Chapter 5

15.6K 377 29
                                    

AYOS LANG

Hindi ko na napigilan pa ang pagbagsak ng mga tingin ko sa sahig. Hinila ako ni Eurie papunta sa bakanteng upuan na nasa harapan. 

Nagpapasalamat pa din ako dahil hindi ang mga upuan sa harap nila Clay ang bakante. Mabuti na ito. Baka kapag masyado akong malapit sa kanya ay magkakasakit ako sa puso. Isa pa, for sure ay paunahan sa pagpasok kanina ang mga kaklase naming babae para malapit sa Halo. Alam na alam ko sapagkat unang row na lang ang may mga vacant seats. 

Kanina ay nagulat pa ako kung bakit nandito sila sa room namin. Akala ko ay nagkamali ako ng tingin kahapon sa announcement board, pero hindi. Nandito ang mga tao na napasadahan ko ng tingin sa listahan kahapon. 

Holy Crap! Ibig sabihin ba nito ay magkaklase kami? 

"Bakit sila nandito?" tanong ko kay Eurie nang hindi ma-process ng utak ko kung bakit nasa iisang section lang kami. 

Ngayon ay busy sya sa pag-scribble sa kanyang pink na notebook. Nilingon muna nya sila George bago sagutin ang tanong ko. 

Kahit minsan ay hindi ko pa naging kaklase ang kahit na sino sa mga miyembro ng bandang Halo. Ngayon pa lang kung sakali. At hindi ko lubos maisip kung bakit sila nandito at kumportableng nakaupo sa pinakahuling hanay. 

"Hindi ba't ikaw ang tumingin sa announcement board? Hindi mo sila napansin?" balik tanong ni Eurie sa akin. 

Tumingin nga ako sa announcement board ngunit ang mga pangalan lang namin ni Eurie ang pinagtuunan ko ng pansin. Hindi sumagi sa isip ko ang mga taong iyon. Kahit kailan hindi sumagi sa isip ko na mangyayari ito. 

Alam kong batid ni Clay ang pagkagusto ko sa kanya. Aminin ko man o hindi. And to think that we're in the same section, hindi ko na alam kung paano malulusutan ang lahat ng ito. 

Ni hindi ko din alan kung huhupa pa ba ang nararamdaman ko para sa kanya. Sa ngayon ay hindi ko alam. 

Natigil ang pag-iisip ko nang pumasok ang adviser namin. Ngiting-ngiti siya habang tinitingnan kami isa-isa. Inangat pa nya ang salamin sa mata para doon. 

"Siguro ay nagtataka kayo kung bakit ibang mukha na ang nakikita ninyo ngayon." Pagsisimula nya na nagpatango sa akin bilang pagsang-ayon. "We have to isolate all students who are currently involved in extra-curricular activities of our school. I bet all of you already know each other. We have here our varsity players," sabay turo sa mga lalaking nasa likod. "our athletes, from different categories," pagkatapos ay bumaling sa mga estudyanteng nasa gilid. "And of course, our cheerleading squad." Aniya at mabilis kaming tinuro isa-isa. 

Dahan-dahan kong tiningnan ang mga taong nasa apat na sulok ng classroom na ito. She's right. I know them all. 'Yung iba ay di namin masyado nakakahalubilo. At 'yung iba naman ay circle of friends kumbaga. 

"We agreed to do this, class, para hindi mahirap para sa ating lahat ang paggawa sa schedules ninyo. By all means, you are representing our school, but then again, we also have to maintain your grades and cope up with the lectures." Pagpapatuloy nya habang nakatayo sa harapan. 

Madami pa syang sinabi tungkol sa mala-espesyal na section kung saan kami kabilang. I fully understood. Kinuha lahat ng estudyante na kasali sa iba-t ibang activities pagkatapos ay pinagsama-sama sa isang section. Lahat ng levels ay ganun din ang ginawa. Aniya ay para maiwasan ang pag-miss sa klase dahil lamang umattend sa practice o kung ano pa man. Kung may practice ay magpa-practice at kung may lectures ay magle-lecture. 

Nakita ko na lahat naman ay sumang-ayon sa sinabi ng aming adviser. At isa pa, we have nothing to do with it kung hindi namin gusto. It is in school's discretion. Hindi namin kailangang pumili ng section para lang matuto habang ginagawa ang mga hilig namin. 

Hello GoodbyeWhere stories live. Discover now