Chapter 20

11.6K 276 8
                                    

FREAKING JEALOUS 

Nakita ko ang pamimilog ng bibig nila George pagkatapos sabihin iyon ni Clay. Kinagat ko ang labi ko para maitago ang nagbabadyang ngiti dito. Ano ba ang maaaring itawag sa pakiramdam na ito? 'Yung hindi ko inaasahan pero sa likod ng isip ko ay sana mangyari ang mga nais ko sa aming dalawa ni Clay. I know I am being so hopeless romantic. 

Tumikhim si Mikel at nag-angat ng tingin. Nakikita ko ang medyo singkit niyang mata na para bang may nais na itanong. 

"Okay. Got it." Ani Kevin. Pinagtaasan niya ako ng kilay at saka umiwas ng tingin. Napanguso ako sa ginawa niya. He's like Clay sometimes. Suplado, maangas, arogante. But he's sort of playboy. He likes flirting with girls. Sa puntong iyon, masasabi ko na pareho sila ni Kevin. 

"Kayo bang dalawa ay.....kayo?" nalilitong tanong ni Mikel habang nakatingin siya sa akin at tila wala sa sariling itinuturo kaming dalawa ni Clay. "What I mean is kung may something sa inyo?" pagkaklaro niya ngunit bakas pa din sa mukha ang pagkalito sa sariling tanong. 

Nanlaki ang mga mata ko sa mga tanong ni Mikel na kahit ako sa sarili ko ay hindi ko masasagot. Ito 'yung pakiramdam na kahit alam kong may halaga ako kay Clay ay hindi ko pa din masasabi na akin siya. Hindi ko maaaring ipagsigawan na mahalaga ako sa kanya dahil alam kong hindi malinaw kung ano man ang meron kaming dalawa sa ngayon. 

At isa pa, gustuhin ko mang sumagot ay mas pipiliin ko na lang na tumahimik dahil baka ipahiya lang ako ng sarili kong bibig. I could say that because in one way or another, it all comes down to this. Wala akong karapatan. 

Nagbaba ako ng tingin dahil sa isipin na iyon. Am I on the hot seat? Kung sino pa ang tahimik sa banda ay siya pa ang magpapaulan ng ganitong tanong. Shit, Mikel! You are in your spontaneous way of asking. I hate you for this. 

May sumipol sipol pa sa paligid at napagtantong si Kevin iyon. He's such an asshole, indeed. Nangibabaw ang katahimikan sa mesa namin. Ito 'yung kinakatakot ko. Clay could deny what's being accused to him. Pero hindi siya nagsasalita. Walang kahit ano ang lumalabas na salita mula sa bibig niya. 

What's on your mind, mister? I want to know what's inside of that mind of yours, Clay. 

Nabasag ang katahimikan nang magsalita si Chelsea sa tabi ni Clay. Holy shit! Muntikan ko ng makalimutan. She's still here for Pete's sake! 

"Really? You two are in good terms?" Nahihimigan ko ang pagkadismaya sa tono niya. Nang nakita ko siya ay batid ko ang pagkairita sa kanyang mukha. What now, Chelsea? I never said anything. 

"Stop those freaking questions." Sambit ni Clay na may iritadong boses. Tinikom ko ang bibig ko. I really don't get him. Those interrogations were answerable by yes or no. Kung pwede nga lang ay kahit "maybe" ay maari niyang isagot. 

But that is Clay. He just can't answer a question without sufficient evidence which is his feelings for me. I must know that. 

Pinagpalit-palit ko ang tingin ko sa mga taong nagtatanong sa amin ni Clay. Alam kong naghihintay sila ng sagot. But I'm sorry, I might leave them hanging. 

Hello GoodbyeUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum