Chapter 39

9.1K 195 16
                                    

I'M LOST

Hindi pa rin matanggap ng sistema ko ang naging pagtatalo namin ni mommy ilang araw na ang nakalipas. I feel so bad about it. 'Yun siguro ang unang beses na nag-usap kami sa ganung paraan.  

Hanggang ngayon ay umuulit pa din sa aking pandinig ang halos lahat ng detalye na sinabi niya nung araw na iyon. Nakikita ko pa din kung paano siya nagulat, nagalit at naguluhan dahil dumadaan ako sa ganitong estado ganung nasa murang edad pa lamang ako. 

Sa tuwing nakakasabay ko naman siya sa hapag ay malamig ang pakikitungo niya sa akin. Tinatawag niya ako kung may sasabihin siya. Tulad ng dati ay sinasabihan niya ako na mag-ingat sa eskwela at pag-aaral ang atupagin. Ngunit ngayon, alam ko na may kahulugan ang bawat salita na iyon. 

Naisip ko pa na hindi pa niya nababanggit kay daddy ang mga nangyari dahil kung nagkataon, agad agad akong kakausapin ni dad tungkol doon. But still, I'm hoping she could understand. Kahit si mommy lang ang makaunawa ay sapat na sa akin. Kahit siya lang muna ang umunawa ay mawawala kahit paano ang mga agam-agam ko. 

Bilang na rin ang mga araw na mananatili ang mga magulang ko sa Pilipinas. Sa darating na linggo na ang flight nila at habang nababawasan ang mga araw na iyon ay hindi naman mapanatag ang loob ko. Sumagi sa isip ko na baka bigla nila akong isama paalis ng bansa dahil nalaman na ni daddy ang tungkol kay Clay. 

And when that thing happens, I know I can't do anything about it. 

"Ang lalim naman nyan, Lisette!" nagulat pa ako at napaayos ng upo sa bench kung saan tanaw ko ang ibang estudyante na naglalaro sa field. 

Napanguso ako at muling ipinako ang tingin sa mga nagtatakbuhan sa field matapos kong sulyapan si Eurie. Bumuntong hininga ako at inayos ang bag sa tabi ko. Umupo sa tabi ko si Eurie ngunit nanatili ang tingin niya sa akin. 

Wala pang ilang minuto ay tumayo siya at humalukipkip sa harapan ko. Napaangat ako ng tingin. Bumungad sa akin ang pag-arko ng kanyang kilay. 

"What's wrong?" tanong niya habang diretso pa din ang tingin sa akin. Tila siya isang magulang na nagtatanong kung ayos ba ang kanyang anak. 

Nag-iwas ako ng tingin. Ang totoo niyan ay hindi ko alam kung paano ko iyon sasabihin kay Eurie. Kung paano ko sisimulan ang mga bagay-bagay. Kung paano ko maipapaliwanag sa kanya ang lahat para ng sa huli ay manatili siya sa tabi ko para suportahan ang lahat ng magiging desisyon ko. 

"Mom already knew about my feelings to Clay." pagsisimula ko habang ang mga tingin ay hindi iwinawaglit sa mga naglalaro sa field. 

Narinig ko ang pagsinghap ni Eurie dahilan para mapatingin ako sa kanya. Nakita ko kung paano nanlaki ang kanyang mata. Nag-iwas siya ng tingin at nagpakawala ng malalim na hininga. Dahil doon ay napakunot lalo ang aking noo. 

Ilang saglit pa ay pasalampak siyang umupo sa tabi ko. "And what happened next?" kalmado niyang tanong sa akin. 

Pinilig ko ang aking ulo sa direksyon niya. Only to notice the blank expression on her face. Nagkibit-balikat ako nang lumingon siya sa akin. "She got mad." Tugon ko. 

Hello GoodbyeWhere stories live. Discover now