Chapter 33

9.9K 252 8
                                    

BACK OFF 

Nagsisimula na ang practice game nang nakapasok ako sa gym. Tanaw ko si Louis na kinakausap ni Sir Ed pagkatapos ay agad na pumasok sa court. Maganda ang ipinapakita nilang teamwork sa mga oras na ito. Dinig ko din ang sigawan ng mga nanonood habang umiinit ang laban sa pagitan ng magkabilang team na ginawa ng coach nila para sa praktis na ito. 

"Go Halo!" sigaw ng mga babae na kung di ako nagkakamali ay sila ang bumubuo ng fans club ng bandang Halo. 

Nagkatinginan kami ni Eurie at sabay na humagikhik. 

"Seriously? Basketball game ito, hindi battle of the bands." aniya habang umiiling sa kawalan. 

Masayang tingnan na kahit wala sa entablado ang bandang Halo ay nandyan pa din ang mga tagasuporta nila. Sana kahit lumipas na ang panahon ay manatili silang nandyan para sa banda. 

"Defense, Louis. 'Wag mong hayaan na maagaw ni Clay ang bola!" Sigaw ni Jake kay Louis habang nakikipag-Man to man defense kay Jesse, miyembro din ng basketball team. 

Mariin ang tingin ni Louis kay Clay habang dinidribol nito ang bola. Bigla niyang ipinasa ang bola kay Mikel na siyang teammate niya sa praktis na ito. Ngunit sa kasamaang palad, naagaw ni Clay ang bola na siyang naging dahilan ng pagmumura ni Louis. 

Holy Crap! 'Wag naman sana silang magkalat sa praktis na ito. 

Agad na nagdribol si Clay patungo sa ring at gumawa ng two-point shot. Muling nagtilian ang mga babae sa paligid ng gym. Tiningnan niya si Louis atsaka ngumisi na parang nangungutya. Napakunot ang noo ko sa inakto ni Clay. 

Natapos ang praktis hanggang sa umabot ng anim na puntos ang lamang ng grupo nila Clay. Lumapit si Jake kay Louis at bahagyang tinapik ang balikat nito. Tulad ng pangkaraniwang ginagawa pagkatapos ng laro, nakipagkamayan ang mga miyembro ng bawat koponan. 

Agad kaming bumaba ni Eurie at tinahak ang bawat bleacher pababa sa court. Napansin kong lumapit si Louis kay Clay at inilahad nito ang kanyang kamay. Tiningnan lang ni Clay ang ginawang paglalahad na iyon ni Louis habang umiinom ng tubig. What's going on? 

Walang ginawa si Clay kung hindi ang tingnan lang ang posisyon na iyon ni Louis pagkatapos ay tumalikod ito at nagsimulang maglakad. Holy Crap! 

Bago pa man makalayo si Clay ay hinawakan na ni Louis ang balikat nito. Iritableng lumingon si Clay atsaka pinagtaasan ng kilay si Louis. 

Halos tumakbo na ako para makalapit sa dalawa. Abot langit ang kaba na nararamdaman ko sa mga oras na ito. Kung hindi ako nagkakamali ay baka magkapikunan ang dalawang ito. Ang kuryente na namamagitan sa kanilang dalawa ay hindi alintana ng iba lalo pa't nasa gilid silang dalawa habang ang karamihan ay nasa gitna ng court. 

Nang humarap si Clay ay bahagya nitong itinulak si Louis. Halos mapatili pa si Eurie sa tabi ko na lakad-takbo na din ang ginagawa para maabutan ang dalawa. 

"Ano'ng problema nilang dalawa?" kinakabahan na tanong ni Eurie. 

Hello GoodbyeWhere stories live. Discover now