makarating sa classroom, binuksan ko ang pinto at natigilan ako sa nakita ako.

Nakapaikot ang upuan nila at nasa gitna ang Teacher's chair, may heart shaped petals na nakapalibot dito, ibinalin ko ang tingin ko sa harapan at nakita ko ang calligraphy na 'Happy Teacher's Day' sa tapat nito naroon ang table ko at nakapatong ang ilang regalo.

"Happy Teacher's day Ma'am Fuentes!" Bati nila at natauhan naman ako.

Ngumiti ako at pumasok sa loob ng room. "Maraming salamat," masayang tugon ko at kitang-kita ko naman ang mga ngiti sa kanilang labi.

Umupo ako sa upuan at isa-isa silang nagsabi ng mensahe sa akin at yinakap ko naman sila matapos mag-iwan ng mensahe sa akin. Nagkaroon din sila ng intermission gaya ng pagsayaw, pagtugtog ng musical instruments habang kumakanta ang ilan.

Nag-iwan din ako ng mensahe sa kanila bilang pasasalamat, pinaghati-hatian namin ang ilang pagkain na dinala nila, masyado kasing marami at baka masira lang kapag inuwi ko kaya't mas mainam na paghati-hatian namin.

Matapos naming kumain nag-picture taking kami isa-isa at buong klase. Nang matapos 'yon nagpaalam na ako sa kanila at pinayagan silang magpunta sa iba nilang subject Teachers.

Nagpunta ako sa faculty at akmang papasok na ako sa loob bigla akong hinila ni Terrence hanggang sa makarating kami sa dulo kung saan wala masyadong tao.

"Bakit?" Takang tanong ko at ngumiti naman ito't inabot sa akin ang isang box. "Ito 'yong binigay ko sa 'yo noon ah," puna ko at kinuha ko ang box.

Sapphire blue ang kulay nito at may glitters, binuksan ko ang box at wala pa ring pinagbago sa laman, naroon pa rin ang yellow colored paper at may nakasulat doon na motivational quotes at ilang letters bilang pasasalamat.

"Nasa iyo pa rin pala 'to?" Namamahang tanong ko at nakangiti itong tumango. "Bakit mo tinago?! Sana tinapon mo na lang, ang embarrassing kaya!" Reklamo ko at natawa naman ito.

Kumuha ako ng isa at binasa ko iyon.

'Hello Ginoo! Kumusta po? Salamat po sa pagbabahagi ng kaalaman. Maligayang araw ng mga Guro, Maestro! - Hera'

"Tignan mo 'yong blue," aniya at tumingin ako sa kaniya't ngumiti ito.

Ginawa ko iyong sinabi niya at binasa ko naman iyon.

'If you are a book I borrowed from the library, then I would never give it back. -Terrence'

Tumingin ako sa kaniya at ngumiti naman ito. "Happy Teacher's Day, love." Aniya at biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

The way he called me 'love'... It makes my heart fluttered.

"Happy Teacher's Day too, love," bati ko pabalik at nakita kong natigilan ito.

Ngumiti lang ako at tinanggal ko ang bracelet na suot ko ngayon at inilagay ko sa kaniya. "Hindi ko alam ang ibibigay ko sa iyo kaya iyang bracelet ko na lang, ang sabi nila..." Napahinto ako at tumingin ako sa mata niya't ngumiti. "When a girl gives a bracelet to a man, it means that man is special to her, and you are special to me love," nakangiting sabi ko at hinaplos niya naman ang pisngi ko saka ito ngumiti.

"You are my treasure, the most precious thing in my life."

MY DREAMS AND GOALS (Goal Series #01)Where stories live. Discover now