Chapter 45

8.9K 183 7
                                    

HEARTS AND FLOWERS 

Halos magta-tanghalian na nang magising ako. Hindi na ako nagtaka kung bakit hindi ako kinatok ni manang sa aking kwarto. Pagkatapos ng mga nakakapagod na ginawa namin sa school noong mga nakaraang linggo ay tiyak na kailangan ko talaga ng pahinga. 

"Kain na, Lisette. Mamaya ay nandito na ang mag-aayos sa'yo." Bungad sa akin ni manang nang dumiretso ako sa kusina. 

Tahimik lang ako habang umuupo sa pwesto ko. Sinusundan ko din ang mga galaw ni manang habang kumukuha ng mga kubyertos hanggang sa maglagay siya ng mga pagkain sa lamesa. 

"Tumawag pala ang daddy mo. Kinakamusta ka. Siguro ay kanina pa iyon natawag sa'yo." Pagpapatuloy pa niya. 

Lahat ng sinasabi ni manang ay hindi rumerehistro sa utak ko. Iniisip ko pa din kung sino ang tumawag sa akin kagabi. At 'yung mga sinabi niya. I'm sure that was just a prank. Tama. As simple as that. 

Pinalipas ko pa ang ilang oras sa panonood ng kung anu-ano sa salas namin. Hanggang sa sabay na dumating sila Ara at Eurie. Natawa na lang ako sa laki ng bag na dala nilang dalawa habang bitbit din ang naka-kahon pa nilang mga gown. 

"Sleep over kami dito, Lisette." Masiglang sabi ni Ara habang ipinapatong sa lamesita ang mga dala niya. 

"May magagawa pa ba ako? Buong kwarto na ata ang dala ninyo." Natatawa kong sabi pagkatapos ay agad akong naglakad patungo sa kusina. 

Nang nakabalik ako ay nandoon na din ang mga mag-aayos sa amin. Akala ko ay isang bakla lang. Si mommy talaga.  

Inilagay ko sa center table ang juice at cookies na dala ko. Pinasadahan ko pa ng tingin ang buong salas namin ngunit hindi ko maaninag kahit pa ang anino ni Eurie. 

"Nasa labas lang 'yun. Tumawag ata si George sa kanya." Ani Ara nang mapagtanto kung sino ang hinahanap ko. 

"Start na tayo, ladies. Sino ang mauuna?" sabi ng isang mas malaking bakla na napag-alaman kong si Red pala. Ang isa namang mas maliit at medyo slim ang katawan ay si Girlie. 

Agad naman na tumayo si Ara bilang pagpe-presenta. Pinaupo siya ni Red sa isa sa mga high stools namin at nagsimula nang alwasin lahat ng gagamitin niyang makeup, hair kit at kung anu-ano pa. 

Habang pinapanood ko ang paglalagay ng mga kolorete sa mukha ni Ara ay nakita ko sa gilid ng mga mata ko si Eurie na parang balisa. Tuluyan na niyang naagaw ang atensyon ko. Nagtitipa siya sa kanyang cellphone at mukhang hindi na matatapos ang pagkalikot niya doon. 

"Champagne ang kulay ng gown mo. Light iyon kaya dapat ay light lang din ang makeup mo." Dinig kong sabi ni Red sa nakapikit na si Ara. Si Girlie naman ay nagsisimula na sa buhok niya. 

"May problema ba?" naitanong ko kay Eurie na ngayon ay nakaupo na sa aming sofa. 

Tumunghay lang siya sa akin pagkatapos ay ngumiti. I could read that kind of smile. I once had that. Isang pilit at malungkot na ngiti. 

Dahil doon ay hindi ko napigilan ang pag-nguso. "Nag-away kayo ni Jake?" 

Matinding pag-iling ang natanggap ko mula sa kanya."No! We're in good terms, Lisette. 'Wag ka ngang gumawa ng issue dyan." 

Kahit na nagbibiro siya ay nahimigan ko pa din ang pag-aalala sa kanyang boses. Ano kaya ang problema ng isang ito? 

"Aayusin muna ni Girlie ang buhok ninyo. Lapit na lang kayo." Sabi ni Red sa amin. Bahagya pa akong napatango bilang pag-tugon sa kanya. 

Hello GoodbyeWhere stories live. Discover now