Chapter 10

11.3K 286 11
                                    

GOT YOUR BACK 

Nakagat ko ng madiin ang mga labi ko. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig nang marinig ang tanong na iyon ni Clay. Nagdasal pa ako na sana ay bigla na lang akong maglaho sa kinauupuan ko. O kaya naman ay kainin na lang bigla ng lupa. 

Ngunit alam kong imposible iyon. Napakurap-kurap pa ako at napagtantong pati si Eurie ay napanganga sa tanong ni Clay. Nakita ko din na sumilay ang mga pilyong ngiti sa mga labi ni Kevin at Mikel. 

Si George naman ay nakatingin lang sa akin. Blanko ang nakikita kong ekspresyon sa kanyang mga mata. 

Hindi ako makaimik dahil hindi ko makapa ang tamang salita para masagot si Clay. I just can't answer his question straight to his face. 

Bago pa ako makalingon kay Clay ay narinig ko na ang pagtikhim ni Kevin. Kasabay noon ay ang paggalaw ng upuan sa tabi ko. 

Damn! Uupo ba siya sa tabi ko? 

Lumapad ang ngiti na naglalaro sa mga mapupulang labi ni Eurie. I know what she's thinking. Bahagya pang tumaas-baba ang kilay niya habang diretso na nakatingin sa akin. 

"Ang tagal mo, dude. Ano ba ang ginawa niyo ni Chelsea?" basag ni Kevin sa katahimikan. 

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Sana ay hindi na lang nagsalita ang Kevin na ito. Mas pipiliin ko pang mabingi sa katahimikan kaysa marinig na magkasama si Chelsea at Clay habang hindi niya kasama ang mga ka-banda niya. 

Bahagya kong naramdaman ang mumunting kirot sa puso ko. Walang sila kaya ayos lang 'yan. Alam kong walang natitipuhang babae si Clay ngayon. 

"Wala kaming ginawa." Tipid na sagot ni Clay. 

"What took you so long, then?" pang-iintriga naman ni Mikel. 

Oh God! Please stop this conversation. Ayaw kong makarinig ng kahit ano. 

"We just talked. That's all." Kalmadong tugon niya. Halata na ayaw sumagot sa mga nakakalokong tanong ng mga kaibigan. 

Sumulyap ako kay Kevin at Mikel na nagpapaulan ng kung anu-anong tanong kay Clay. Nakita ko ang mga mukha nilang hindi naniniwala sa mga sinasagot nito. May mga pilyong ngiti pero hindi pa din nag-papaawat para mapaamin si Clay. 

He's not like that. Clay is such a gentleman kaya pumayag siya na makipagkwentuhan kay Chelsea. I know Chelsea is not his type. 

"Oh come on! Nag-usap dahil may date kayo? Damn, Clay! She's freaking hot!" bulalas ni Kevin na siyang nagpatawa kay Clay. 

Hindi ko sinasadya na mapalingon sa kanya nang narinig ko ang pagtawa niya. Shit! I want to see that again. Gusto kong marinig ulit kung paano tumawa ang isang Clay Villamor. 

"Yeah. She's hot." Walang pasubali na tugon ni Clay nang tumigil na siya sa pagtawa. 

Nakita ko ang biglang pagseryoso ng mukha niya. Did I hear it right? Hindi dahil nagpapaka-gentleman siya kaya pinili niya na mag-stay at makipagkwentuhan kay Chelsea, kung hindi dahil mas gusto niyang makipag-usap dito kaysa sa mga kaibigan niya. 

Napalunok ako sa sinabi niya. Kung ganoon ay type niya ang babaeng iyon? Kahit kanino Clay, 'wag lang sa kanya. 

"Type mo, dude?" biglaang tanong ni George. 

Sa buong panahon na nagkakantyawan ang mga kaibigan niya, ngayon lang siya nagsalita. Napanguso si George habang naghihintay ng sagot mula kay Clay. 

Dahil doon ay mas lalo ko pang tiningnan si Clay. Gusto kong marinig ang sagot niya. Kahit ano pa ang isasagot niya ay handa akong marinig iyon. 

Ngunit imbis na sumagot ay sumilay lamang ang pilyong ngiti sa labi niya. Nakatingin siya sa basong may laman na juice. Pinaglalaruan niya ito. Hindi ko makuha kung ano ang iniisp niya. Mahirap talaga hulaan ang isang ito. 

That's it. Hindi direkta pero mukhang nasagot naman ang tanong ni George. Napaiwas ako ng tingin. Kinalma ko ang aking sarili. 

Nakita ko na umilaw ang cellphone ko na nakapatong sa round table. Huminga ako ng malalim bago ito damputin para tingnan kung sino ang nagtext. 

Hindi ko naiwasan ang pagkunot ng noo ko, only to find out na si Eurie pala iyon. 

Eurie: 

You! Stop staring at Clay. That's rude! 

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Pinagtaasan niya ako ng kilay. Alam ko iyon, Eurie. Hindi ko lang talaga maiwasan ang hindi siya lingunin. Lalo na at nasa tabi ko lang siya. 

Dahan-dahan akong tumayo. Hindi ako makakatagal sa kinauupuan ko, lalo pa ngayon na parang ipinamumukha sa akin ni Clay na wala talagang pag-asa ang isang tulad ko sa kanya. 

"Excuse me." Mahina kong sabi sa kanila. Ayaw ko dito. The more I am closer to Clay, the heavier I am feeling this pain. 

Nag-angat ng tingin si George sa akin. "Where are you going?" tanong niya. 

"Sa loob lang. Kukuha ng juice." Sabi ko habang pinapakita ang baso na wala ng laman. 

Sinungaling. Hindi lang ang mga tao sa paligid ko ang niloloko ko. Pati ang sarili ko ay nagagawa ko ng lokohin. 

Tumango lang si George sa akin. Mabilis akong humakbang palayo sa kanila. Pumunta ako sa may salas at nadatnan ko si Chelsea na nakikipagtawanan sa mga miyembro ng cheerleading squad. 

Totoong maganda siya at sexy. Makinis at maputi ang balat niya. Kung tutuusin ay pwede na siyang model, dahil sa edad pa lang namin ngayon, matangkad na siya kumpara sa karamihan. 

Mas lalo lang piniga ang puso ko dahil doon. Oo nga naman. She's hot like what Clay said earlier. Sino ang hindi magkakagusto sa kanya? Bitch, indeed. 

Umirap ako sa kawalan nang mapagtanto ko na sinusuri ko na pala si Chelsea. Umiling pa ako para mawala ang mga isipin na iyon. 

Napaatras pa ako sa paghakbang nang matanaw ko si Eurie na naghihintay sa kusina. Nagsalin siya ng juice sa kanyang baso pagkatapos ay tumunghay sa akin. 

"Akala ko ba ay sa kusina ka pupunta?" bungad nito sa akin. 

Nagpatuloy ako sa paghakbang papalapit sa kanya. "May nakita akong kakilala. I just dropped by to say hi." Pagsisinungaling ko. 

"Really? That's why I saw you staring at Chelsea. Siya iyong kakilala na sinasabi mo?" panunuya niya sa akin. 

Pumikit ako ng mariin. Damn, Eurie. Kailan ba ako makakalusot sa iyo? 

"Fine. I lied." Pagsuko ko. "Hindi ko lang matanggap na si Chelsea 'yung tipo niya." 

"Clay never said anything. Ano ang hinihimutok mo dyan?" ani Eurie. Alam kong pinapagaan lang niya ang loob ko. 

Sumimsim ako ng juice at tumingin sa kanya. 

"Hindi ko alam, Eurie. I like him, really. Ilang taon na. Okay lang kahit sino, basta 'wag lang talaga sa bitch na 'yun." Desperadang sabi ko. Kung hindi siya para sa akin, sana naman ay 'wag kay Chelsea. I really don't like that girl for Clay. 

"That's the point. Ilang taon na 'yang pagtingin mo sa kanya. Ngayon ka pa ba susuko? Hindi iyan ang Lisette na kilala ko." 

Nagulat ako sa sinabi niya. Maski ako ay hindi ko na maintindihan ang sarili ko. I've known myself as a strong and brave one. Pero pagdating kay Clay ay tumitiklop ako. 

"Stand still, Lisette. I got your back." Sabi ni Eurie na siyang nagpakalma sa nararamdaman ko. 

Sige, Eurie. Isa pang subok. Kahit walang pag-asa ay susubukan ko ulit. I will try to get his attention. 'Yung ako lang ang mapapansin niya, wala ng iba pa.

Hello GoodbyeWhere stories live. Discover now