Chapter 47

9.3K 188 6
                                    

LIMITATIONS

Ilang araw ang lumipas simula nang nalaman ko ang dahilan ng pag-alis ni Clay. I was expecting something but little did I know I was blown by the fact that someone owns him at the very beginning. They knew it! Pero mas pinili nila na ilihim sa akin ang lahat. 

Sa mga panahon na 'yun, iniwasan ko ang mapalapit kay Eurie o kay George o sa kahit na sino na may kinalaman sa pagtatago sa akin ng katotohanan. Nakakatawang isipin na ang tanging dahilan nila ay 'We are just trying to protect you." 

Maraming beses na akong napailing ng mga salitang iyon. They are just trying to protect me. Really? Pero ang hindi nila alam, mas lalo lang akong nasaktan nang nalaman ko ang lahat. Kung sana ay nalaman ko lang kaagad. Kung sana ay may nagsabi sa akin. Kahit masakit ay mas pipiliin kong umiwas hangga't hindi pa malalim ang nararamdaman ko sa kanya. 

Kaya ko naman, e. Pero lintik lang! Mukhang hindi ko na magagawa pa iyon dahil nahulog na ako sa kanya. Yes, I fell hard! Hinayaan kong mahulog ang sarili ko sa pag-aakalang may sasalo sa akin. Ako mismo ang tumulak sa sarili ko papalapit sa kanya. 

"Tara, lunch na." pag-yaya sa akin ni Ara isang araw nang hindi pa din ako tumatayo sa kinauupuan ko. 

Mula sa gilid ng mga mata ko ay batid kong nakatingin sa akin si Eurie. Masama pa din ang loob ko sa kanya, pati na rin kay George. Hindi ko alam kung kailan huhupa ang sama ng loob ko dahil sa nangyari. 

Mabilis lang akong tumayo atsaka nauna sa paglalakad. Dumiretso ako sa cafeteria. Hindi tulad nang naka-gawian, ako mismo ang bumibili ng pagkain ko simula nang inilayo ko ang sarili ko sa mga kaibigan ko. 

Oo, mahirap dahil pakiramdam ko ay nag-iisa ako. Mabuti na lang talaga ay nandito si Ara. Kahit papaano ay alam kong may masasandalan ako. 

"Sounds gay, pero nami-miss ko na ang masungit na 'yun." Biglang bulalas ni Kevin nang nakaupo kaming lahat sa pwesto namin sa cafeteria. 

This room is not the same anymore without him around. 

"Kailan ba siya babalik?" nakapangalumbabang tanong ni Mikel habang nakatingin sa kawalan. 

Nag-angat ako ng tingin sa kanya pagkatapos ay kay George. Ngunit ilang sandali pa ay nagkibit-balikat lang siya. 

"Wala siyang sinabi." Ani George. I don't know if he was just tripping us. 

Hindi ko nga alam kung maniniwala pa ako sa sagot niya. Siguro ay alam niya, ngunit hindi lang niya sinasagot ng totoo dahil nasa paligid ako. Siguro nga ay ayaw na niya akong paasahin pa kay Clay. 

Lumipas ang araw, linggo at isa pang buwan. Habang naluluma ang panahon ay nawawala na ang komunikasyon ko kay Clay. 

'It's an important thing.' Ang tanging sagot niya sa akin sa isang networking site nang nag-iwan ako ng mensahe sa kanya. Ilang linggo din bago niya iyon sinagot. Pagkatapos kong mag-tanong ulit sa kanya kung kailan siya babalik ay hindi na ako kailan man nakatanggap pa ng sagot sa kanya. 

Hello GoodbyeМесто, где живут истории. Откройте их для себя