31

159 1 0
                                    

Chapter 31

HERA'S POV

"Are you even listening?" I seriously asked to the Med Students in front of me.

I've been recalling their lesson and adding other informations about the materials that they'll be using because they'll do the actual performance now. I saw their Professor raising her brow to her students. I glaced at Nathan and he's assisting the group of students.

"If you want to play, well I'm sorry. This ain't a playground, dear. Buhay ng tao ang hawak mo at hindi ito ang ipina-practice ninyo sa loob ng Med School. Let me remind you once again, if you're not interested to listen then," I pointed the door. "Get out. I said, get out."

"Listen to Dra. Fuentes, class or else you will not have another chance to do this. I warned you before we go here." Their Professor said.

"Thanks Prof," I said and she smiled. "The patient that will assign to you," I pointed the group. "You must get her ABG Test. What is ABG again?" I pointed one Med Student.

"An arterial blood gases or ABG test measures the acidity and the levels of oxygen and carbon dioxide in the blood from an artery. This test is used to find out how well your lungs are able to move oxygen into the blood and remove carbon dioxide from the blood." She answered and I nodded.

"That's correct but I've already read that in the book and internet, I also heard that from other students. Can you say what ABG is in your own words?" I smiled at her.

"Doc," a male Med Student raised his hand. "Can I answer it?" He asked and I nodded. "This test determines how well the lungs can pump oxygen into and out of the bloodstream. The acidity and levels of oxygen and carbon dioxide in the blood from an artery are measured by an arterial blood gases test, or ABG test."

"Good." I said.

"Next group, please!" Nathan shouted.

"ANG LALIM NAMAN NG INIISIP MO." Sabi ni Vivian at umupo sila sa tapat ko.

Nandito kami sa Summer's Café, day off ko ngayon kaya nagkaroon ako ng oras para makasama sila. Pinaglalaruan ko ang Iced Tea gamit ang straw at napatingin ako kila Vivian.

"It's our second anniversary," sabi ko at ngumiwi.

"Bakit parang hindi ka masaya?" Tanong ni Sofia.

"Kaya nga, sis. Dapat masaya ka kasi dalawang taon kayo ng bebe mo," sabi naman ni Alexa.

"Ang cold niya sa akin lately, hindi naman siya gano'n."

I sighed.

"Last year tinanggap niya ang inaalok sa kaniya ng Dean ng University na madalas niyang tanggihan," sabi ko at muling tinignan ang phone ko.

Wala pa ring reply.

"Ang alin, sis?" Tanong ni Alexa.

"Ang magturo sa College," sagot ko. "May summer class ngayon doon at siya ang nagtuturo sa Pagsasaling-wika at Pagnilang Kurikulum." Dagdag ko pa.

"Alam na alam," ani Alexa.

"Malamang sinabi niya." Sarkastikong sagot ko at bigla namang nag-vibrate ang phone ko.

Agad kong tinignan 'to at bumilis ang tibok ng puso ko no'ng makita kong si Terrence ang nag-message sa akin. Binuksan ko ito pero napaismid ako no'ng mabasa ko ito.

From: Love
I can't go, I have something to discuss with my student.

"Si Terrence 'yan?" Tanong ni Vivian at tumango naman ako.

"Anong sabi?" Tanong naman ni Sofia at ipinakita ko ang message niya.

"Anong plano mo ngayon?" Biglang tanong ni Alexa.

"Ano pa, e 'di papasok. Wala naman akong gagawin sa bahay," sagot ko at akmang tatayo na ako pero nakita ko si Terrence na pumasok sa loob.

"Ayan na pala e," ani Sofia.

"Nasaan coat ko?" Tanong ko sa kanila no'ng napansin kong wala ito sa upuan ko.

"Wala ka namang suot na coat no'ng pumunta ka rito ah," sabi ni Vivian.

Oo nga pala.

"Sana all masaya," sabi ni Sofia at kumunot naman ang noo ko't may itinuro ito.

Napatingin ako sa itinuturo ni Sofia at napataas ang kilay ko no'ng makita kong nakangiti si Terrence sa kaharap niyang babae. Tinignan ko ang kaharap nito mula ulo hanggang paa.

Maikli ang buhok at kitang-kita ang kahabaan ng leeg niya, maputi ang balat at mas bumagay sa kaniya ang pink fitted crop top partnered with black high waisted skirt and five inches black high heels.

"Salamat, Fuente," sabi ni Terrence at ngumiti naman 'yong Fuente.

Sana maubusan ng gaas ang kotse mo sa kalagitnaan ng biyahe.

"Hera, chill. Walang 's' 'yon," pagbibiro ni Vivian pero hindi ako kumibo. "Fuente 'yon at Fuentes ka."

"Walang anoman po, Ginoo." Sagot nito at napataas ang kilay ko.

Sana mabutas ang gulong ang sasakyan n'yo.

"Kalma, Ginoo rin tawag namin sa kaniya rati." Natatawang sabi ni Alexa.

"Estudiyante ni Terrence?" Tanong ni Vivian.

"Siguro," si Sofia ang sumagot.

"Tapos ipapalit niya sa akin," sabi ko. "Sabi na advantage talaga 'to ng pagiging Doctor e, laging iniiwan at nasasaktan."

"Hugot 'yon?" Tanong ni Alexa pero hindi ko pinansin.

"Should I start buying a Gucci gloves, Chanel bags, collecting Louis Vuitton dresses?" Tanong ko at natawa naman sila. "I'm serious. How about Dior for make-ups? Saint Laurent for other clothes?"

"HAHAHAHAHA!" Tawa nilang tatlo.

"How about Cartier for my accessories? Is it okay?" Tanong ko pero mas natawa sila.

Hindi naman ako nagjo-joke. I'm serious kaya!

"Iba talaga kapag malaki suweldo," natatawang sabi ni Alexa.

"High School pa lang tayo nag-iipon na 'yan, kaya tignan mo may pa-Gucci, Chanel, Dior at iba pa." Natatawang sabi naman ni Vivian.

"Hera, pautang." Biro ni Sofia.

"Huwag sa akin, kay Vivian. Siya ang Accountant dito." Sagot ko at muling napatingin kila Terrence.

"Una na po ako," paalam no'ng Fuente.

"Ingat ka." Nakangiting sabi ni Terrence at namula naman 'yong babae.

Sana madapa kayo.

"Hera, ang sabi niya 'ingat' lang at hindi 'mahal kita,'" she emphasize the word 'mahal kita'.

"Ayan din ang sinabi niya sa akin noon, nakita mo pa nga 'di ba, Alexa?" I raised a brow. "Aalis na ako."

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Vivian.

"Sa America, sama ka?"

Kinuha ko ang bag ko at tumayo. Akmang paalis na ako pero nakita ko si Terrence na nasa harap ko. Seryoso lang itong nakatingin sa akin kaya bumalin ako ng tingin kila Vivian.

"Tawagan n'yo Abogado ko, sabihin n'yo magpapapalit na ako ng apelyido." Sabi ko at naglakad na paalis.

From Fuentes to Enrique. Real quick.

Nang makarating ako sa parking lot agad kong hinanap ang kotse ko.

Akmang sasakay na ako pero may biglang lumapit sa akin at inabutan ako ng red roses. Ngumiti ito sa akin at nagtataka kong kinuha ang inaabot niya sa akin.

"To the beautiful couple in all the land, may your anniversary be happy and grand." She smiled and give me an envelope. "Follow your dreams and achieve your goals. It is a must."

MY DREAMS AND GOALS (Goal Series #01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon