Chapter 9

12.9K 318 30
                                    

DREAMING OF WHOM 

 Hindi ko kinaya ang mga tingin na iyon ni Clay. Pakiramdam ko ay matutunaw ako kapag nagpatuloy pa ang paninitig niya sa akin. Lihim akong napapangiti dahil dun. Hindi ko alam kung bakit niya ako tinititigan. Ganun pa man, labis na ang pagdiriwang ng kalooban ko dahil hindi lang isang segundo siyang tumingin sa akin. 

Kaya nang yayain ako ni Eurie na doon na kami tumambay sa pool side ay agad naman akong pumayag. 

"I'm just wondering. Ano'ng ibig sabihin ng mga tingin na iyon ni Clay?" tanong ni Eurie sa akin nang nakaupo na kami sa maliit na round table malapit sa pool. 

I just shrugged at her. I don't even know. Kung ano man iyon ay hindi ko alam. Kung para saan iyon ay hindi ko masasagot. Masyadong masaya sa pakiramdam para alamin ko pa. 

"I'm so curious, Lisette!" pagtili ni Eurie na siyang nagpalingon sa mga kakilala namin na nagkukumpulan din sa pool side. 

Napakunot ang noo ko sa tinuran niya. Curious saan? Sa paninitig ni Clay? I doubt it has something to do with me. 

"That was just nothing, Eurie." Deklara ko kahit na sa kaibuturan ng damdamin ko ay natutuwa ako. Sobrang saya sa pakiramdam na kaya kong tumayo ng matagal doon at hayaan ang gwapong si Clay na tingnan ako. 

Tumahimik si Eurie at pumangalumbaba sa harapan ko. I know she's thinking something. Tinapik-tapik pa ng mga daliri niya ang kulay itim na round table. Pagkatapos ay tumunghay siya sa akin na para bang may naisip siyang magandang ideya. 

Nagulat pa ako sa ginawa niya. Kanina lang ay iritable ang isang ito, pero ngayon, daig pa ang batang binigyan ng candy dahil sa laki ng pagngisi. 

"Stop smiling like that. Nakakatakot ka. So creepy." Sabi ko kay Eurie na pinagtaasan lang ako ng kilay. 

Umayos siya ng upo at muli pang tumingin sa akin. It's like she's scrutinizing me. Nagtaas ako ng kilay sa kanya. Weird. 

"Do you think Clay has some weird feelings for you?" seryoso at dire-diretso niyang tanong sa akin pagkatapos ay nag-muwestra ng quotation mark habang sinasabi ang salitang "weird". 

Umirap ako sa kawalan dahil sa tanong niya. Luminga pa ako para tingnan kung may nakarinig ba sa tanong niya. Mabuti na lang at medyo malayo ang iba naming kaibigan kaya ako lang ang nakarinig sa tanong na iyon ni Eurie. 

"You are weird, Eurie. Your question is weird." Pang-aasar ko sa kanya. Iniiwasan ang tanong na iyon. 

Ayokong umasa na mayroon ngang kahit na kaunting puwang ang isang Lisette sa buhay ni Clay. Ayaw kong paniwalain ang sarili ko dahil lang sa lintik na mga titig ni Clay. 

Pero sino nga ba ang niloloko ko? Sino nga ba ang nagpapaasa kanino? Sino nga ba ang sa umpisa pa lang ay umaasa na? 

Ako iyon, hindi ba? Wala pa man ang mga tingin na ipinupukol sa akin ni Clay, ay umaasa na ako. Sapat na sa akin na ako lang ang tumitingin. Na ako lang ang nagnanakaw ng sulyap sa kanya. Sapat na sa akin na hindi niya ako mapansin. Ayos lang kahit na alam ko sa sarili ko na umaasa nga ako. 

To notice me is too much to ask. 

To have the same feelings for me is another story. 

"Come to think of it, Lisette. He's staring at you for a long time. How could you explain that?" panghahamon sa akin ni Eurie. 

Hindi pa din sapat iyon. I know, that was just nothing. No more. No less. 

"George can stare at me for such a long time. And even Mikel or Kevin. Hindi basehan ang pagtingin ng matagal para lang masabi na may weird feelings ang isang tao para sa'yo." Pagpapaliwanag ko kay Eurie. Sige lang, Lisette. Lokohin mo pa ang sarili mo. 

"Yeah! They can stare at you, pero hindi tulad ng kung paano ka titigan ni Clay. Iba talaga, e." pagpapatuloy pa niya. 

Umiling na lang ako sa mga sinasabi niya. Kulang na lang ay takpan ko ang bibig niya dahil sa pakikipag-argumento sa di umano'y weird feelings ni Clay para sa akin.  

"Don't jump to conclusions, Eurie. It takes more than that. You might be wrong. 'Wag mo akong bigyan ng dahilan para lalong umasa sa kanya." Tama. Ayaw ko ng dagdagan pa ang maliit na porsyento ng pag-asang mayroon ako para mangyari kaming dalawa ni Clay. 

That is way too impossible. At nasasaktan ako habang naiisip ko na kahit kailan ay hindi magiging pareho ang nararamdaman namin para sa isa't isa. 

Ako na nagmamahal sa kanya. At siya na bumabalewala sa akin. 

"What if I'm right? Ikaw na din ang nagsabi, don't jump to conclusions. Kaya don't conclude. Clay is Clay. We can never tell about his feelings." Pagpapatuloy ni Eurie. Nakatingin siya sa akin na halatang naghihintay ng sasabihin ko. 

Her words took me somewhere else. What ifs. I hate what ifs and what could have been. 

Bumuntong-hininga ako at pumikit. How I wish meron nga. Kahit maliit na porsyento lang ay ayos na. Kaya kong sumugal para lang sa maliit na porsyento na iyon. 

Halos malaglag ako sa kinauupuan ko nang pagdilat ng mga mata ko ay nakita ko sila Kevin, George at Mikel na nakaupo na din at nakikisalo sa round table namin ni Eurie. 

Bahagya pang ngumiti si George sa akin na sinuklian ko din ng pag-ngiti. 

"Dreaming of something? Or someone?" bungad ni George na nagpapula sa pisingi ko. 

Sa tanong niya na iyon ay tanging si Clay ang unang pumasok sa isipan ko. Napailing ako sa isipin na iyon. He could be both, I guess. 

"Dreaming of someone, I bet!" saad ni Eurie. 

Heto na naman sila. Mag-uumpisa na naman sa pang-aasar. Buti at wala si Clay. Makakahinga ako ng maayos. 

"Baka dreaming of Clay. May pa-someone someone pa kayong nalalaman dyan!" si Kevin na nakisali na din sa pangangantyaw sa akin. 

And now, they are both cool. Kanina lang ay nag-iiringan silang dalawa. Ngayon ay magkakampi na. 

"Ano ba'ng mayroon sa Clay na 'yun at madaming nagkakandarapa sa kanya? Walang ginagawa pero kusang nilalapitan ng mga babae?" natatawang sabi ni Mikel. 

Napatawa ako sa sinabi niya. 'Yun na nga iyon, e. Wala siyang ginagawa kaya madami ang nakakapansin sa kanya. Kahit na sa simpleng paghawi ng buhok ay napapanganga na ang mga babae sa school. 

Swertehan na nga lang kapag nakita siyang nakangiti. Manghihinayang na lang ang mga babae dahil hindi nila nakuhanan ang pagngiti niya. 

"Stop it, guys." Sabi ko na medyo natatawa pa. 

"Sige nga, Lisette. Ano'ng mayroon sa lalakeng 'yun? E ubod naman ng suplado?" tanong sa akin ni Kevin. 

Narinig kong humalakhak sila George at Mikel dahil sa sinabi ni Kevin. Maging si Eurie ay natawa din sa tanong nito. 

Hindi ko alam kung sasagutin ko ba ang tanong na iyon ni Kevin o ano. Wala akong maisip na sagot kaya tumahimik na lang ako. Maya-maya ay narinig ko pa si Eurie na nakikipag-usap kay George. 

"She's dreaming of Clay. Tinatanong pa ba 'yun George?" ani Eurie. 

Tumingin lang sa akin si George. Wala siyang komento sa sinabi ng pinsan niyang si Eurie. Napailing ako dahil sa kadaldalan ng kaibigan ko. 

"I'm not dreaming of Clay." Pagtanggi ko sa kanilang mga patutsada. 

Narinig ko pa ang pag-angil ng apat sa paligid ko. Unting lakas na lang ng mga boses nila ay makakaagaw na kami ng atensyon sa mga kaibigan namin na nagkakasiyahan sa pool side. 

"Dreaming of whom?" 

Batid kong naestatwa ako sa kinauupuan ko dahil sa boses na narinig ko mula sa likuran ko. I know that voice. Hindi ako maaaring magkamali. 

"Dreaming of whom, Lisette?" ulit pa ni Clay.

Hello GoodbyeWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu