Chapter 1

61.7K 645 80
                                    

CAUGHT IN THE ACT

"What's with that smile, Lisette?" Bungad sa akin ni Eurie na ngayon ay umuupo sa tabi ko. Kunot noo nya akong pinagmasdan at binabaybay ang direksyon kung saan nakapako ang aking mga mata. Lalo lang kumunot ang noo nya nang mapagtanto kung sino ang tinitingnan ko.

Winagayway nya ang kanyang kamay sa aking mukha na syang nagpabalik sa akin sa reyalidad. Yes, he is just a dream.

"Seriously? Mukha ka ng baliw dyan." Untag nya sa akin. Binalingan ko sya and smiled shyly, feeling the redness all over my face.

"You're late. 5mins." Sabi ko sabay irap upang maiwala sya sa pagiging tulala ko kanina.

Malapad lang syang ngumiti sa akin na para bang nagsasabi na sinadya nya ang pagiging late. Hay naku! She's my bestfriend, knowing her she doesn't like waiting. And so am I.

"Tara na?" anyaya nya sa akin habang ngumingiti.

I just gave her my death stares. "Oo na. pinapatawad na kita."

Muli ko pang nilingon ang nagkumpulang mga lalaki malapit sa stage bago tahakin ang announcement board para alamin kung ano ang room namin sa buong taon.

And yes! There he goes. Seryosong nakikinig sa kung ano'ng sinasabi ng kausap, hi buddies, Kevin, George and Mikel.

Mula sa malayo, kita ko pa din ang kinis at medyo maputi nyang balat, ang mapupula nyang labi na ngayon ay unti unting ngumingiti.

Shocks! I will probably stare at him all day just to see his smiles all the time.

Napatalon ako sa kinatatayuan ko nang biglang nagsalita si Eurie. "Really, Sofia Lisette Agustin?." Dinig ko na may halong pagtataka. "You are staring at Clay Wesley Villamor." Diin nya, a matter of factly.

"Bakit hindi ko napansin dati? Lisette, di ka na nagsasabi ah." And now, she has a conclusion.

Laglag ang panga ko habang tinitingnan sya. Ilang taon kong inilihim ang pagkagusto ko sa lalaking iyon, kahit sa bestfriend ko, wala akong pinagsabihan. Kuntento na ako sa pasulyap sulyap at nakaw tingin sa kanya. It's not that I wanted to be a closed book to everyone or what. Walang halong biro pero kilala ako sa school na ito. Maging si Eurie Lazaro ay popular sa school. We have a lot of friends. Member kami ng cheerleading squad, that's why.

Hindi ko na alam kung pano mag-confess kay Eurie, ngayong kitang kita nya kung paano ako tumitig kay Clay. I can deny that. But no, not this time. Not even to my bestfriend.

Tumikhim ako at nagsimulang maglakad. Eurie is walking next to me.

"You should at least talk to me about it. You are keeping secrets from me." May halong pagtatampo na sinabi ni Eurie habang patuloy na naglalakad sa likuran ko.

One of the reasons-ayoko lang malaman ng iba at baka isipin nila na ambisyosa ako. Funny, but that guy obviously has a fan's club in this school. And yes, ambisyosa nga ako.

"We are in the same section, Eurie." Sabi ko pagkatapos ma'scan ang announcement board. Sana ay malusutan ko ang nagtatangka na naman nyang mga tanong. But I failed.

"Siguro kaya di mo sinabi ay baka maagawan kita."

Ngayon ay nakangiti na sya. She's teasing me now. Ang lakas ng loob talaga ng babaeng ito. Sabihin ba naman sa akin na bestfriend nya pa? Baliw talaga.

"Buti na lang observant ako, kung hindi hanggang ngayon ay eengot engot ako pagdating dyan sa lovelife mo." Ang ingay talaga. But I'm very thankful I have her.

Ngumiwi ako sa huli nyang sinabi. Lovelife, huh? Really? Okay lang sana kung pareho ng nararamdaman. I bet it's not. Siguro kapag napansin na nya ako ay mawawala na ang imahinasyon na ito.

Hello GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon