06

142 4 0
                                    

Chapter 06

HERA'S POV

Lumipas ang ilang linggo at nagkamabutihan na kami ni Terrence, siya ang naghahatid at sumusundo sa amin ni Megan sa tuwing papasok sa trabaho.

"So, kayo na ba?" Tanong ni Megan habang nandito kami sa sala at nanonood ng movie.

"Hindi pa," sagot ko at ngumiti naman ito.

"Kailan mo sasagutin?" Tanong niya ulit at nagkabit-balikat naman ako.

"Hindi ko pa alam," I said and sip my Caffé Americano.

"Kuwentuhan mo naman ako," aniya.

"Tungkol saan?"

"Kung paano kayo naging close noon," tugon niya at inabot niya naman sa akin ang Fire Floss bread.

"Sa pagsali ko sa contest," simpleng sagot ko.

"Iyong 100 tula?" Tanong niya at tumango naman ako. "Pina-book mo pala 'yon 'di ba? No'ng 3rd year College tayo,"

"Yup, naibigay ko na rin sa kaniya," sagot ko.

"Anong sabi niya?"

"Salamat, at masaya raw siyang mabasa 'yon,"

"Ayon lang?" Takang tanong niya at tumango naman ako.

"Oo," simpleng sagot ko at bigla namang nag-ring ang phone ko. "Sagutin ko lang 'to," sabi ko kay Megan at tumango naman ito.

"Hello?" Bungad ko.

"May ginagawa ka?" Tanong ni Terrence sa kabilang linya.

"Wala naman masyado," sagot ko.

"Ayon,"

"Bakit, anong mayroon?" Tanong ko.

"May pupuntahan tayo,"

"Saan?"

"Secret," natawa ito. "Mag-ayos ka na, wear something comfortable." Aniya at binaba ang call.

Napangiwi na lang ako at tumingin ako kay Megan.

"Anong sabi?" Tanong niya agad.

"May pupuntahan daw kami, hindi sinabi kung saan pero mag-ayos na raw ako." Sagot ko at tumango naman ito.

Nagpaalam ako sa kaniya na mag-aayos na ako at tumango naman ito. Nagtungo ako sa room ko at pumili ng damit, kinuha ko sa closet ko ang red turtleneck long sleeves ko at white jeans.

Naligo muna ako at nagbihis. Nakaharap ako ngayon sa salamin habang suot-suot ko ang damit na kinuha ko, inayos ko ang pagkakulot ng buhok ko.

Hindi naman kulot na kulot ang buhok ko, 'yong dulo lang kaya madali lang ayusin.

Kinuha ko sa box ang white faux leather ankle boots na binili ko noon at isinuot ko ito.

Umupo ako sa upuan at kinuha ko ang powder at lip gloss ko't naglagay nito. Pinalitan ko rin ang earrings ko ng silver rose dangle, kinuha ko ang red sling bag ko sa tapat ko at inilagay sa loob lip gloss at powder.

Tumayo ako at nag-spray muna ng perfume bago lumabas ng room ko. Nang makalabas ako nakita kong nanonood pa rin si Megan kaya naman lumapit ako sa kaniya.

"How do I look?" Tanong ko't napatingin ito sa akin.

"Simple yet stunning," nakangiting tugon nito at ngumiti naman ako. "Nag-blush on ka?" Tanong niya at umiling naman ako. "Maglagay ka,"

"Huwag na, okay na 'to," sagot ko. "Okay na ang powder at lip gloss," dagdag ko pa at tumango naman ito saka ngumiti.

"Ngayon ko lang nakita 'yan," aniya sabay turo sa boots ko.

MY DREAMS AND GOALS (Goal Series #01)Where stories live. Discover now