Chapter 21

11.9K 336 18
                                    

SA AKIN LANG 

Bago pa ako makahakbang ay mabilis nang tumalikod si Clay para umalis. Magsasalita sana ako para tawagin siya ngunit mabilis ko din na itinikom ang aking bibig. Bakit nga ba parang kailangan kong magpaliwanag sa kanya? 

Lakad takbo ang ginawa ko para maabutan siya. Ang bilis naman maglakad ng isang ito. Napansin ko din na sinusundan kami ng tingin ng mga estudyanteng nakakasalubong namin sa hallway. 

"Clay!" Tawag ko sa kanya ngunit hindi siya lumingon. 

"Uy, Clay." Muli ko pang tawag sa pangalan niya pero nagpatuloy pa din siya sa paglalakad. 

Bahagya lang siyang huminto nang paakyat na kami sa hagdanan. Nilingon niya ako. Bakas sa kanyang mukha ang pagkairita at pagkadismaya. Oh no. I can explain. 

"May sasabihin ka?" iritadong tanong niya nang kahit na isang salita ay walang lumabas sa aking bibig. Tinikom ko ito at nagsimulang maghanap ng tamang salita. 

"You know what? Keep it to yourself." Aniya atsaka mabilis na tinahak ang bawat baitang ng hagdanan na iyon. 

"Clay! Mali yang iniisip mo." Sabi ko kahit na alam kong malabo na niya akong marinig dahil sa bilis at laki ng hakbang niya, paniguradong nakapasok na siya sa aming classroom. 

Shit! Speaking of classroom, I'm so late! 

Bahagya ko pang tiningnan ang aking relo at napagtantong sampung minuto na akong huli sa klase. Huminga ako ng malalim. Pagkatapos ay pumasok na din ako sa aming room. Nakaramdam ako ng kaba nang makita na nagdidiscuss na ang aming guro habang tahimik naman na nakikinig ang mga kaklase ko. 

Dahan-dahan akong humakbang para makapunta sa aking upuan. Tumigil ng kaunti ang guro na nasa harapan nang nakita niyang naglalakad ako sa harapan. 

"Sorry. I'm late." Sabi ko nang nakaupo na ako. 

Inayos ng aming guro ang kanyang salamin sa mata habang nagpatuloy lang siya sa kanyang lecture. Binuksan ko ang aking libro. This is the reason why I'm late. 

Huminga ako ng malalim. Ilang beses na din akong nagpakawala ng malalalim na buntong-hininga sa araw na ito. 

Naramdaman ko ang pagsiko sa akin ni Eurie. Dahan-dahan ko siyang nilingon at nakita ko lang ang mga nagtatanong niyang mga mata. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang simangutan siya. 

Sa mga oras na ito ay hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin kay Clay. May pakiramdam ako na kailangan kong humingi ng paumanhin sa kanya. That is to settle things between us. Kahit wala namang kami. 

Nakakatawa lang isipin na pakiramdam ko ay may obligasyon ako sa kanya. Na dapat ay may gawin ako para maging maayos siya. I'm now feeling guilty. 

Puro boses lang ng nakatayong guro sa harapan ang naririnig ko sa buong classroom ngunit ang isip ko ay lumilipad na kung saan-saan. I'm so pre-occupied. Mukhang kailangan ko na namang magbasa sa bahay. 

Hello GoodbyeWhere stories live. Discover now