Chapter 17

11.9K 312 22
                                    

UPSET

Mabilis na natapos ang huling practice ng bandang Halo para sa araw na iyon. Iba pa din talaga sa pakiramdam kapag malapit sa mga miyembro ng banda. Masusubaybayan mo kung paano nahubog ang mga talento nila. I'm proud of them, really. They are all way ready for stardom. Kahit pa sabihin na high school student pa lang sila. 

Tumayo si Eurie dahilan para mapatayo na din ako. Lumapit siya sa akin pagkatapos ay siniko ako. 

Nilingon ko siya habang nakakunot ang aking noo. Napansin ko na nakangiti siya. Sa tingin ko ay nang-aasar siya. 

"Para saan iyon?" tanong ko. 

Hindi niya ako sinagot. Sa halip ay naglakad na siya palabas ng kwartong iyon. Ilang hakbang na din ang nagawa ko nang maramdaman ko ang kamay na nakahawak sa braso ko. 

Nang lingunin ko kung sino ay tumambad sa akin ang nakangusong si Clay. Nagulat ako sa ginawa niya. 

Tumikhim siya bago magsalita. "Where are you going? I told you to stay in the couch." Supladong wika nito. 

Muli pa akong nagulat sa mga sinabi niya. Hindi na niya kailangang magsuplado ulit dahil sa ginawa ko. Hindi naman ako tatakbo palayo sa kanya. 

Nilingon ko sila Kevin, Mikel at George na mukhang nagkakasayahan sa pagpili mula sa mga cd na nandoon. They will stay here, I think. 

Binalik ko ang tingin ko kay Clay atsaka nagiwas ulit ng tingin. "I'm sorry." Iyon lang ang tanging lumabas sa bibig ko. 

Kapag talaga pagdating kay Clay, nawawala ang mga salitang nais kong sabihin. Iba na talaga ito. Mahirap pa sa mga exam sa school, dahil pagdating sa kanya ay namemental block ako bigla. 

Agad siyang naglakad patungo sa pintuan ng music room. Binuksan niya iyon atsaka tumingin sa akin. 

"Let's go." Anyaya niya. 

Tinahak ko na din ang distansya naming dalawa. Narinig ko pa ang pagtawag ni George sa pangalan ni Clay. Nakita ko lang na tumango si Clay atsaka muli akong binalingan ng tingin. 

Mabilis ang mga hakbang ko para makalabas sa kwartong iyon. Nagpalinga-linga pa ako sa pag-asang nandito pa si Eurie. Pero ang babaeng iyon talaga, daig pa ang hangin sa biglang pag-alis. Hindi man lang nagsabi sa akin. 

Dinampot ko ang bag ko na nasa sofa ngunit mabilis itong inagaw sa akin ni Clay. Again, I was shocked. Ano ba ang nangyayari dito sa lalaking ito? 

Magsasalita na sana ako ngunit mabilis na siyang naglakad palabas ng bahay. Lakad-takbo ang ginawa ko para lang maabutan ko siya. 

Nang nasa labas na ako ay natanaw ko siyang naghihintay sa labas ng kotse niya. Nakasandal siya doon habang hawak-hawak ang aking shoulder bag. 

Muntik pa akong matawa sa nakita ko. Ang gwapong si Clay ay may hawak na shoulder bag. If he is my boyfriend, I will love him even more. Well, sorry for myself. 

Hello GoodbyeWhere stories live. Discover now