Chapter 24

10.7K 286 9
                                    

SORRY 

Naiwan akong tulala sa parking lot pagkatapos sabihin ni Clay ang mga iyon. Hindi man lang niya ako binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag ng maayos sa kanya kung bakit ako nakipagkita kay Louis. 

Pinanood ko lang ang likod niya habang siya ay naglalakad palayo sa akin. Hindi ko magawang humakbang para sundan siya. Hindi muna sa ngayon dahil alam kong mainit talaga ang ulo niya dahil sa nangyari kanina. 

Mabilis akong pumunta sa classroom nang sinulyapan ko ang oras sa aking relo. Nang ilang baitang na lang ang dapat kong tahakin ay agad na umikot ang mga mata ko dahil sa pag-irap. Nakasalubong ko si Jake na nakasilay ang ngiting aso sa kanyang labi. 

"Kamusta ang date?" tanong niya. 

Muli ko pa siyang inirapan at nilagpasan. Wala ako sa kundisyon para makipag-asaran sa isang ito. Bago ko pa siya malagpasan ay hinila na niya ang braso ko. 

"Dahil na naman kay Clay kaya mo iniwan si Louis. Really, Lisette? Mukha ka ng aso sa kakahabol sa kanya." Walang paliguy-ligoy na saad niya sa akin habang mahigpit na hinahawakan ang braso ko. 

Nagulat ako sa sinabi niya. Ganun na ba ako kadesperada na ganun na ang tingin sa akin ng ibang tao. Jake is really bullshit! 

"Tigilan mo ako Jake. Bitiw!" pagpupumiglas ko sa kanya. Nanginginig ang kamay ko sa sobrang pagtitimpi dahil sa mga sinabi niya. 

"One day, you will have to choose, which is which." May kasiguraduhan sa boses niya na parang alam na niya ang mangyayari sa ganitong klaseng sitwasyon. 

Hindi ko na pinatulan pa ang huli niyang sinabi sa akin. Mabilis ko siyang tinalikuran at agad na naglakad patungo sa classroom. Tahimik na nakikinig ang mga kaklase ko. Umupo ako kaagad sa aking upuan. Hindi alintana kung nababastos ko ba ang aking guro dahil hindi ako humingi ng paumanhin. Sorry, but I'm not in the mood. 

Mabilis na natapos ang lectures para sa araw na iyon. Nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang isa-isang paglabas ng mga miyembro ng Halo. Ganun din ang iba naming kaklase. Tumayo si Eurie at pinagmasdan lang ako habang nililigpit ko ang aking mga gamit. 

"Galit pa ba siya?" tanong ni Eurie sa akin. 

Tumango lang ako bilang pagsagot. I don't feel like talking. Narinig ko pa ang buntong-hininga niya. Tumayo na agad ako para makalabas. 

"Start na ng practice natin next week. Get ready." Dinig kong sabi niya. 

Muli pa akong tumango habang tikom ang aking bibig. Marahas na bumuntong-hininga si Eurie sa tabi ko habang bumababa kami sa hagdanan. 

"Mukha atang napasama ang pagkikita ninyo ni Louis ah." Nilingon ko siya nang sinabi niya iyon sa akin. 

"Ano bang masama sa ginawa ko, Eurie?" ngayon ay nagtatanong ako kung ano ang naging problema at ganun na lang ang pangdededma sa akin ni Clay ngayon. 

Hello GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon