10

126 2 0
                                    

Chapter 10

HERA'S POV

"Anong handa?!" Tanong ni Vivian nang makarating ito sa Condo.

"Thesis!" Sagot ni Sofia.

"E 'di ipagawa mo sa manliligaw mo," pang-aasar ni Vivian at sumama naman ang tingin ni Sofia. "O kaya patulong ka sa tutor mo," sabi nito at tinuro ako.

"Anong chapter na?" Tanong ko kay Sofia.

"Episode 16 na," sagot nito at napailing naman ako.

"Pupunta si Sir Ricohermoso rito?" Tanong ni Vivian.

"Hindi ko pa alam," sagot ko at tumango naman ito.

"Hera," tawag ni Sofia. "Magdo-Doctor ka pa?" Tanong niya at ngumiti naman ako.

"Hindi na," sagot ko at kitang-kita ko ang pagkatuwa niya. "Masaya na 'ko sa pagtuturo e," pagpapatuloy ko pa.

"Antayin mo 'ko ah," sambit ni Sofia at tumango naman ako.

"Hello! Nandito na pala kayo," tinig ni Megan ng makapasok ito sa loob ng unit. "Magbe-bake kami ng cake ni Hera, may gusto ba kayong ipaluto o lutuin?" Nakangiting tanong nito't nagtungo sa kitchen.

"Pasta!" Sagot ni Sofia at ngumiti naman ako.

"Tulong na kami," ani Vivian at nagtungo naman kami sa kitchen.

Nag-umpisa na kaming mag-ayos ng mga ingredients, kaming dalawa ni Megan ang nag-aasikaso ng cake, dalawang cake kasi ang gagawin namin, isang chocolate cake at isang ube.

Sina Sofia at Vivian ay inaasikaso na ang pasta maging ang sauce nito, isang carbonara at isang italian style. Nang matapos nilang hiwain ang mga ingredients at naiayos na rin ang pasta, ako na ang nagluto nito dahil nagustuhan nila ang niluto ko noong may cooking kami noong 1st year High School kami.

Lumipas ang ilang oras at maayos na ang lahat, nai-decorate na ang cake at maayos na rin ang pasta. Inihain namin ito sa mesa, at naglagay na rin kami ng plates doon.

Wala naman kaming bisita at tanging kami-kami lang nina Megan, Sofia at Vivian ang magse-celebrate ng Pasko ngayong taon.

"Alam ba ng parents niyo?" Tanong ni Megan kina Sofia at Vivian.

"Oo, nagpaalam kami na rito kami magpapasko, buti na lang at pinayagan kami, 'yong isa kasi hindi," sagot ni Vivian.

"Sayang naman, sana sa susunod maisama n'yo si Alexa," ani Megan.

"Sana nga," tinig ni Sofia. "Anong isusuot n'yo bukas?" Tanong niya.

"Dress kami ni Hera," sagot ni Megan.

"Ayaw ko nga!" Angal ko. "Long sleeves gusto ko," sabi ko.

"Aish! Partner kasi tayo. Pasko naman bukas, regalo mo na lang sa akin 'yon," aniya sabay puppy eyes.

"Sige na nga." Napipilitang sabi ko at bigla naman itong yumakap sa akin.

"Thank you! I love you!" Masayang sabi ni Megan at natawa naman ako.

"Dress na rin kami para masaya," sabat ni Vivian.

"Same colors tayo," ani Sofia.

"Red?" Tanong ni Vivian at sumang-ayon naman kami.

Kinabukasan maaga akong nagising kaya't nag-ayos agad ako ng sarili ko. Naligo ako at nag-ayos na rin ng buhok, ini-straight ko muna ito saka ko kinulot ang pinakadulo, naglagay na rin ako ng hair clip sa magkabilang gilid.

Kinuha ko ang make-up kit ko sa drawer ko at nag-apply ng light make-up, nagsuot na rin ako ng necklace na may rose pendant.

Nagtungo ako sa closet ko at naghanap ng red dress, marami akong red dress at iba't ibang klase ito, ang iba rito ay binili ko at ang iba naman ay binigay sa akin ni Megan.

MY DREAMS AND GOALS (Goal Series #01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon