15

137 3 0
                                    

Chapter 15

TERRENCE'S POV

"Lilipat ka na ng University?" Tanong ni Adrian at tumango naman ako.

4th year College si Adrian sa UP Manila, kumuha ito ng Political Science bilang pre-law niya. Habang ako, nagtratrabaho na ako sa UDM bilang Guro sa Filipino.

Magkasing-edad lang kami ni Adrian pero accelerated ako no'ng 1st year College. Ako kasi ang valedictorian ng batch namin no'ng High School ako at sinabihan din ako ni Ate Trixny na kumuha ako ng acceleration exam, at naipasa ko naman 'yon.

"Ako rin," nakangiting sabi niya. "Next school year." Pagpapatuloy niya at tumango naman ako. "Bakit ka nga pala lilipat ng University? UDM ang gustong-gusto mong turuan no'n."

"No reason." Tipid na sagot at bumalin ng tingin sa bookshelves na katabi ko.

"May hahanapin lang akong libro," paalam niya at tumango naman ako. "Girlfriend mo." Sabi nito sabay turo kay Cathleen na palapit na sa amin.

"Next week is our 3rd Anniversary, babe," bungad nito at ngumiti naman ako.

"Excited?" Nakangiting tanong ko at nakangiti itong tumango.

4th year College na si Cathleen at English ang major niya. Magkaklase kami no'ng 2nd year High School hanggang 4th year. Nagkahiwalay lang kami no'ng mapasa ko ang acceleration exam.

"Una na 'ko, baka gawin n'yo pa akong third wheel," sabi ni Adrian at natawa kami.

"Mag-girlfriend ka na kasi," ani Cathleen at umiling si Adrian.

"I'm not interested," seryosong sagot nito. "Mas gusto ko pang pag-aralan ang mga cases na makahaharap ko."

"Tapos isa sa magiging kliyente mo ang makakatuluyan mo," pang-aasar ko.

"Maybe that client is seeking for justice that she deserves, I would help her then until the trial success." Tugon nito.

"Are you serious?" Cathleen asked.

"Yes." Adrian answered.

Nauna na itong umalis dahil may hahanapin pa raw siyang libro, habang si Cathleen naman ay nasa tabi ko naghahanap siya ng mga gamit na gagamitin niya sa project nila.

"I'll take this call, babe," sabi niya at tumango naman ako. "Pick me some highlighters, please!"

"Sure," nakangiting tugon ko at ngumiti ito.

Umalis ito sa tabi ko at nagtungo ako sa stationary section kung saan nakalagay ang mga highlighters. Pumili ako ng iba't ibang kulay at inilagay ko ito sa basket.

"Excuse po," tinig ng isang babae at napalingon ako.

Umusog ako at ngumiti ito sa akin. Pinagmasdan ko ito at nakita kong nakapang-highschool uniform ito. Kinuha ko ang phone ko at nag-message kay Cathleen kung nasaan siya pero wala pa itong sagot, siguro may kausap pa.

"Kulang na lang bilhin mo lahat 'yan, Hera," tinig ng isang babae na naka-uniform din.

"Hayaan mo na siya, Viv, mas ganado raw siya mag-aral kapag may highlights 'yong notes niya." Sambit naman ng isang babae na maikli ang buhok.

"Walang pink," dinig kong bulong ng estudiyanteng nasa tapat ko.

Napatingin ako sa basket na nasa gilid ko at nakita kong may nakuha pala akong pink na highlighter. Kinuha ko ito at inabot ko sa estudiyante, pero hindi ito nakatingin sa akin.

"Hera, lingon," tinig no'ng estudiyanteng maikli ang buhok at lumingon ito sa tumawag sa kaniya't agad akong tinuro kaya napatingin ito sa akin.

Inosente itong nakatingin sa akin at punong-puno ng pagtataka.

MY DREAMS AND GOALS (Goal Series #01)Where stories live. Discover now