Chapter 43

9.6K 207 5
                                    

I SWEAR 

Hindi ko na lang pinansin ang mga lumabas sa bibig ni Eurie. Nagpatuloy lang kami sa pagsagot sa mga tanong sa textbook. Minsan ay nagtatanungan kami kapag may mga pointers kaming hindi maintindihan. Pero hindi naman talaga puro pagrereview ang inatupag namin. Ito kasing si Ara at Eurie, puro boys ang pinag-uusapan. 

Kinabukasan ay halos mahuli pa kami sa klase dahil tanghali na kami nagising. Buti na lang at may common bathroom sa baba na ginamit ni Ara. Samantalang si Eurie naman ay doon naligo sa guest room. 

Nang natapos kami sa pag-aayos ay nagmadali kaming kumain ng mga niluto ni manang. Sinabihan pa niya kami na magdahan-dahan sa pagkain dahil baka mabulunan. Pagkatapos ay halos magtakbuhan kami patungo sa sasakyan. 

Mga hinihingal pa kami nang nasa kotse na. Mabilis ang patakbo ng driver namin dahil halos labin-limang minuto na lang ay magsisimula na ang klase. 

"Hindi ko na uulitin 'yun. Sa susunod ay aagahan ko na ang paggising kapag magkakasama tayong tatlo." Natatawang sambit ni Ara. Hawak niya ang kanyang salamin at tinitingnan ang sarili doon. 

Inagaw iyon ni Eurie para tingnan ang mukha sa salamin. "Parang nawala ang nilagay kong pulbos." Aniya pagkatapos ay kumuha ng face powder mula sa kanyang bag. 

Mabuti na nga lang at mabilis ang patakbo sa sasakyan. Nang nakarating kami sa school ay mabilis kaming nagtakbuhan para makarating sa building namin. 

"It sucks, Lisette! Naka-heels ako!" natatawang sabi ni Eurie. "Nawawala ang poise ko!" 

Kami ni Ara ay naka-flat shoes lang kaya ayos lang kahit tumakbo kami ng mabilis. 

"Saved by the bell!" hinihingal na sabi ni Ara. 

Sinulyapan ko ang aking relo. God is really good. Wala pa ang aming guro. 

"Thank goodness!" bulalas ni Eurie. "Ang galing natin!" 

Nagkatinginan pa kami ni Eurie nang pumasok isa-isa ang mga miyembro ng Halo. Kaming tatlo ay halos madapa na sa kakatakbo para lang makaabot sa unang klase. Tapos sila? Parang naglalakad lang sa ilalim ng buwan. 

"Really?" sarkastikong tanong ni Eurie na hindi din makapaniwala sa mga preskong dating ng apat. 

Sumaludo lang sila sa amin pagkatapos ay nagpakawala ng mga pilyong ngiti. Trademark nga naman. 

Nagulat pa ako nang dumiretso si Clay sa pwesto ko. Nakasabit sa likod niya ang gitara niya habang ang isang kamay ay nasa bulsa. Bago pa ako magsalita ay inilapag niya ang isang mineral water sa lamesa ko. 

Tumunghay ako sa kanya ngunit pinagtaasan lang niya ako ng kilay. "I saw you with Eurie and Ara. Running for your life, huh?" mapang-asar na sabi niya sa akin. Nakatayo lang siya sa harapan ko habang ako naman ay nakaupo pa din sa pwesto ko. He saw us running! Siguro ay pinagtatawanan kami ng mga ugok na iyon! "And you look dehydrated." Dugtong pa niya atsaka ako tinalikuran. 

Hello GoodbyeWhere stories live. Discover now