Chapter 12

12.5K 347 34
                                    

DISAPPOINTED 

Halos tumalon-talon ako nang nakapanhik na ako sa aking kwarto. Sinikap kong umakto ng normal pagkapasok sa aming bahay, dahil panigurado na magtatanong si mommy kung bakit ako ganito kasaya. 

Hindi ako makapaniwala na ginawa iyon ni Clay. Kung iyon ang kapalit sa bawat lungkot na nararamdaman ko nang dahil sa kanya, ay magtitiis ako para dun. 

Mabilis akong nag-shower pagkatapos ay agad kong binuksan ang account ko sa facebook. I just want the world to know how happy I am. Kahit ngayong gabi lang. 

Sofia Lisette Agustin: 

I never see it coming... expect the unexpected. 

Pagkatapos ng mga salitang iyan ay dinugtungan ko pa ng hugis puso. Masaya ako kaya't natulog ako ng may ngiti sa aking mga labi. Sana ay hindi na lang natapos ang araw na ito. 

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Nakasalo ko pa si mommy sa umagang iyon. At dahil tanghali pa siya magtutungo sa opisina, siya ang maghahatid sa akin sa school. Parang sa ganitong paraan lang ang bonding time namin ni mommy. Lagi silang busy sa trabaho ni daddy, pero kapag may oras sila ay bumabawi naman sila sa akin. 

It's okay, though. I'm used to it. 

Nang nakarating na kami sa school ay agad ko siyang hinalikan sa pisngi bilang pagpapaalam. 

"Kila George ka ulit sasabay?" pahabol na tanong niya sa akin. 

Bahagya akong napaisip doon. Nagkibit-balikat na lang ako kay mommy. "Bahala na mommy. Kung agad silang uuwi ay doon na po ako sasabay." 

"I should hire a new driver for you, honey." Deklara ni mommy sa akin. 

Napabuntong-hininga ako sa usapan na iyon. Ilang beses na namin napag-usapan ang tungkol doon. At lagi na lang kami nauuwi sa pagtatalo. 

"I don't need a driver, mom. I can take care of myself." Sabi ko habang umiirap sa kawalan. 

Mariin lang akong tiningnan ni mommy. I just waved my hands and walked away. 

I will not let anyone or anything control my own life. Naiintindihan ko na para sa seguridad ko kung ano man ang nais nila para sa akin. Pero kapag pumayag ako, para ko na din sinabi na maari silang magdesisyon basta-basta para sa akin. 

Nang nakatapak ako sa school ground ay mabilis na rumehistro sa isip ko ang ginawa ni Clay kagabi. Kung paano niya marahan na idinampi ang mga labi niya sa aking noo, at kung paano niya malambing na binigkas ang mga salitang "good night" sa akin. 

Kakaiba ang sensasyon na hatid ng mga iyon sa akin. 'Yung tipong hanggang ngayon ay nakadikit pa din ang mga ngiting kagabi pa namutawi sa aking mga labi. 

Sa cafeteria ang tungo ko kung saan kami nagkikita ni Eurie tuwing umaga. May mga nadaanan akong kakilala at panay lang ang ngiti ko sa kanila. 

Nagulat pa ako nang biglang may humarang sa hallway patungong cafeteria kung saan ako nadaan. Ang aga-aga, ito agad ang bubungad sa akin. 

Ang nasa unahan na babae ang naglakas-loob na maglahad sa akin ng isang sobre. Kumunot ang noo ko sa ginawa niya. 

"Pakibigay naman kay Clay." Mahinang sabi nito na nagpalaglag sa panga ko. 

Mariin kong tinitigan ang sobre na iniaabot niya sa akin. Pagkatapos ay dumako ang mata ko sa babeng kaharap ko. 

"Close ka sa kanila kaya ikaw ang nilapitan ko." Dugtong pa niya. 

Close ako sa iba, pero hindi kay Clay. Kung alam mo lang, miss. 

Kung hindi ako nagkakamali, transferee ang isang ito. Junior din siya. I can tell by the color of her id lace. 

Hello GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon