Chapter 15

12.4K 294 15
                                    

IT'S USELESS 

Kung tutuusin ay pwede ko namang pabayaan si Clay. Pwede ko siyang talikuran at hindi na lang pansinin sa pagpapasakay niya sa akin sa sasakyan. 

Ngunit heto ako ngayon. Nakasakay na naman sa kotse niya. Kinakabahan dahil hindi ko alam kung ano ba ang pakay ni Clay. Kung ano ba ang iniisip niya. 

I'm just a junior high school student. Masarap sa pakiramdam 'yung pinapansin ka ng taong gusto mo. Pero masakit din ang mabalewala pagkatapos ka niyang bigyan ng halaga. At iyon ang nararamdaman ko sa amin ni Clay. 

Nilingon ko si Clay na nakaupo sa driver's seat. Ang kaliwang kamay niya ay nakapatong sa bintana. Ang mga daliri nito ay pinaglalaruan ang kanyang labi. Habang ang isang kamay naman ay nasa manibela, mukhang malalim ang iniisip. I'm wondering kung may ibang babae na siyang napasakay sa kotse na ito. 

"Stop staring." Usal niya. 

Mabilis akong nag-iwas ng tingin. Sa halip ay sumulyap na lang ako sa labas ng bintana. Kahit kailan ang suplado talaga nito. 

"You are not allowed to drive. Why are you even driving?" wala sa sarili na nasabi ko. 

Narinig ko siyang tumikhim. "Because I can." Matigas na sagot nito. 

Oo nga naman. Clay Wesley Villamor. Anak ng mga maiimpluwensyang tao. Walang dapat na ipangamba. 

"Akala ko ba ay susunduin ka ng driver ninyo? What are you doing there? Sa waiting shed." Napalingon ako kay Clay na diretso lang ang tingin sa daan. 

Nanuyo ang lalamunan ko. Hindi ko alam ang isasagot. Yes, I lied. Ngunit bakit alam iyon ni Clay? George probably told him about that. Madali lang naman sumagot. Ang mahirap ay kung paano ka sasagot. 

If you think it's easy. Then you're wrong. Si Clay ito, for heaven's sake! 

Matagal na dumapo ang mga mata ko sa kanya. Tumingin siya sa akin at pinagtaasan ako ng kilay. I saw him smirked. 

"You are avoiding me." Malamig niyang sabi nang hindi ko pa din mahagilap ang mga sagot na kailangan ko. 

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. He's jumping to conclusion, huh? Well, 'yun naman talaga ang gagawin ko dapat. But I'm not going to do that for the rest of my life. 

I know running away from Clay is useless. I can't run away from him. Dahil sa umpisa pa lang, alam kong sa kanya pa din ang bagsak ko. 

Lumipad ang tingin ko sa daanan. Mukhang ito na ata ang pinakamahabang byahe sa buong buhay ko. Umiling lang ako sa huli niyang sinabi. "I'm not avoiding you." Tugon ko. 

Sa labas lang ng bintana nakatuon ang atensyon ko. Ngunit ang isipan ko ay milya-milya na ang nararating. Kung magtatanong pa siya ay baka kung ano pa ang maisagot ko. 

Kanina lang ay napakasama ng loob ko, pero ngayon? Maging ang sarili kong damdamin ay pinagtataksilan ako. Madali para sa akin ang matakpan ang sakit na naidulot ng pag-uusap namin ni Clay sa locker's area. Kung pag-uusap ba na maitatawag iyon. Basta't si Clay ang dahilan ay madali lang para sa akin ang kalimutan iyon. 

At ngayon pa? He's obviously doing me a favor." 

"If you're not avoiding me, bakit hindi ka sumabay kina George?" Dahil sa tanong na iyon ni Clay, parang ayokong lingunin pa siya. Mariin akong pumikit. What now, Lisette? 

Dahan-dahan kong pinilig ang ulo ko paharap sa daanan. Tama lang para makita ko siya mula sa gilid ng mga mata ko. 

"It's not all about you, Clay. Kung sasabay man ako o hindi ay sigurado akong hindi ikaw ang dahilan." Lakas loob na nasabi ko. Kung pati ang magaling kong dila ay inilalaglag ako sa sitwasyon na ito, malamang ay wala ng pag-asang naghihintay para magkatotoo kami ni Clay. 

Hello GoodbyeOnde histórias criam vida. Descubra agora