Chapter 18

12.7K 317 18
                                    

DON'T YOU DARE 

Malaki ang ngiti ko nang magising ako kinabukasan. Expect the unexpected sabi nga nila. We are in good terms, I guess. We are cool. We are not strangers anymore. Ngunit walang kami. Hindi kami at masaya na ako sa ganun. 

It sounds weird ngunit ayos na sa akin na walang label ang kung ano mang meron sa amin ni Clay. Ang importante sa akin sa ngayon ay may importansya ako kay Clay. Kahit iyon lang ay sapat na sa akin. 

Nang makarating ako sa school ay hindi pa din maalis-alis ang ngiti na kanina pa dumudungaw sa labi ko. Kailangan ko pang tumigil sa paglalakad at huminga ng malalim para maging maayos at gawing normal ang ekspresyon ng mukha ko. Shit, Lisette! Hindi ka naman masyadong masaya nyan? 

Umiling-iling ako at nagmadaling naglakad patungo sa cafeteria. May mga nadaanan pa akong kakilala na binati ako habang panay lang ang ngiti ko sa kanila. 

Madali akong tinawag ni Eurie nang nakapasok ako sa cafeteria. Inalok niya ako ng pagkaing kinakain niya ngunit tinanggihan ko din agad dahil nag-almusal na ako bago umalis. 

"Magkwento ka. Bilis, Lisette!" panimula ni Eurie sa pagitan ng pagnguya. 

"Ano'ng ikukwento ko?" bahagya pang kumunot ang noo ko sa sinabi ni Eurie. Kung ang nais niyang mangyari ay sabihin ko sa kanya ang detalye ng paghatid sa akin ni Clay kagabi, siguradong mahuhuli kami sa klase kapag nagkataon. 

Nakita ko kung paano umikot ang kanyang mga mata nang matanto niyang hindi pa din ako umiimik. Mukhang desperada talaga siya na magkwento ako sa kanya. 

"Come on, Lisette! If you need to do a shortcut, it's fine! Makikinig pa din ako." 

Lumaki ang mga mata ko sa inasta niya. Ngunit inirapan ko din nang makita ang nang-aasar niyang mga ngiti. 

Sa huli ay nagkwento pa din ako. Nagawa kong sabihin sa kanya ang lahat. Hindi ko alam kung paano ko pinagkasya ang kakaunti naming oras para maikwento sa kanya ang nangyari. Nagkwento ako na para bang nangyari lang ang lahat ng iyon ilang minuto bago ko simulan ang pagdedetalye. 

I still remembered everything. How Clay made me feel, I think I'm the luckiest. 

Narinig kong umalingawngaw ang tili ni Eurie sa loob ng cafeteria. Nasapo ko ang aking noo at tumungo dahil sa pag-iinit ng pisngi ko. Nang nag-angat ako ng tingin ay napansin kong nakatingin ang halos lahat ng estudyanteng nasa loob ng cafeteria. 

My God, Eurie! Don't make it a headline. 

"Oh my! Are you two in a-" 

Nanlaki ang mga mata ko at agad siyang pinutol sa paghihisterya. "No, Eurie. We're not." 

Bahagya siyang nagulat sa sinabi ko. Hindi ba dapat ay mas magulat si Eurie kapag nalaman niyang kami na ni Clay ngunit walang ligawan ang naganap? Ngunit base sa kanyang reaksyon, dapat ay may namamagitan na sa amin ni Clay. 

Hello GoodbyeWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu