Chapter 3

15K 431 63
                                    

DENY PA

May kung ano sa aking sistema ang bigla na lang nagwala nang narinig ko ang mga salitang iyon ni Clay. Bihira pero damang-dama ang bawat salita na lumalabas sa kanyang bibig. 

Suplado. Arogante. Maangas. Ngunit di ko maitatanggi na iyon ang mga katangian kung bakit patuloy akong nahuhulog sa kanya. 

Tahimik ang naging byahe namin papunta sa village kung saan kami tumutuloy nila Eurie. I wonder kung saan ang kila Clay. Naramdaman ko na lang ang paghinto ng sasakyan sa tapat ng isang malaking bahay. Matatayog ang mga bakuran nito na nagpapakita ng karangyaan ng pamilyang nakatira doon. 

Unang lumabas si Eurie sa sasakyan. Aniya'y itetext na lang nya ako at kung nasa mood, magrerecord pa sya ng video para sa akin. Ngumiti ako hudyat ng pagsang-ayon sa kanya. 

Sumunod na din sa paglabas si Clay at iminuwestra ni George ang bakanteng upuan sa harapan. 

"Wag mo akong gawing driver, Lisette." 

Napahagikhik ako sa sinabi nya. Sorry naman George. 

"Di ko alam na ihahatid mo ako." Sabi ko habang lumilipat sa harap. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagpihit pabalik ni Clay sa amin. 

"Pede naman akong maglakad. Malapit na oh." Dugtong ko sabay pag-nguso sa direksyon ng kabilang street. 

Nagtaas sya ng kilay sa akin at bahagyang sumulyap sa bintana. "Mapapatay ako ng pinsan ko pag hinayaan kita na maglakad mag-isa. Alam mo naman 'yun, daig pa pulis pag nakagawa ka ng kasalanan." 

Bahagya nyang ibinaba ang bintana ng sasakyan nya at napagtanto ko na nandoon si Clay. Preskong nakatayo sa gilid nito. Halos mapaatras ako sa kinauupuan ko dahil doon. Shocks. Ang lapit nya. 

"What, dude?" tanong ni George. 

Nahuli ko pa ang pagsulyap nya sa akin pagkatapos ay bumaling kay George. "Just.....take care." Pagkasabi nya ay unti-unti na ulit syang humakbang papasok sa gate nila George. 

Kumunot ang noo ko dahil doon. Narinig ko ang unti unting paglakas ng tawa ni George habang minamaniobra ang sasakyan. 

"You heard that, Lisette? That was so unlikely of him." Dinig kong sabi nya na buti ay naintindihan ko pa sa pagitan ng kanyang mga tawa. 

"What's funny, George? Sabi nya ay mag-ingat ka daw." Tugon ko na di pa din maalis ang kunot sa noo. Sana ay sinabihan nya din ako. 

Hindi nakalagpas sa akin ang pagseryoso ng kanyang mukha. Bago pa nya nailiko ang sasakyan sa sumunod na kanto ay narinig ko pa syang tumikhim. 

"Do you think he said that just to take care of myself? Kung may mangyari sa aking masama, si Clay pa ang magpapa-party para dun." 

Agad nyang ipinarada ang sasakyan sa tapat ng bahay namin. Bago pa ako makalabas ay muli nya akong tiningnan. 

"You don't think it was for you, do you? Think, Lisette..... Think." Mariin nyang sabi sa akin. Kasabay noon ay ang pagharurot paalis ng sasakyan. 

Hindi ko mapigilan ang mapaisip sa mga sinabi ni George. Hanggang sa makapasok ako sa bahay ay lutang pa din ako dahil dun. 

Dumiretso ako sa kwarto. Umupo ako sa gilid ng kama at iniisip ang tila palaisipan na sinabi sa akin ni George. "Think, Lisette." My goodness. Kung tama ang hinala ko, dapat ay kanina pa ako tumalon-talon sa saya. Na sa wakas, he finally noticed me. Sa tinagal-tagal ng panahon, ngayon ay may pag-asa na ako kay Clay. 

Pero hindi, eh. Imposible. It was George who told me about that. Definitely, not Clay. 

Napatigil ang paghahaka-haka ko nang may kumatok sa pintuan ng aking kwarto. Sumilip ako at nakitang si manang pala iyon na nakatayo sa harapan ng pinto. 

Hello GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon