23

135 1 0
                                    

Chapter 23

HERA'S POV

"Haba naman ng buhok!" Sabi ni Megan habang abala ako sa luluto ng breakfast namin.

Day off ko ngayon kaya napagpasyahan kong sumama kay Megan sa Café.

"Sinong pipiliin mo sa kanila?" Tanong niya at ini-off ko naman ang stove.

"Wala," sagot ko at kinuha ko ang pancakes sa tabi ko't inihain ko ito sa lamesa.

"Anong wala?! Dapat mayroon!"

Akmang sasagot na ako pero biglang tumunog ang doorbell.

"Ako na!" Sigaw ni Sofia na kalalabas ng room niya.

"Hindi ko alam, puwede ba none of the above?" Kunot noong tanong ko at natawa ito.

"Hindi mo sinasagot tawag ko," bungad ni Zylu no'ng makapasok ito.

"Iniwan ko sa room ang phone ko," tugon ko at umupo ito sa sa tabi ko.

"Anong topic?" Tanong ni Zylu at kumuha ng pancake.

"Sino 'yong Father of History?" Biglang tanong ni Megan at napakamot naman ng ulo si Zylu.

"Puro aral na nga ako sa Firm, pati ba naman dito? Pagpahingahin n'yo naman ako!" Reklamo niya at sumubo ng pancake.

"Ikaw Meg, alam mo kung sino?" Tanong ko.

"Hindi, kaya nga nagtatanong ako e." Sagot niya. "Ikaw, kilala mo?"

"Greek historian ba? Herodotus," sagot ko at pumalakpak naman sila.

"Parang lahat ata alam mo na, ano pang hindi mo alam?" Tanong ni Zylu.

"Hindi niya alam kung sinong pipiliin niya," sagot ni Megan.

"Alam ko sagot d'yan!" Sabi ni Zylu at humarap ito sa akin.

"Sino?" Tanong ko at ngumiti naman ito.

"Ako," sagot niya sabay kindat. "May pasok ka ngayon?"

I sip my Iced Americano.

"Day off ko," sagot ko. "Pero may pupuntahan ako,"

"Saan?" Tanong niya at ngumiti lang ako.

Nang matapos kaming kumain nag-ayos na ako, nagsuot ako ng white loose long sleeve, black jeans at black ankle heels. Kinuha ko ang white sling bag ko at pinasok ko roon ang phone at wallet ko, kinuha ko ang susi sa ibabaw ng table ko at lumabas ng kuwarto ko.

"Meg, alis na 'ko," paalam ko sa kaniya habang abala ito sa laptop niya.

"Sige, ingat ka!"

"IT'S BEEN 15 YEARS MULA NO'NG DUMALAW AKO RITO 'MA," nakangiting sabi ko at nagtirik ako ng kandila. "Guess what, Doctor na po ako."

Kumuha ako ng baby wipes sa bag ko at pinunasan ang lapida, abala lang ako sa pagpupunas nito at no'ng matapos ako umupo ako sa inilatag kong blanket.

"Nakalulungkot lang 'Ma dahil wala ka rito," pilit akong ngumiti. "Nagkita na nga pala kami ni Kuya, 'Ma. Abogado na siya," nakangiting balita ko at napatingin ako sa kalangitan. "Maayos po ang relas'yon naming dalawa Mama, kaya huwag ka pong mag-alala. Napatawad na namin ang isa't isa."

Binalik ko ang tingin ko sa lapida at hinawakan ko ang pangalan nito.

Helena Fuentes.

"Nakapagtataka lang, bakit apelyido mo sa pagkadalaga ang gamit na apelyido ni Kuya?" Tanong ko.

"Nagpapalit ako," napatingin ako sa nagsalita at umupo ito sa tabi ko. "Simula no'ng mag-College ako, Fuentes na ang ginamit ko." Sagot ni Kuya at nagtirik ito ng kandila.

MY DREAMS AND GOALS (Goal Series #01)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant