Chapter 26

11.7K 240 6
                                    

THE UNKNOWN 

I've never been this happy before. Nag-uumapaw na nga ang galak na nararamdaman ko dahil sa araw-araw na presensya ni Clay. Tuwing tanghali ay lagi kaming sabay na kumain. Minsan ay sa labas ng school. Minsan naman ay kasama si Eurie at ang miyembro ng Halo.  

Napapaisip tuloy ako kung panaginip lang ba ang lahat ng ito. Hindi ko akalain na mag-iiba ang tingin sa akin ni Clay. Oo, walang kami ngunit malinaw na sa akin na pareho ang nararamdaman namin sa isa't isa.  

He's cold and arrogant, but sweet and thoughtful most of the time. Dati-rati ay makita ko pa lang siya na naglalakad sa school ground o naglalaro sa gym ay naiirita na ako at halos mawala ang itim ng mata ko sa pag-irap. Ngunit ngayon kapag malapit siya sa akin ay parang tambol na ang puso ko dahil sa sobrang kaba. At ang mata ko naman ay hindi kumukurap para lang matitigan siya.  

"Lisette!!!" Bago ko pa malingon kung sino ang tumawag sa akin ay naramdaman ko na ang pagtama ng bola sa aking ulo. Bahagya pa akong nahilo at na-out of balance dahil doon.  

Batid kong may mga dumalo sa akin at nagtanong kung ayos lang ba ako. Wala akong ginawa kung hindi ang tumango sa kanila. It hurts, of course. Ikaw ba naman ang tamaan ng bola sa ulo.  

"Ano ba naman kasi ang iniisip mo, Lisette?" ani Eurie habang hinahawakan ang ulo ko. Katabi ko siya sa panonood ng practice game nila Clay at kanina pa din lumilipad ang isip ko habang binabalikan ang mga nangyari sa amin ni Clay noong mga nakalipas na linggo.  

Umiling lang ako at dumako ang tingin ko sa mga varsity players na nagpatuloy na sa paglalaro nang nalaman nila na ayos lang ako. Nakapamaywang lang si Louis na nakatingin sa akin mula sa malayo. Nginitian ko lang siya atsaka nag-iwas ng tingin.  

Hinanap ng mga mata ko si Clay ngunit napaayos ako ng upo nang makita ko siya na nagja-jog patungo sa pwesto namin. Kinagat ko ng mariin ang labi ko para pigilan ang pag-ngiti.  

Narinig ko pa ang pagtikhim ni Eurie sa tabi ko. "Grabe. Nakuha mo na talaga ang atensyon niya." Hindi na ako nagbigay pa ng kumento sa sinabi niya.  

"You okay?" Nahimigan ko sa boses niya ang pag-aalala. Hinawakan niya ang parte ng ulo ko na natamaan ng bola. "I think you are spacing out. Tinitingnan kita kanina pa."  

Nagulat ako sa sinabi niya. Syempre, hindi ko maaaring sabihin na dahil sa kanya ay lumipad ng napakalayo ang utak ko kaya ako natamaan ng bola.  

Ngumiti ako sa kanya. Nakita ko ang pamumungay ng kanyang mga mata. Natawa na lang ako sa sarili ko dahil doon. Ibang klase din mag-alala ang isang Clay Villamor.  

"Okay lang ako." Tipid kong sagot sa tanong niya. Sumulyap pa ako sa coach niya na halos mapatid na ang litid sa kakatawag sa pangalan ni Clay.  

"Gusto mo bang dalhin kita sa clinic?" seryosong tanong niya na siyang nagpatawa sa akin.  

"Hindi na, Clay. Tsaka tawag ka na ng coach niyo." Pagnguso ko sa direksyon ng kanyang coach.  

Hello GoodbyeWhere stories live. Discover now