Chapter 44

9.7K 175 7
                                    

TOO MUCH TO ASK 

Nang makauwi ako sa bahay nung araw na iyon ay kinausap ko muna sila mommy at daddy. Ayos naman sila doon. Medyo busy at talagang malaki ang agwat ng oras nila kumpara dito sa Pilipinas. Thirteen hours to be exact. Kaya sobrang adjust ang ginagawa nila para lang makausap ko sila. Kahit tatlumpung minuto ay binibigay nila sa akin para matiyak kung ayos lang ako. 

"Saan ka, Lisette?" tanong ni Eurie nang palabas na kami ng gate, Huwebes ng hapon. 

"Sa boutique ni Ms. Camz. Final touch para sa isusuot ko sa prom." Tugon ko. 

Wala si Ara dahil nag-aasikaso din siya ng kanyang susuotin. Kung ako nga lang ang masusunod ay kukunin ko ang damit sa mismong araw ng prom. Ngunit dahil sa walang humpay na pangungulit ni mommy at ni Ms. Camz, kahit bisita lang daw sa gown ay ayos na. 

"Ikaw? Uuwi ka na ba?" tanong ko pabalik sa kanya. 

"May practice ang Halo sa bahay nila Clay. Tatanungin ko sana kung pwede ka ngayon." 

Nagulat pa ako sa sinabi niya. Halos lahat ng praktis nila ay sa bahay nila George o kaya ay sa music hall. Nabibingi lang ba ako? Baka nami-miss ko lang si Clay kaya iyon ang narinig ko sa kanya. 

Nanliit ang mata ko dahil sa narinig ko. "Bahay nila Clay?" pag-tatanong ko. 

Nakita ko ang sunud-sunod na pagtango niya. It answers my question. "Oo, Lisette! Sayang nga lang kasi may pupuntahan ka pala." Aniya atsaka nagpaalam sa akin. "Ingat! Text you later!" 

Wala sa sarili na sumakay ako sa sasakyan namin. Ito na naman 'yung pagkakataon na maari na akong makapunta sa bahay nila Clay, pero wrong timing pa rin. Pinaglalaruan na nga talaga ako ng tadhana. 

Nang nakarating kami sa boutique ay agad pinasukat sa akin ni Ms. Camz ang gown na mismong siya ang gumawa. Karamihan kasi sa mga bumibili sa kanya ay hanggang pag-design lang ang ginagawa niya. Pinapatahi niya ang mga iyon sa mga staffs niya. Pero dahil magkakilala sila ni mommy, siya ang mismong nag-ayos ng gown na isusuot ko sa darating na Sabado. 

Mabilis kong sinukat ang kulay royal blue na gown. Pwede naman akong pumili ng ibang kulay. Pwede din na dress lang ang isuot pero si mommy ang nagsabi na dapat ay pulido ang disenyo. Dapat nangingibabaw ang kulay kapag nagtabi-tabi na lahat ng magsasayaw. 

"You look stunning, Lisette!" ani Ms. Camz habang umiikot ako sa malaking salamin na nasa boutique niya. 

It perfectly fits on me. I like the details. High neck halter gown ang disenyo nito na may beaded neckline pa. 'Yung polyester na tela nito na kapag nailawan ay nangingintab dahil sa kulay nito. 

"Naku, Ms. Camz!Thank you." nahihiya kong sabi sa kanya. 

Mabilis siyang lumapit sa akin habang sinisipit sa kanyang tainga ang lapis na hawak niya kanina. Siguro ganyan na ako magtrabaho makalipas ang ilan pang taon. 

"We need to adjust this." Aniya habang hinahawakan ang tela sa likuran ko. "Kapag ba in-adjust ko ito ay mahihirapan kang huminga?" kwelang tanong niya sa akin. 

Hello GoodbyeWhere stories live. Discover now