EPILOGUE

15.8K 271 30
                                    

Lumipas ang ilang buwan pagkatapos nang nangyari sa auditorium. Naalala ko pa na panay ang hikbi ko noon habang yakap-yakap ako ni Clay. Bahagya pa ngang hinaplos ni Ara at Eurie ang aking likod habang nakadiin pa din ako sa dibdib ni Clay. That was awkward! Dahil pati ang mga guro na nandoon ay nakatayo at nagulat sa pakulo ng lalaking iyon. 

Ngunit sa halip na makitaan sila nang galit o pagka-dismaya, mahinahon pa silang pumalakpak para sa ginawa ni Clay. Dahil doon ay mas lalo lang bumuhos ang mga luha ko. Hindi ko mapigilan dala marahil nang gulat, kaba at saya. 

Everything was perfect. He made his own version of our fairy tale. He made me think that everything in front of me was factual. Or am I missing something out of the picture? 

"Tara sa faculty room. Namimigay na ng report cards." Natigil lang ako sa pagbabalik-tanaw ng mga nangyari nang hilahin ako ni Eurie. Nakaupo kami sa isa sa mga bench na nasa open field. 

Nakikita ang saya at kagalakan sa bawat mukha ng mga estudyanteng nakakasalubong namin dahil sa wakas ay tapos na ang isa pang taon. Ibig sabihin ay nabawasan na ang bubunuin namin para sa pag-aaral. 

Tumalon-talon pa sa sobrang tuwa si Eurie nang makita ang report card na binigay ng adviser namin. Ano pa nga ba? Matataas na naman panigurado ang mga grado nyan. 

"Hoy! Para kang natipus dyan." Kulbit ni Ara kay Eurie na ngayon ay kadarating lang. 

Natawa ako sa harutan ng dalawa. Agad na din kaming lumabas at muling dumiretso sa open field pagkatapos namin makuha ang kanya-kanya naming report cards. 

"Senior na tayo." Sabay na bigkas ni Ara at Eurie nang makaupo kami sa bench. Sabay din silang nagkatinginan at napatawa dahil sa parehong bagay na tumatakbo sa isipan nila. 

Tahimik lang akong nakikinig sa kanila. Paminsan-minsan ay sumasali sa kalokohan ng dalawa ngunit paglaon ay muli akong tatahimik at babalik sa malalim na pag-iisip. 

Pagkatapos ng okasyon na iyon ilang buwan na ang nakalipas ay naging laman na naman ako ng usap-usapan. Alam ko kung ano ang kahihinatnan ng ginawa ko ngunit pinanindigan ko pa din. Alam kong mali na gawin iyon dahil ang kaligayahan ko ang nakasalalay, ngunit pinili ko na maging makatotohanan. 

Kumawala ako sa pagkaka-yakap ni Clay. Tiningnan ko siya nang diretso sa mga mata. Tanging ang nakangiti niyang mukha ang tumambad sa akin. Ilang beses akong napa-iling na siyang nagpa-kunot ng noo niya. Kung ilang beses kong ipinilig ang ulo ko ay ganun kadami ang daloy ng luha ko. 

Hindi ko mabilang kung ilang beses akong napa-hikbi noong araw na iyon. Hindi ko din malaman kung ilan ang mga tinik na tumutusok sa kalooban ko. Sobrang sakit na sa kabila ng lahat at ng paraan, ay ganito pa din ang kahihinatnan. Siguro nga ay hindi kontrolado nino man kung ano ang kalalabasan ng mga bagay-bagay. 

"Lisette?" nag-aalalang tanong ni Clay sa akin. 

Hindi ako kumibo. Sa halip ay tumunghay lang ako sa kanya. Kasabay noon ay ang pag-haplos ni Ara at Eurie sa likod ko. Dahil doon ay mas lalo lang akong nahabag sa sarili ko. 

Pinunasan ko ang aking pisngi pagkatapos ay iginala ko ang aking mga mata. Madaming estudyante ang nakatingin sa amin. Nag-hihintay ng isasagot ko kay Clay. Nag-aabang kung ano ang mga susunod na mangyayari. 

Huminga ako nang malalim. Nakita ko kung paano ako tingnan ni Clay gamit ang naguguluhan ngunit mapupungay niyang mga mata. 

"Clay... I'm sorry." Halos pabulong na wika ko. Dama ko ang panginginig ng boses ko. 

"Lisette." Halos sabay na bigkas ni Ara at Eurie sa bandang likuran ko. 

"Ano-" 

Hindi ko na narinig pa ang tanong ni George. Tumakbo ako palabas ng auditorium. Kahit alam kong masikip sa loob ay nakuha ko pa ding makalabas. Dama ko ang bawat mata na nakatingin sa akin. 

Hello GoodbyeWhere stories live. Discover now