Chapter 19

12.5K 313 15
                                    

Naiwan akong tulala nang agad na umalis si Clay pagkatapos niya iyong sabihin sa akin. Bahagya pa akong tinapik ni Eurie upang bumalik ako sa aking ulirat. Agad kaming tumungo sa cafeteria upang mananghalian. Pagkapasok namin doon ay madami na ang estudyante. Tumingin-tingin pa kami sa paligid at agad namataan ang grupo ng Halo na preskong nakaupo sa pwesto din namin ni Eurie. 

Batid kong inaasahan nila na doon din kami uupo kaya agad kaming naglakad papunta doon. 

"Sino 'yung nagbigay ng teddy bear?" tanong ni Eurie na syang ipinagkibit-balikat ko. 

"Definitely not Clay." Sagot ko. Diretso ang tingin sa daanan. 

May mga bumati pa sa amin na mga estudyante na nasa kani-kanilang pwesto na sa loob ng cafeteria. Ngumingiti lang ako habang panay naman ang bati ni Eurie sa kanila. 

Nang nakarating na kami sa pwesto namin ay agad kong nasilayan ang pilyong ngiti sa labi ni Kevin. Sumaludo lang sa akin si Mikel habang si George naman ay nakapako ang tingin sa baso ng juice na nasa harapan niya. 

"'Yun pa din ang order mo?"tanong ni Eurie habang kumukuha ng pera sa kanyang wallet. 

Nakita ko sa gilid ng aking mata ang pagdapo ng tingin sa akin ni Clay. Tumikhim pa ako ng isang beses para maalis ang kung ano mang nagbabara sa aking lalamunan. 

"Damo na naman ang kakainin ninyo?" ani Kevin na may pang-asar na tono sa kanyang sinabi. 

Bahagyang tumawa si Mikel at George sa tabi ni Kevin na syang nagpataas ng kilay ni Eurie. Padabog niyang ibinalik ang pitaka niya sa kanyang bag atsaka masamang tumingin kay Kevin. 

"Hindi 'yun damo. Vegetable salad ang tawag dun! Palibhasa puro lamon lang ang alam mo." Paghuhuramentado ni Eurie sa pang-aalaska ni Kevin. 

Kumunot ang noo ko sa tila aso't puso na mga kasama ko ngayon sa mesa. Ipinatong ko ang aking bag sa ibabaw ng mesa upang kumuha ng pera sa pitaka. Maglalabas na sana ako ng pambili para maiabot sa nakabusangot na si Eurie ngunit agad na may kamay ang pumigil sa akin na gawin iyon. 

Napasinghap ako dahil hindi ko inaasahan ang pagpigil ni Clay sa kamay ko. Kunot noo akong bumaling ng tingin sa kanya. Pinagtaasan lang niya ako ng kilay pagkatapos ay kinuha ang pera na nasa kamay ko at mabilis itong ibinalik sa wallet ko. 

Walang imik syang tumayo at mabilis na pumunta sa counter. Kahit hindi sya magsalita ay alam kong ibibili niya ako ng pagkain. Siguro ay babayaran ko na lang siya mamaya. 

"Shit, dude! Ngayon ko lang ata nakitang pumorma sa babae si Clay." Manghang iwinika ni Kevin. Malakas pa niyang tinapik si Mikel at George na walang kaimik-imik kahit na panay ang salita niya. 

Mabilis na tumayo si Eurie sa tabi ko nang napagtantong hindi pa pala siya bumibili ng pagkain niya. 

"Mukhang hindi ako ibibili ng Clay na iyon." Nakanguso niyang sabi. 

Hello GoodbyeWhere stories live. Discover now