Chapter 38

9K 208 9
                                    

PLEASE 

Nagsimulang mag-strum ng gitara si Clay. Sa kada kaskas niya sa bawat string ay may mumunting tambol na nasa dibdib ko. Kasabay noon ay ang pag-irit ng mga babae na siyang nilingon ko. Ano pa nga ba? Pinapangunahan ni Chelsea ang nakakabinging irit na umaalingawngaw sa bakuran nila George. 

"Ikaw na ang pinaka-maswerteng babae na nakilala ko." Seryosong sabi ni Ara sa akin. 

Hindi ko siya tinugon. Sa halip ay tinitigan ko lang si Clay sa unahan. Maswerte nga siguro ako dahil sa wakas ay nasa akin ang kanyang atensyon. And I want this moment to last a lifetime. 

Napapangiti na lang ako sa tuwing may nagsasabi na maswerte ako dahil napapansin ako ni Clay. But little did they know, I took a lot of courage I could get just to endure all the throbbing words and coldest glares of that guy. I know it's all worth it. 

'Well I've been searching for something true 

My heart says it must be you'

Napahinga ako ng malalim nang nagsimula ng kumanta si Clay. Unti-unting tumindig ang balahibo ko nang binitiwan niya ang mga salita na 'yon. Nakatitig siya sa akin habang ang mga kamay ay patuloy pa din sa pagkaskas sa gitara niya. 

'I'd love to fall and see it through 

But only if you told me to' 

Hindi nakatakas sa aking mga mata ang pagsilay ng mga ngiti sa labi ni Clay habang kumakanta siya sa maliit na stage na inihanda para sa okasyon na ito. Kasabay nun ay ang pagtulak sa akin ni Ara kasama ang mga kaibigan ko sa squad. Nilingon ko sila at nakita ko kung paano sila mangisay sa likuran ko dahil sa pagkanta ni Clay. 

"Oh my God, Lisette! Napakaswerte mo na talaga! Match made in heaven!" ani Reese habang tila nananaginip habang ang mga mata ay nakapako kay Clay. 

'I don't wanna steal you away 

Or make you change the things that you believe 

I just wanna drink from the words you say 

And be everything you need' 

Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang malaking ngiti na nagbabadyang sumilay sa aking labi. Pagkatapos ko himayin ang mga katagang binibigkas ni Clay ay tila alam ko na ang kahulugan ng lahat ng iyon. Ako dapat ang kumakanta nun para sa kanya. I want to be his everything. I want to go with him in his own world. 

Napapikit ako para pakinggan at damahin ang malamig niyang boses. Pure talent, indeed. He really loves what he's doing. Sa tagal ng panahon na hanggang silay lang ang tanging nagagawa ko, ngayon lang ako nakaramdam ng sobrang pagpapahalaga mula sa kanya. It's too good to be true. 

'Yeah I could be so good at loving you 

But only if you told me to' 

Umirit ang mga babae na nasa paligid lang ng stage. Napailing ako dahil sa lakas ng epekto ni Clay sa kanila. I never knew he could sing that well. Malamig ang boses niya. He is so intimidating even when he's not on stage. Ngunit ngayon, tila nakukuha ko na ang panghatak niya sa mga fans na mayroon siya. 

Hello GoodbyeWhere stories live. Discover now